Episode 11 - Morning Surprises

1K 57 2
                                    

*Haru*

•••

   Hmm. Ang bango naman. At ang init.

   Lalo kong hinapit ang unan at ibinaon ang mukha ko sa likod niyon.

   Ito na yata ang pinakomportableng unan na nayakap ko sa buong buhay ko. Medyo matigas iyon na medyo malambot. At ang bango.

   Nasabi ko na ba iyon kanina?

   Muli ko iyong sinamyo habang nakapikit at pinisil pisil iyon. Para iyong abs na nagsisimula nang magkaroon ng kaunting taba.

   Dumantay ako sa hita niyon at--

   Wait.

   Abs? Likod? Hita?

   Kailan pa nagkaroon ng mga ganoong parte ang unan?

   Dumilat ako pero wala ako agad nakita kaya inilayo ko ang aking mukha at doon napagtanto na si Rain ang yakap-yakap ko!

   Kahit hindi ko kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin ay sigurado akong siya ito. Siya lang naman ang katabi ko kagabi.

   "Shems!"

   Napabalikwas ako paupo at agad na umatras palayo hanggang sa mamalayan ko na lang na nasa sahig na ang ulo ko habang nananatiling nakasabit ang mga paa ko sa kama.

   "Ano? Tapos ka na bang molestyahin ako?"

   Tuluyan na akong nag-tumbling gaya ng mga baby dahil nahihirapan akong tumayo mula sa napakagandang posisyon ko.

   At tila may spring ang mga paa kong tumayo at 'di malaman ang gagawin sa ilalim ng mapanuring tingin ng Dark Lord.

   "H-hindi kita pinagsasamantalahan ah! K-kuwan, a-akala ko kasi unan ang yakap ko k-kaya..."

   Nag-inat siya bago maupo at muling tumingin sa akin.

   "Kaya enjoy na enjoy kang hipuan ako?"

   Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. As if naman maselang parte ng katawan niya ang hinahaplos ko kanina.

   "Tiyan lang naman iyon ah!" Defensive na sagot ko. Pero totoo naman eh.

   "Still, nanghipo ka. May palagay-lagay ka pa ng unan sa gitna."

   "..."

   "Mauna ka nang maligo. Ayokong naghihintay."

   "S-sa banyo mo?" Turo ko sa likod ko kung nasaan ang pinto ng bathroom.

   "Where else? Alangan namang dito sa kama?"

   Stupid Haru. Oo nga naman.

   "Saka alam kong ginamit mo na 'yang banyo ko kahapon habang tulog ako."

   "He-he." Nakangiwi kong tawa. Oo nga naman. Wala namang ibang bathroom dito kundi ang nasa kwarto itong.

   Ang tanga ko naman para isiping hindi niya maiisip na sa banyo niya ako naglinis ng katawan kahapon.

   Kinuha ko ang backpack na pinaglagyan ko ng damit at tumungo sa banyo.

   Pfft. Kung alam niyang 'hinihipuan' ko siya, ibig sabihin ay kanina pa siya gising. Then bakit hindi niya inalis ang kamay ko at ginising ako?

   Siguro ay gusto niya talagang ipamukha na mas harmless siya kaysa sa akin. Tssss. Nasarapan lang naman akong yakapin siya dahil sa init ng katawan niyang lumalaban sa lamig ng kwarto. Iyon lang.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon