[Kabanata 20]
Halos walang kurap na nakatingin si Audrey sa tatlong lalaking naglalakad papalapit sa kotse nila. Nasuot ng itim na sunglass ang tatlo kung kaya't hindi niya makita ang mga mata nito ngunit siguradong-sigurado siya na ang tatlong iyon ay sina Siyam, Dos at Nightmare.
"Highly trained ng special forces ang tatlong ito. I would like you to meet Tim, Rex and Carlo" pakilala ni Melissa, isa-isa namang nagbigay galang ang tatlo at inalis nila ang suot nilang sunglass dahilan para mas lalong lumaki ang mga mat ani Audrey sa gulat.
Bumaba naman sa sasakyan si Jacinto saka tinitigan ang tatlo mula ulo hanggang paa. Nakatabi ngayon ang mga sasakyan nila sa isang village na walang masyadong kotse ang dumadaan. Makulimlim ang sikat ng araw at halos walang hangin na umiihip dahilan para makita ang pagpatak ng pawis ni Audrey mula sa noo dahil sa kaba at matinding pagkabigla sa hindi inaasahang pagtatagpo nila muli ni Nightmare.
"Welcome to the team. Mamaya ko na sasabihin sa inyo ang major rules ko. Sa ngayon, follow us" saad ni Jacinto, sabay-sabay namang tumango ang tatlo "Yes, sir"
Sinundan ng tingin ni Audrey ang tatlo lalo na si Nightmare habang naglalakad ang mga ito pabalik sa sasakyan nila kasama si Melissa. Ni hindi man lang tumingin sa kaniya si Nightmare ngunit batid niyang nakita siya nito at alam nito na naroroon siya.
***
Makalipas lang ang isang oras na narating na nila ang isang malaking apartment na kulay green ang pintura sa labas. Naunang bumaba si Jacinto at binuksan nito ang pinto sa gilid ni Audrey. Nauna ring bumaba ang dalawang bodyguard na nasa magkabilang gilid niya at inalalayan siyang makababa roon.
Pagkalabas niya ng kotse doon lang napansin ni Audrey na nasa labas na ang halos labing-limang mga bodyguards na kasama niya kabilang na roon sina Siyam, Dos at Nightmare. Naglakad naman papalapit sa kanila si Melissa nang makababa ito sa kotse, may dala rin itong mga papeles.
"Let's go" saad ni Melissa at nauna na itong maglakad papasok. Agad naman siyang pinagbuksan ng gate ng dalawang bantay na nasa bukana ng gate dahil kilala siya ng mga ito. Pagdating nila sa loob, napansin ni Audrey na parang kakatayo lang ng apartment na iyon. Malinis pa ang buong paligid at may ilang bakas ng pintura sa sahig. Sariwa rin ang amoy ng pintura.
Umakyat pa sila ng hagdan bago marating ang ikalawang palapag ng apartment kung saan tumigil sila sa pinakadulong pinto. Napalingon si Audrey sa ibaba kung saan nakita niyang naroon nakapark sa labas ng gate ang apat na kotse at naroon din sa labas ang kalahating bilang ng bodyguards na kasama nila.
Nag-door bell na si Melissa. Napansin din ni Audrey na makintab at bagong-bago pa ang pinto na kulay brown. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ngunit sumilip lang ng kaunti si Aling Coring. Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Melissa at si Audrey. "A-anong ginagawa niyo----" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Melissa.
"Based on my observation... Wait, please give us a second" saad ni Melissa at siya mismo ang humila sa door knob at isinara ang pinto. Nang maisara niya iyon ay humarap siya kina Audrey, Jacinto at sa apat na bodyguard na nasa likuran nila.
"She's not credible to be our source. Tumawag na ako ng Psychiatrist and he will be here soon. Do you still want to talk to her?" saad ni Melissa, napatingin naman si Jacinto sa nakasaradong pinto. "Ask Audrey, siya lang naman ang gustong kumausap sa matandang 'yan" sagot nito. Napatingin naman si Melissa sa kaniya ngayon, base sa mga titig nito ay parang sinasabi niya na huwag mo na tangkain na kausapin si Aling Coring sa harap ng ibang tao dahil baka ilaglag niya tayo.
YOU ARE READING
A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)
ActionIsang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at pagh...