Episode 2 - My Boo

1.2K 62 1
                                    

•••

*Haru*

"Saan ho tayo, Ma'am?" Tanong ko kay Mrs. Monteclaro matapos ko siyang ipagbukas ng pinto at makapwesto ako sa driver's seat.

"Diretso na tayo sa bahay, then off you go, hijo." Nakangiting sagot ni Mrs. Monteclaro.

Kahit sa rearview mirror ko lang siya nakikita ay mababakas kong tila mayroon siyang inaalala. At ang side ko na mahilig makialam sa ibang tao ay hindi ko napigilan. Siguro ay nature ko na iyon, ang mag-alala at mag-alok ng tulong sa ibang tao.

"Okay lang ho ba kayo, Ma'am?"

Masyado pa ring maaga para umuwi. Pero sabagay, siya naman ang boss ng sarili niyang kumpanya kaya hawak niya ang oras niya.

"Ayos lang ako, Haru. I just feel strangely tired this Friday. You know, a week of office work." Nakangiting tirik niya ng mga mata.

"Ganoon ho ba?" Sinimulan ko nang tapakan ang accelerator at mabining pinatakbo ang kotse. "Ahm, baka mero po kayong kailangang ipakumpuni sa bahay niyo, Ma'am. Marunong ho akong mag-ayos ng tubo, magkarpentero, kahit ano, Ma'am." Nakangiti kong alok.

"Really? Saan ka naman natuto?" Saglit kong sinulyapan ang nakangiting ginang bago ako nag-menor para lumiko sa kanto.

"Ah, rumaraket kasi ako, Ma'am. Kailangan ko pong kumayod para sa mga kapatid at nanay ko. Kaya kahit anong trabaho po basta marangal, maliit man o malaki ang kita ay pinapasok ko ho."

"Hmm. Your family must be lucky to have you."

Kiming ngiti at simpleng tango lang ang isinagot ko. "Ahm. May ipapagawa ho ba kayo, Ma'am? Nahihiya ho kasi akong mag-undertime at umuwi na hindi buo ang serbisyo ko sa inyo. Hindi ho masusulit ang bayad niyo sa akin." Pabiro kong dagdag na bahagya niyang ikinatawa.

"It's okay, hijo. Meron naman akong boy sa bahay. Just spend your time with your family. Tatawagan na lang kita if ever na may pupuntahan ako. Which I doubt, kasi gusto ko lang mamahinga."

"Sige po."

Nang maihatid ko si Mrs. Monteclaro sa bahay niya ay sinakyan ko na ang bisikletang iniwan ko sa lumang guard house sa sulok ng bakuran ng mansyon.

Hindi naman ganoon kalayo ang barangay namin sa tirahan ni Mrs. Monteclaro. Isang barangay at isang mahabang savanna lang ang kailangan kong daanan upang makauwi.

Nang may madaanan akong nagtitinda ng bananaque at okoy ay saglit akong huminto at bumili. Siguradong gutom ang dalawa kong kapatid dahil wala namang recess sa tanghali. Tamang-tama at uwian na nila mayamaya.

Kumuha ako ng isang bananaque para kainin habang nasa daan at isinilid ko sa backpack ang iba.

Gustong gusto ko ang lugar na ito. Malamig ang hangin, tahimik, at payapa ang mga mamamayan. At walang polusyon. Nae-excite na rin ako sa tagsibol dahil nagsisimula nang umusbong ang mga dahon ng puno na nakahanay sa daan. Maging ang tuyo at matataas na damo ay tila kumakaway habang isinasayaw ng hangin.

Nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan ay saglit akong huminto at lumingon sa paligid. Wala namang tao at naninirahan sa malapit dahil savanna na ito kaya kumubli ako sa isang malaking puno.

"Tabi-tabi po."

Matapos kong maginhawahan ay pinulot ko ang bisikleta pero nang sasakay na ako ay may humaharurot na itim na kotse ang muntik na akong mahagip.

Sa pagkagulat ko ay nabitawan ko ang bananaque na kagat-kagat ko ang dulo ng stick.

Nanlalaki ang mata kong hinabol ng tingin ang papalayong kotse.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ