Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak

1.2K 46 2
                                    

*Haru*

•••

   "Heto. Isinuot ko iyan ulit noong may sakit ka." Iniabot ko sa kanya ang mga damit niya para magpalit.

   "Bakit 'di mo isinauli?"

   Kumunot ang noo ko dahil parang wala sa lugar ang ngising naglalaro sa labi niya.

   "Nakalimutan ko lang."

   "Nakalimutan? Baka naman inaamoy mo 'to bago ka matulog?"

   "Hindi 'no!" Minsan lang.

   "Hmm." Tila hindi kumbinsidong tango niya.

   "Maglinis ka na. Wala nga lang kaming shower. Pero maraming tubig sa banyo. Saka malinis doon."

   "Samahan mo 'ko."

   "Igagayak ko pa 'yong higaan mo."

   Lumapit siya sa akin at yumuko. Agad akong umiwas nang mapagtanto ko ang gagawin niya.

   "Baka biglang pumasok ang kambal. Wala pa namang pinto itong kwarto namin."

   "Isa lang."

   Lumingon ako sa pinto para siguraduhing nakaladlad ang kurtina saka ako tumingkayad at binigyan siya ng mabilis na halik sa sulok ng labi.

   "'Yon lang? Ganito."

   Kinabig niya ang batok ko at tinawid ang pagitan ng mga mukha namin. Bahagya ko siyang itinulak nang mapansin kong tumatagal na ang halik.

   "Baka mahuli tayo. Nakakahiya."

   "Kinahihiya mo 'ko?"

   "Hindi!" Agad kong sagot sa kanya sa mas mataas na boses. "Hindi. Ibig ko lang sabihin, nakakahiya sa mga bata na makita nila 'yong tagpong hindi nila dapat makita."

   Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "I was just kidding. Samahan mo na 'ko. Baka may manilip sa akin."

   "Sino naman ang maninilip sayo? Walang butas sa banyo namin saka may pinto."

   "Ikaw. Baka gusto mo akong silipan." Sabay kindat pa niya.

   "Pfft. Hindi ako gano'n 'no!"

   "Oo na. I'm giving you the idea of perving on me, pero 'di mo naman makuha."

   Pabiro ko siyang inirapan. "Sige na. Aayusin ko na 'tong higaan mo."

   Nang lumabas siya ay sinimulan ko nang palitan ang kubrekama at mga punda. Naglabas rin ako ng bagong labang kumot. Hindi pa naman lumilipas ang bango ng mga iyon pero pinalitan ko na rin para mas maging komportable si Rain sa pagtulog.

   Ihahatid ko sana siya pauwi ang kaso ay hindi na pumayag si Mama dahil masyado na akong gagabihin sa pag-uwi. Na halatang ikinatuwa ni Rain dahil sagad ang ngiti niya nang sabihin iyon ni Mama.

   Kaya naman pinalipat ko ang kambal sa kwarto ni Mama para may mahigaan si Rain. Ngayon ay ang higaan ko na lang ang poproblemahin ko.

   Mayamaya pa ay nakayari na ako at naggayak ng mga damit na pantulog. Kumuha rin ako ng kumot at unan para sa akin. Hindi nagtagal ay muli nang pumasok ng silid si Rain na preskong presko ang amoy at itsura.

   "Sakto. Pwede ka nang matulog."

   Binitbit ko ang unan, kumot at damit pantulog at akmang lalabas ng kwarto.

   "Wait. What are you going to do with those?" Tukoy niya sa kumot at unan na yakap ko.

    Tumuro ako sa likod. "Doon ako matutulog sa salas. Hindi naman malamok dito kaya ayos lang."

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Where stories live. Discover now