Epilogue

153K 5.6K 3.8K
                                    


[Epilogue]

After 5 years...


"Happy Birthday Tonton!" bati ni Audrey sa anak na ngayon ay limang taong gulang na. Apat na taon na silang naninirahan sa maliit na bayan ng Spiez, Switzerland. Napangiti ang batang si Tonton habang sabik na sabik na kainin ang kulay gray na cake na binili ni Audrey para sa kaniya.

Nasa loob sila ng isang maliit na bread and café shop habang patuloy ang pagbagsak ng malamig na nyebe sa labas. Buwan na ng Disyembre, panahon na ng tag-lamig (Winter) sa Switzerland. Nababalot na ng makapal na nyebe ang buong paligid, animo'y parang may malalambot na bulak sa bubong ng mga bahay at sa lahat ng daraanang kalsada. Madalas din ang paglilinis sa mga kalsadang dinaraanan ng sasakyan at bisikleta upang maiwasan ang aksidente.

"Sige na, blow your candles" ngiti ni Audrey at inilapit niya ng kaunti sa anak ang cake saka inihanda ang camera sa kaniyang cellphone upang kuhaan ito ng litrato. "Wait, wait" saad ni Audrey at inayos niya ang kulay blue na scarf sa leeg ni Tonton dahil natatakpan nito ang maliit na bibig ng bata.

Inayos din niya ang bonnet ng bata na kulay gray at ang makapal na jacket nito na kulay blue. Hinawi niya ng kaunti ang buhok ni Tonton na tumatama na sa kilay nito. Sa mga oras na iyon, hindi namalayan ni Audrey na kanina pa siya nakangiti habang inaayos ang damit at buhok ng anak. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Tonton, hindi niya mapigilang maalala ang ama nito na kamukhang-kamukha ng bata.

"Okay na po, mommy?" tanong ni Tonton, ang magaganda nitong mata ang mas lalong nagpangiti sa kaniya. Ang pungay ng mga matang iyon na kailanman hindi mabubura sa kaniyang isipan. "Okay na, blow your candles. One, two, three..." saad ni Audrey habang kinukuhaan ng litrato ang anak na tuwang-tuwa sa kaniyang birthday cake. Batman ang disenyo ng cake na paboritong superhero ng bata.

Kahit silang dalawa lang mag-ina ang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ay masayang-masaya na ang bata dahil halos si Audrey lang din ang nakasama niya sa bawat kaarawan na lumilipas. Maingat na hinati ni Audrey ang cake at inilagay ang isang piraso sa plato ni Tonton na titig na titig sa cake at halos maglaway na.

"Oh, be careful" paalala ni Audrey sabay abot ng tinidor sa bata. Inilapit din niya ang isang baso ng tubig sa tabi nito at pinagmasdan ang anak habang magiliw itong kumakain. Tahimik lang din ang loob ng café, may isang matandang lalaking may bigote ang nakaupo sa kabilang mesa habang seryosong nagbabasa ng diyaryo. Mag-isa lang din ang dalaga na siyang nasa counter, pinupunasan nito ang malaking lagayan ng mga bread, pastries and cakes na binebenta nila.

"Mommy, let's eat na po" aya ni Tonton habang dindilaan ang tinidor na puno ng matamis na icing. Napansin niya na hindi kumakain ang mommy niya at tinititigan lang siya nito. "And why are you crying?" tanong ng bata nang mapansin niya ang pamumuo ng luha sa mata ng ina.

Natauhan naman si Audrey at agad niyang pinunasan ang namumuong luha sa mga mata niya saka ngumiti. "Because I'm happy" sagot ni Audrey sabay pisil sa maumbok na pisngi ng anak. Namumula na rin ang ilong ni Audrey dahil sa lamig at pagluha. Nakasuot ng pulang bonnet, putting scarf at pulang coat si Audrey ngunit tumatagos pa rin ang lamig sa kaniyang katawan.

Sandali siyang pinagmasdan ni Tonton, kung paano ito tumingin ay katulad na katulad ng ama nito "We don't cry if we're happy. Crying means we are sad" wika ni Tonton, napangiti na lang si Audrey dahil masyadong matanong ang anak. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil halos gabi-gabi nagigising ito sa tuwing naririnig niyang humihikbi ang ina.

"We can be both happy and sad at the same time and crying is one way to wash our eyes. I am crying now because I am happy to have you" paliwanag ni Audrey. Alam niyang bata pa ang anak at hindi pa nito maiintindihan ang pangungulila niya sa ama ni Tonton.

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon