Episode 7 - The Other Side

999 52 2
                                    

*Haru*

•••

   "Ada, nandiyan ba si, Ma'am? Isosoli ko na 'tong kotse eh."

   "Ay nako, wala si Madam. Nagpunta kay Fafa Sir." Sagot niya habang nilalaro ang naka-pigtail niyang buhok.

   "Sinong 'Fafa Sir?'" Kunot-noong tanong ko.

   "Hay." Nakatirik ang matang buntong-hininga niya. "Sino pa nga ba? Eh di si Fafa Rain." Ngayon ay tulala siya sa hangin at parang timang na nakangiti. At naka-kagat pa sa labi.

   Iba talaga 'tong si Ada. Ang bilis mawala sa focus kapag si Rain na ang usapan.

   "Ganoon ba? Pakibigay mo na lang itong susi 'pag dating." Nang hindi niya ako pansinin ay pumalakpak ako sa tapat ng mukha niya na ikinasimangot niya.

   "Panira ka ng moment! Our lips were about to touch. Then I closed my eyes bago 'yon, and--"

   "Oh oh! Lalayo ka na naman. Eto na yung susi. Pakiabot mo na lang kay Ma'am."

   "Hmp!" Nakatirik ang matang kinuha niya ang susi. "Ay wait! Naku, alalang-alala sayo si Madam kagabi! Kaloka ka, where ka ba nagsuot at ngayon mo lang isinoli ang carlalu ni Madam?"

   "Ah." Napakamot ako sa likod ng tenga ko. "Sinamahan ko si Da-- Sir Rain, lasing na lasing siya kagabi eh."

   "Whuuut!"

   Nakangiwi kong sinundot ang tenga ko dahil sa bigla niyang  pagtili.

   "OH. MY. GAH! Did you have sex?! Oh gosh, I can't, I can't!" Eksaheradong pumaypay siya sa mukha gamit ang dalawang kamay.

   "Ang ingay mo!" Pabulong na sigaw ko. "Hindi kami nag-ganon. Saka b-bakit naman namin gagawin iyon?" Ngayong biglang pumasok sa isip ko ang bagay na tumusok sa balakang ko ay parang gustong mag-init ng magkabila kong pisngi. "At iyon talaga agad ang naisip mo ah?"

   "Doon ka ba natulog? Magkatabi ba kayo? Answer me!"

   Kung makapagtanong 'tong si Ada akala mo ay girlfriend na niloko.

   "Oo." Gusto ko sanang sabihing magkayakap kami ni Rain magdamag sa loob ng malamig na kwarto, para asarin siya. Ang kaso ay baka makarating kay Mrs. Monteclaro ay magkaroon pa kami ng issue ni Rain. "Pero hindi kami magkatabi. Saka umuwi rin ako agad nang mag-umaga."

   "Hay." Nakahawak sa dibdib na bumuga siya ng hangin. "'Kala ko inakit mo na 'yong future yummy husband ko. Kaloka!"

   "Diyan ka na nga, ako na lang ang magpapaliwanag kay Ma'am bukas. Para makahingi rin ako ng dispensa. Alis na 'ko."

   "Oh s'ya sige, ingat ka."

   Kumunot ang noo ko nang kumindat pa siya at kumagat sa labi bago tumungo sa pinto. At hindi pa roon nagtatapos, lumingon pa siya at puno ng pang-aakit na ngumiti bago tuluyang pumasok sa loob.

   Naguguluhan akong naglakad palapit sa guard house kung nasaan ang bike ko. Sino ba talaga ang gusto ni Ada? Ako o si Rain?

   Iiling-iling akong sumakay sa bisikleta at nagmaneho pauwi.

   Naihatid ko na ang Dark Lord at magbibisikleta na lang ako pabalik sa condo niya kapag nakaluto na si Mama.

   May alam naman akong mga shortcut na hindi kasya ang kotse kaya iyon na lang ang dadaanan ko.

   Saka mag-eexplain sana ako kay Mrs. Monteclaro kung bakit hindi ko naibalik ang kotse niya. Ang kaso ay wala siya.

   Siguro ay tatanungin niya si Rain tungkol sa akin. Nakakahiya tuloy kay Ma'am, hindi ko man lang siya nasabihan kagabi dahil nasira ang cellphone ko.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα