T H G 2 : C h a p t e r F o r t y - T w o

1.5K 46 3
                                    

X y l e a n

          Nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya nakita at dumiretso na lamang kina Tiff kasama si Nathan.


          "Oh, Nathan! Xylean! Nandyan na pala kayo. Ba't antagal niyo? Nag-date pa?" Bungad na pangaasar ni Tiff sa'ming dalawa.


          "Tch." Napasinghal nalang ako. Napakama-issue talaga ng taong 'to.


          "Uh, no. It's my fault actually, it was really traffic in my place." Agad na paliwanag ni Nathan sa kanila.


          "Pero brad, ba't ka nandito?" Biglang singit ni Henry na parang masama pa ang tingin dito.


          "He-he-hep! Ako ang nag-imbita, okay? He's our friend." Agad na pagtanggol ni Tiff kay Nathan. Nakita ko namang pasimpleng nagsalubong ang kilay ni Spade at lumapit rito tsaka may binulong. Nakita kong napanguso naman si Tiff.


          "So, let's end that argument please." Pagtatapos ni Spade at napatingin kay Nathan. "Spade pala, Pare. Asawa ni Tiffany." Inilahad ni Spade ang kamay niya na agad namang tinanggap ni Nathan.


          "Jonathan, pero Nathan nalang." Nakangiting pagpapakilala nito pabalik.


          "Can we all just go?" Sarkastikong pagsingit ni Blake. Napatingin naman kami sa'kanya. "What? Tanghali na." Masungit niyang pagpapatuloy.

          Napabuntong hininga naman si Tiffany. "Okay, Guys, nalagay na ba 'yung mga pagkain at mga kakailanganin?" Tanong na lamang ni Tiff sa kanila.

          "Yep." Agad na sagot ni Cloud.

          "Guys, we can't dala cars ha? Magva-van tayo. Masyadong magastos sa gas, eh." Singit ni Janina. Nanlaki naman ang mga mata ni Kris.

          "Bitch? Ew! You mean, magsisiksikan tayo?" Mataray na tanong ni Kris kay Janina.

          "Yap and that's a yes for me, dude." Patango-tangong sabi ni Asiya.

          "Babe, let it be. Para makatipid narin tayo sa gas." Kalmadong sabi ni Ethan kay Kris na nagiinarte pa din. Napataas bigla ang isang kilay nito at napatingin sa asawa.

          "Hindi pa naman siguro tayo naghihirap, Mister Mendoza?" Mataray na tanong nito sa asawa. Tumawa naman si Ethan at pinulupot ang braso dito.

          "Ofcourse not, I'll never let that happen Misis Mendoza." Ngising sagot ni Ethan dahilan para mamula ang mga pisngi ni Kris.

         "Ang landi niyo." Nakangiwing komento ni Asiya sa kanila. Lumapit naman dito si Henry.

         "Inggit ka? Gusto mo din? Hehe." Lalong napangiwi si Asiya at binatukan ang asawa. "Aray naman!"

          "Isa ka pa! Pumanik kana don! Lagay mo gamit natin!" Sita nito kay Henry. Napapakamot naman sa ulo ng marahas si Henry sa inis at bumulong-bulong. "Ano? May sinasabi ka?" Maangas na tanong ni Asiya sa asawa. Sumama ang tingin ni Henry dito.

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now