T H G 2: C h a p t e r T w e n t y - T wo

1.5K 31 1
                                    

      

      Sa isang pribadong lugar ay naroon nagtitipon ang mga may mabibigat na pangalan sa industriya. Karamihan ay talagang mga negosyante, tuwang-tuwa ang mga ito dahil ito na ang kanilang pagkakataon na makakuha ng kani-kanilang investors. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang mga iba nilang nakakasama sa pribadong lugar ay kabilang sa isang Mafia Organizations.


      Sa kabilang dako naman ay dumating na ang iba't-ibang taong ayos na ayos, tila prinepresenta ang mga sikat na kompanyang pagaaari nila. Lahat ay nagkakasiyahan nang dumating na si Blake na ayos na ayos din na talaga namang makikita ang karangyaan at estado sa buhay. Kasama nito ang kasintahan na si Casey Seo. Ngiting-ngiti ito sa tuwing pinapakilala ni Blake sa mga nadadaanan nilang bisita.


      Nang makita ang mga kasama sa pagplano ng nagaganap na partido ay agad niya itong nilapitan na may ngiti sa labi.

      "Tito Xavier, Xeno." Sarkastikong bati ni Blake sa dalawang mag-ama. Agad naman silang napangiwi sa binatang kaharap na may kasamang magandang dalaga. Napailing-iling na lamang sila, marahil sanay na sila sa tono ng kausap.


      "Blake hijo, who's this beautiful lady beside you?" Nakangiting paguusisa ni Mr. Lee.


      Napangiti naman si Blake at hinawakan ang kasitanhan sa bewang at marahan na inilapit para ipakilala. Napangisi naman si Xeno rito.


      "Oo nga pala. I would like you to meet my girlfriend, Casey Seo." Agad namang napangiti si Casey sa kanyang narinig, tila kinikilig.


      "Hello po," Magalang na wika ni Casey sa dalawa.


      "Oh, hello there. Xeno by the way." Nakangising sabi ni Xeno at nakipag-kamayan sa bisitang kakakilala lamang.


      "I'm Xavier Lee, you can call me Mr. Lee, hija." Pakilala naman ng ama ni Xeno at katulad ng anak ay nakipagkamayan rin ito sa dalawa.


      "We're about to start, so I'm afraid that we two," Pagputol ni Mr. Lee sa kanyang sinasabi at napatapik sa balikat ng anak na si Xeno, "Need to go." Paalam nito sa dalawang kakarating lang na bisita.


      Agad namang napatango ang binata, "Sure, Tito."


      "Please, enjoy the night." Sabi pa ni Xeno at sinundan na ang amang nauna ng umalis.


      Nagkatinginan naman ang magkasintahan at nagngitian. "Are you alright?" Tanong naman ni Blake at hinawakan ang kamay ng kasintahan, dahilan para agad mamula ang magkabilang pisngi ni Casey.


      "O-Oo, hehe." Iyun na lamang ang lumabas sa bibig ni Casey, tila hindi siya sanay na gantuhin siya ni Blake sa mga gantong malalaking ganap sa buhay nito.

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now