Episode 20 - Giggles

1K 55 7
                                    

*Haru*

•••

"And she used to call me 'totoy.'" Sinundan niya iyon ng maikling tawa habang nakatingin sa malayo.

Gaya niya ay inilawit ko ang mga paa ko sa gilid ng tulay habang magkatabi kaming nakaupo roon.

Ngumiti ako at tumanaw sa malawak na lupain. Hindi ko kayang makita ang pamamaga ng mga mata niya na tila anumang oras ay muli na namang may tatakas na luha mula roon dahil parang may sumasakal sa akin.

"Hanga ako sa Mama mo. Parang si Mama rin siya. Gagawin ang lahat para sa kapakanan ng anak kahit nag-iisa na lang siya. Mabuti siyang magulang."

"Yeah. She was. She did everything she could to provide my needs. And I never got the chance to give everything back to her. I just.. how I wish she never had to go."

Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay naninikip ang lalamunan ko sa muling pagkabasag ng boses niya.

Nilingon ko siya at tinapik sa likod.

"Kung nasaan man ang Mama mo ngayon, siguradong proud siya sayo. Sa achievements mo. Kasi, iyon naman ang gusto ng mga magulang para sa mga anak nila. 'Yon bang, makita 'yong mga anak nila na matagumpay. Kaya siguradong panatag na ang Mama mo."

Tumango lang siya at hindi sumagot. Muli siyang tumanaw sa malayo na may mapait na ngiti sa mga labi. Ngayon ko lang nasaksihan ang bahaging ito ng pagkatao niya.

And somehow, masaya ako na ako ang napili niyang makakita niyon.

"Nalulungkot lang ako na kinailangan niyang mawala sa buhay ko."

Tumango ako. "Hindi naman iyon maiiwasan. Okay lang na malungkot paminsan minsan. Ang magdalamhati. Pero, sana..." Tumingin ako sa langit upang isipin kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko. Ayaw kong manghimasok pero ayaw ko ring malugmok siya sa panghabangbuhay na kalungkutan. "Sana, huwag mong isara ang puso mo sa mga taong gustong pumasok." Nilingon ko siya at nginitian. "Masyadong maikli ang buhay para palagpasin mo lang ang pagkakataong maging masaya ulit."

Sa ilang saglit ay nakatingin lang siya sa akin na para bang iniisa isa ang mga salitang sinabi ko bago siya ngumiti at bumuntonghininga.

"I wish it was that easy."

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang magpatuloy.

"But when the ones you love leave you, it will be really hard to start anew."

Muli akong tumango at ibinigay sa kanya ang pagkakataong sabihin ang lahat ng nasa loob niya. Kung hindi man lahat, ay iyong mga bagay na matagal na niyang dinadala sa dibdib niya.

"Just like Summer." Pabulong na usal niya.

Tumikhim siya at humugot nang malalim na hininga.

"He was a very sweet kid. Kind. Pure. Innocent. And just like his name, he could light up even the gloomiest of days.

"He was full of life."

Yumuko siya at pasimpleng itinago ang pagpatak ng isang butil ng luha.

"Malinaw pa sa alaala ko ang unang beses na nagkakilala kami. We were still kids back then. Akala ko mahiyain siya. But one day he knocked on my door and asked me to play with him." Muli siyang tumikhim na tila inaalis ang namumuong bara sa kanyang lalamunan na sinundan niya ng pagkurap ng mga mata. "Bungi pa siya noon. But it only made him even more adorable." Ngumiti siya at tumingin sa kawalan na tila nakikita niya ang nakaraan.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Where stories live. Discover now