Episode 19 - I'm Here For you

1.1K 55 4
                                    



*Rain*

He was so warm I could stay like this forever. I didn't want to get well again if it meant he'd stay with me longer than he had to.

I wanted him beside me, but at the same time I wanted him to leave me and go out there, meet someone else. But just the thought of it made me furious.

Ako ang nagsabing kalimutan na ang nangyari sa amin. But now I was drowning in the sea of hypocricy. Dahil hindi ko iyon makalimutan. At gusto ko iyong maulit pa.

I wanted to feel him again against my skin.

His sweet lips. His delicate neck. His soft skin.

His hands.

Those damned soft hands of his that perfectly fit my member. Just the thought of their warmth engulfing my southern part made me want to take him completely.

But then again, it would be unfair to him. I couldn't give him my heart. Not now. And he deserved more than just lust.

He deserved someone better. Someone not as troubled as I was.

I wanted to be that someone. But my heart was not ready to let go of the past. It wasn't that easy.

I wished it was.

•••

*Haru*

Nang magising si Rain ay nagluto ako at sabay kaming kumain. Hindi na siya ganoon kahina kaya naman hindi ko na siya kinailangang subuan pa.

"Kaya mo na bang mag-isa mamaya?"

Huminto siya sa pagsubo at tumingin sa akin. "Bakit? Pagod ka na bang alagaan ako?"

"Hindi naman sa gano'n." Bumuntong-hininga ako para humugot ng pasensya. "Pwede mo namang sagutin ng oo o hindi ang sagot ko para makayari tayo agad. Hindi 'yong tanong din ang isasagot mo sa tanong ko."

"See? You're tired of being here."

Naitirik ko na lang ang mga mata ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"You may leave."

Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya at hindi nakatingin sa akin.

"Baka nami-miss mo na ang kaibigan ko."

Kumunot ang noo ko at saglit na nag-isip kung sino ang tinutukoy niya.

"Si Jake?"

Pailalim siyang tumingin sa akin at umiling-iling.

"I didn't mention his name yet he was the one that came up your mind."

Muli ay naitirik ko ang mga mata ko.

"Eh sino pa ba ang kaibigan mo? Wala. Wala ka namang kaibigan."

Natigilan ako at nang oras ding iyon ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata ni Rain.

"Sorry. Hindi ko--."

"It's okay. You're right. Wala naman talaga akong kaibigan." Inilayo niya ang bowl at tumayo. "I'm full." Iyon lang at tumalikod na siya at dumiretso sa maigsing hallway papuntang kwarto.

Napapakagat-labi akong napayuko.

Nice one, Haru.

Kailangan mo pa talagang ipamukha sa kanya na nag-iisa siya sa mundo.

Iniligpit ko na rin ang mga gamit at hindi na tinapos ang pagkain. Wala na rin akong gana dahil sa nararamdaman kong guilt.

Hindi naman siya nag-iisa.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon