Episode 23 - Sunset

1.1K 51 2
                                    

*Haru*

•••

   Napabalikwas ako ng bangon nang mamulatan kong maliwanag na ang paligid.

   Agad kong nilingon ang alarm clock sa side table kasabay ng panlalaki ng mga mata.

   "Rain." Niyugyog ko ang balikat niya sa pwersang magigising siya. "Rain."

   Umungol lang siya at hindi nag-abalang dumilat.

   "Bumangon ka na. Sobrang late ka na sa trabaho."

   "Hmm."

   Tumalikod lang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagtulog.

   "Rain!"

   "What! Jesus!" Lukot ang mukhang nilingon niya ako.

   "Male-late ka na sa trabaho mo. Tirik na ang araw oh. Bangon na."

   Tumihaya siya at kinusot-kusot ang mga mata saka saglit na sumulyap sa mas maliit na balkonahe sa kwarto niya.

   Muli siyang lumingon sa akin at sumilay ang mapaglarong ngiti sa kanyang gwapong mukha. Seriously, paano niya nagagawang maging gwapo kahit kagigising lang?

   "Sa tingin ko hindi ang pagtirik ng araw ang dapat mong problemahin."

   Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

   "May mas mahalagang bagay na dapat mong asikasuhin. Isang bagay na mas 'tirik' pa sa araw." Kasabay niyon ay ang paghawi niya sa kumot.

   Awtomatikong bumaba ang paningin ko at napagtanto ang nakatirik na bagay na tinutukoy niya.

   Nahihiwagaan man ako sa sarili ay hindi man lang ako nakaramdam ng hiya sa ginawa niya. Bagkus ay nakaramdam ako ng init sa sentro ng katawan ko.

   Ngunit pinigil kong mapangiti sa halip ay itinirik ko ang mga mata ko.

   "Absent ka na kahapon. Hindi pwedeng puro na lang si Jake ang nasa opisina."

   "You look... adorably sexy." Kagat-labing sambit niya at hindi man lang pinansin ang sinabi ko. "Come here."

   Muli akong nahiga at hindi inalintana ang pagdidikit ng hubad naming mga katawan. I mean, may nangyari na. Wala na akong dapat pang ikahiya.

   Shems! May nangyari na sa amin?

   Hindi ako makapaniwalang napangiti.

   Meron na. At wala kami sa impluwensya ng alak. Nasa tamang pag-iisip. Alam ang ginagawa.

   'Pero hindi alam kung saan hahantong ang lahat.'

   Mabilis kong inalis ang isiping iyon. Hindi iyon ang mahalaga ngayon. Ang importante ay masaya ako. Sana masaya rin si Rain.

   "Earth to Haru."

   Napukaw ang pag-iisip ko sa pagdantay ni Rain sa hita ko.

   "You were spacing out. D'you mind telling me why?"

   Umiling ako at ngumiti. "Wala naman."

   Sa ilang saglit ay nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Magkayap lang at pinakikiramdaman ang kakuntentuhan ng paghinga ng bawat isa.

   'I could stay like this forever. Or for as long as time would allow.'

   Napapa-English ba talaga ang mga in love? Napangiti ako sa naisip ko.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Where stories live. Discover now