Mistake 24

107K 4K 3.4K
                                    


[Kabanata 24]

Halos mag-iisang oras nang pinagmamasdan ni Nightmare si Audrey na nakaupo sa sementong pader habang pinapanood nito ang malawak na dagat. Alas-siyete na ng gabi, tahimik na rin ang buong paligid. Bihira lang ang dumadaang sasakyan sa kalsada at wala ring taong naglalakad sa dalampasigan.

"Ayos na ba 'tong isang dalawang unan at isang kumot para sa inyo? Hijo" tanong ng isang matandang babae na nasa edad pitumpu na. Sa katabing health center ay may maliit na hotel na ang disenyo ng mga kwarto ay Filipino bahay-kubo style. Tumango si Nightmare at nagpasalamat saka ibinalik ang tingin kay Audrey na nakatilokod sa kaniya.

Nasa tabi ng kalsada ang hotel na may anim na kwarto. At pagtawid lang sa kalsada ay naroon na ang mahabang beach wall na gawa sa semento na maaaring upuan. Kasalukuyang nakaupo roon si Audrey mag-isa at kanina pa siya pinapagmamasdan ni Nightmare na nakatayo sa pintuan ng kwartong inupahan nila.

"Ano palang almusal ang gusto niyo para bukas?" tanong ng matandang babae na siyang nag-aasikaso sa hotel na pagmamay-ari ng kaniyan anak na nasa ibang bansa.

Natauhan si Nightmare nang marinig ang boses muli ng matanda na papalabas na sa silid. "Kayo na po ang bahala" tugon niya. "Sige, magpahinga na kayo. Katukin niyo na lang ako sa kabilang kwarto kapag may kailangan kayo" patuloy ng matanda at tuluyan na itong umalis.

Malamig ang hangin na sumasalubong sa kanila mula sa dagat. Sinasayaw nito ang mahabang buhok ni Audrey. Kinuha ni Nightmare ang itim na leather jacket niya na nakasampay sa bintana at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Audrey.

Agad pinunasan ni Audrey ang luha niya nang maramdaman ang pagdating ni Nightmare at umupo ito sa tabi niya. Nagulat siya nang ipatong ni Nightmare ang jacket sa balikat niya. Ilang minuto silang nanahimik. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Ngunit kahit ganoon ay mas gumaan ang pakiramdam ni Audrey dahil nasa tabi niya si Nightmare.

"P-papasok na ako sa loob" biglang saad ni Audrey sabay tayo at dere-derechong bumalik sa kwartong inupahan nila. Agad naman siyang sinundan ni Nightmare at napatigil siya sa paglalakad nang bigla nitong hawakan ang kamay niya.

Nakatayo na sila ngayon sa tapat ng pintuan, hawak na ni Audrey ang doorknob pero hindi niya ito nagawang buksan, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya na parang ilog na hindi tumitigil sa pag-agos.

Dahan-dahan hinawakan ni Nightmare ang magkabilang balikat niya at iniharap siya nito saka niyakap. "B-buong akala ko akisdente lang ang lahat. Na namatay si papa sa aksidente, at nang dahil sa pagkamatay niya nagulo ang buhay namin ni mama. Itinago kami ni lolo dahil sabi niya baka kami naman daw ang ipapatay ng mga taong galit kay papa. Pero hindi kinaya ni mama ang lahat, namatay din siya sa sakit at sa sama ng loob. Buong buhay ko inakala ko na sadyang malupit lang ang mundo sa'kin, at ngayon mas masakit pala malaman na ang sarili kong lolo ang nagpapatay sa papa ko" saad ni Audrey habang nanginginig ang boses nito. Nanunuyot na rin ang kaniyang lalamunan sa kakahikbi at halos hindi na niya maramdaman ang kaniyang buong katawan.

Dahan-dahang lumapit si Nightmare saka niyakap si Audrey. "Hindi naging malupit sa'yo ang mundo. Wala kang kasalanan" mahinahong wika ni Nightmare habang tinatapik ang likod ni Audrey, hindi na maawat si Audrey sa pag-iyak habang yakap-yakap siya ni Nightmare.

"A-at ngayon hindi ko na alam kung paano kayo haharapin ni Leon... D-dahil ang lolo ko ang nagpapatay sa mga magulang niyo. P-pati sa lolo mo at kay Commander Dado" paghihinagpis ni Audrey, napapikit na lang si Nightmare saka niyakap siya ng mahigpit.

"Ang kasalanan ng lolo mo ay hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan, Audrey" saad ni Nightmare, sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ring bumuhos ang mga luha niya nang maalala ang buong pangyayari. Kahit limang taong gulang pa lang siya noon nang mangyari ang trahedyang iyon ay sariwang-sariwa pa rin sa alaala niya kung paano binarily sa harapan niya ang mama niya habang piniprotektahan siya nito. Kung paano rin bumagsak sa harapan niya ang papa niya nang iniharang nito ang sariling katawan upang hindi tamaan ng bala ang anak. At kung paano nakipaglaban ang lolo niya hanggang sa huli bago tuluyang sumabog ang barkong iyon at mahulog sila sa dagat.

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon