Chapter 1 : New School?

68 1 0
                                    

Gen's POV

"Gen! Malalate ka na niyan sa klase mo bago ka pa naman. Bilisan mo nga yang pagkilos mo!" bulyaw sa akin ni Nanay kaya nagising ako sa diwa.

"Malalate? "tanong ko sa sarili ko.

May klase pala ako ngayon?

"I'm  sorry but we can't  no longer tolerate you daughter's behavior  Mr.  Gaston,  might as well find another school cause we're kicking her out" sabi ng  principal namin sa tatay ko na kakauwi lang galing sa ibang bansa.

Not a few days passed at nalaman ko na lang na enrolled na ako sa isang University. What else's left in the world that money can't buy?

Right,  panibagong skwelahan na naman.

Minabuti ko na ang bumangon sa kama at ginawa na ang everyday routine ko.

Siya nga pala si Nanay Rosa, 'di ko siya tunay na nanay pero siya na ang tumayo bilang ina ko since wala naman talaga ako nun. Tapos ang daddy ko naman,  ayun nasa ibang bansa busy 'raw' sa mga kompanya namin.

Ewan ko ba kung ang kompanya ba talaga yung rason.

"Alis na po ako" pamamaalam ko tsaka tumayo na at lumabas ng bahay.

Ako pala si Geneva Avery Gaston, 17 years old. Only child lang ako pero kahit ganun,  wala sa akin ang atensiyon ng mga magulang ko, magulang lang pala,  singular. What's  new? I'm used to it anyway.

       F. A.  ( FALCON ACADEMY)
TIME CHECK :         7:28 AM

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Mag - isa. What do you expect?  2 minutes nalang bago magsimula ang klase yet here I am,  'di pa rin alam kung saan ako nabibilang.

IV - C
Fuente,  ******
• Garcia,  ******  *****
• Gaston,  Geneva Avery
• Gostuv,  ***   *****
• Gullem,  *******   *******

Bingo!  Buti nalang at nakita ko agad yung section ko. Naglakad na 'naman' ako pero ngayon papunta na ako sa designated room ng aking section.

"Good morning  there young lady, I supposed you haven't or didn't  rather read my rules for this class and being late is not tolerated" nakataas kilay na salubong sa akin ng lalakeng nasa 40s' yata na sa tingin ko ay adviser ng class namin. Siguro bakla 'to.

"I'm  a transfer - - - " bastos -_- 'di ako pinatapos.

"Mr. Falcon! First day of class yet you're  showing your rudeness to me!" sigaw na naman niya sa bagong dating na kaklase ko.

"Fuck off will you, stupid old man" rinig kong bulong niya nang daanan niya ako at ang professor tsaka siya nagpunta sa isang bakanteng upuan.

I shrugged my shoulders before doing the same thing. Humanap ako ng bakanteng upuan ang luckily I found one at the back.

Sunod namang nangyari ang pangangaral ng homeroom teacher namin tungkol sa mga late, keso ganito daw keso ganyan.

KRING! KRING!  KRING!

Everyone's favorite subject coming right up. Recess.

"Before you leave, let me tell you ahead of time that I will pick your new seats tomorrow since I've  noticed that all of you are sitting next to the person you already know" 

Not me. I'm  positive  na 'di ko kakilala 'tong katabi kong goon na 'to.

"You need to socialize with everyone since maraming tayong upcoming activities this year that involves socializing. It's  either as a group or as a pair. Got it?  If so, then you're  dismissed" dagdag pa niya.

( Madam is used to call for female teachers and Sir is for male teachers, Coach is for P.E teachers )

CAFETERIA

Oo,  nakarating ako dito sa cafeteria ng walang kahirap hirap (mark the sarcasm) . Tang*nang skwelahan 'to, ubod ng laki.

"Hey babe,  wanna share with our table? " biglang harang nitong lalakeng parang goon sa daan ko. Oh I remember,  he's  my seatmate.

Tumingin ako sa palibot at nakitang wala na palang vacant table kaya nakiupo nalang ako.

Habang kumakain ako ay may nagsidatingan na kamukha nitong goon na seatmate ko na mayroon ring mga kasamang babaeng ubod ng kapal ang mga lipsticks.  Ew, gross.

"Oh pare!  Sino 'to? Flavor  of the month mo? " tawa nung isa.

Asa ka, ako? Papatol sa pipitsuging mukha ng kaibigan niyo?  Fuck off. At pwede ba pakainin niyo muna ako ng matiwasay?

"Anong month? Week pare. Week lang" proud pa na sagot niya at nagtawanan sila bago tuluyang naupo.

Sinubo ko ang last na piraso ng sandwich na kinakain ko nang mapansin kong aakbayan sana ako nitong goon na katabi ko sa klase.

Tumayo na ako at tsaka pinagpagan  ang aking mga kamay.

"Salamat sa pagpapaupo" sabi ko sakanya at nilisan na agad ang mesang yun.

Mahirap na pag nagtagal pa ako dun, baka ano pa ang magawa ko.

Nagtungo agad ako sa malaking puno dito sa gilid ng field at . . . .
.
.
.
.
.
napapikit nalang sa galit.

Ayaw na ayaw kong nakakakita o nakakarinig ng mga pambabastos sa mga babae tulad ng ginawa nila sa akin kanina. Buti nalang at napigilan ko yung sarili ko kanina or else I'll  really get into trouble for punching someone.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang