Episode 15 - Date

1K 52 5
                                    

*Rain*

•••

   "I see sparks fly, whenever you smile, Rain."

   Those were the words that kept ringing in my head. What the f*ck did he mean by that?

   I know I don't smile a lot and that's because I don't see any reason to smile. Pero ang mga salitang iyon, bakit parang kinikiliti nila ako?

   No. I can't.

   I always say this is wrong. Pero bakit hindi ko magawang umiwas sa kanya?

   It was like something was pulling me toward him.

   But.. am I ready to let go and give in?

   Dinampot ko ang nakataob na photo frame sa ibabaw ng side table at hinaplos iyon.

   Please, tell me, Summer.

•••

*Haru*

   "Kumusta ka naman, hijo. Si Rain kumusta?"

   "Okay naman ho, ma'am. Ahm, kulang two weeks na lang po aalisin na 'yung semento sa braso niya."

   Hinipan ko ang tsa bago iyon tinikman. Hmm. Ngayon alam ko na kung bakit paborito ni Mrs. Monteclaro ang chamomile.

   "Really? Mabuti naman kung gayon." Tila natutuwang tugon niya.

   Sinuklian ko iyon ng isang maliit na ngiti. Para kasing hindi ko kayang matuwa gaya niya. Hindi naman sa pinananalangin kong huwag nang gumaling si Rain.

   Iyon nga lang, kapag naalis na ang semento sa braso niya ay hindi na niya ako kakailanganin.

   Hindi ko na siya makikita.

   Makakausap.

   Malalapitan.

   Tapos na.

   "Hindi ka na niya mapagsusungitan." Dugtong ng ginang na bahagya naming ikinatawa. "Alam mo iyang si Rain, hijo, hindi naman iyan masungit noon." Ngayon ay nakangiti siya at tila may inaalala. "Ang totoo, napakabait na bata niyan. Masunurin, masipag, masiyahin, puno ng sigla."

   "Ahm. A-ano ho ang n-nangyari?" Alanganin kong tanong kahit pinipigilan kong manghimasok.

   Napasunod ang tingin ko nang lumingon si Mrs. Monteclaro sa portrait ng dalawang binatilyo. Mapait ang naging ngiti niya nang bumalik sa akin ang atensyon niya.

   "Sabihin na lang nating, may mga pangyayaring nakapagpabago sa kanya." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o itatanong kaya hinayaan ko na lang siyang magpatuloy. "Those things that happened were too painful he couldn't save himself. Now he's lost and... hindi ko alam kung paano siya tutulungan.

   "He's like a son to me, at nalulungkot ako na wala akong maisip at magawa kung paano siya muling sasaya, just like those memories of his happy days.

   "I shouldn't be telling you this, but at times like this, sa ganitong panahon, it feels like everything is... black and gray."

   Katahimikan.

   Wala akong ideya sa kung ano ang nangyari. Pero may nabubuo nang konklusyon sa isip ko.

   Hindi ako maaaring magkamali na si Rain ang isa sa dalawang binatilyo sa larawan. Mata, ilong, hugis ng mukha, labi.

   Kung ano man iyon ay sigurado akong naghahatid pa rin iyon ng matinding kalungkutan, kay Mrs. Monteclaro at maging kay Rain.

   "At, masarap lang sa pakiramdam na may isang taong nakikinig, kahit masyado akong madrama." Sinabayan niya iyon ng tawa. Siguro ay upang itago ang kalungkutan.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora