Episode 21 - In The Name Of Love

1.1K 61 2
                                    

*Haru*

•••


Inilabas ko ang cellphone ko at nag-dial. Kanina ko pa hinihintay si Rain at kung hindi pa siya bababa sa mga oras na ito ay tiyak na mahuhuli siya sa trabaho.

"Nakagayak ka na ba? Nandito na 'ko sa baba." Bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"No." Maikling tugon niya.

"Anong 'no?' Male-late ka na sa trabaho. Gumayak ka na."

"I don't feel like working today." Sinundan pa niya iyon ng paghikab.

At hindi mo man lang sinabi sa akin? Eh 'di sana hindi na ako gumayak at nagbyahe.

"Kagigising mo lang?" 'Di makapaniwalang tanong ko.

Pfft. Habang nagkukumahog akong gumayak sa pag-aakalang male-late ako sa pagsundo sa kanya ay heto siya at prente pang nakahiga.

"Hmm."

"Tsk. Alam kong ikaw ang may- ari ng kumpanya. Pero hindi magandang example sa mga empleyado mo na ang mismong boss nila ay laging wala."

"Jake is there. He can manage. And Eve."

"Kahit na, dapat nandoon ka pa rin."

"Andami mong satsat ang aga-aga. Kapag ayaw ko ayaw ko. Bumili ka ng pagkain natin. Tapos umakyat ka rito." Iyon lang at naputol na ang linya.

"Pfft. Akala mo may patago. Masho-short na ako sa budget ko." Inismiran ko ang cellphone bago ko iyon ibulsa. Eh 'di 'wag kang pumasok. Tss.

Inayos ko ang pagkakaparada ng kotse at nilakad ang pinakamalapit na restaurant na mayroong breakfast meal.

Burger steak, itlog, hotdog, pancake, at fried rice ang in-order ko. At kape, para sa masungit na umaga ng Kamahalan.

Nang mabayaran ko ang dalawang set ng order ay lumabas na ako ng restaurant at umakyat sa unit ni Rain.

Ang magulong buhok niya ang agad na kumuha ng atensyon ko sa pagbukas ng pinto. Nang bumaba ang mga mata ko ay awtomatiko iyong bumalik sa mukha niya kasabay ng pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"B-baka g-gusto mong ayusin 'yang b-boxers mo." Sa sobrang baba ng waist band niyon ay sumisilip na ang manipis ngunit nasa ayos na kagubatan sa bahaging iyon.

Balewala lang niya iyong bahagyang itinaas at niluwangan ang pinto. "Pasok."

Nag-iwas ako ng tingin dahil parang hinihila ang mga mata ko ng pinong balahibo sa dibdib niya pababa sa pusod hanggang sa loob ng suot niyang boxers.

Na gawa sa gray na cotton. At bagay sa kanya. Dagdag ng isip ko.

"Doon tayo sa balcony."

Sumunod ako sa kanya at iniayos ang mga pagkain sa coffee table.

"Hindi ka na ba magbibihis?" Tanong ko nang agad siyang magsimulang kumain.

"What for?" Dumiretso siya nang upo mula sa pagkakayuko at tumingin sa akin. "Bakit ba ang dami mong arte? It's not as if my balls are hanging out of my pants."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya at para akong timang na awtomatikong bumaba ang mga mata para kumpirmahin ang sinabi niya.

"Hmm. Now you're checking me out, huh? Kita ba?" Lalo siyang bumukaka at mabilis akong nag-iwas ng paningin.

"Haha, nakakatawa." Nakaismid na sabi ko nang ngumisi siya.

"I don't get it why you're being embarassed. You've already seen what's inside my boxers. Nilinis mo pa nga, remember?"

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon