Chapter 18: Is it a Yes or No?

10 0 0
                                    

Gen's POV

Tapos na pala ang laro at ngayon ay unti unti nang nagsisilabasan ang mga tao dito sa gym.

Nang di na gaano karami ang mga tao dito sa loob ay sabay sabay naman kaming apat na nagtungo sa ibaba kung nasan ang mga players at ang mga cheerleaders. Ewan ko lang kung san na nagpunta sina Lucas at Jane, di na namin sila naabutan sa pwesto nila kanina.

"Hey Gaston, can I talk to you for a while? In private" napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa paghila nitong lalakeng to sa braso.

"Bro bitawan mo siya"
"Just talk here infront of us"
"Bakit anong problema ? " sabay sabay na sabi ng apat.

"Mauna na muna kayo dun kina Jessica" sabi ko sakanila.

Ang tatlo nagmamatigas pa at sakto ring dumating sina Lucas at Jane kaya napilit ko na silang mauna nalang muna.

"What is it now, Falcon? " baling ko sakanya at matiim naman niya akong tinitigan.

"Bakit mo kasama ang mga lalakeng yun? " tanong niya sakin.

"Dahil intrams ngayon at allowed ang other students from other universities? " patanong na sagot ko sakanya.

"I'm not asking for today's event, I'm asking if why were you with them, Falcon"

Sasagutin ko na sana tong alikabok na to nang may tumawag na naman si pangalan ko na ikinaigting ng tenga ko. Kilala ko na kung sino tong panuway na to.

"GenGen? " liningon ko siya as I rolled my eyes at him dahil sa tinawag niya sakin.

"Ano ba, will you stop calling me that Davis kung ayaw mong ipakain kita sa ipis" naiiritang sagot ko sakanya na ikinatawa naman niya.

Ka lalakeng tao, takot naman sa ipis.

Kita ko naman ang paglakad niya papalapit sa direksiyon ko at tsaka ginulo ang buhok.

Kinuha ko naman ang kamay niya at tinaboy papalayo sa aking buhok at tiningnan ko siya ng nakakamatay kabang inaayos ang buhok na ginulo niya.

"It's been months since I last saw you pero hindi ka pa rin tumubo" pang - aasar na naman niya.

Papatulan ko talaga tong lalakeng to pag di to tumigil.

"EHEMM! " rinig kong pagpaparinig ni Falcon samin kaya sabay kaming dalawa ni Davis na napalingon sakanya.

"Look what we have here, ang nag - iisang Captain Dustin Falcon " naka smirk na sabi ni Davis.

Kita mo tong taong to, ang hilig mang - asar. Talent yata niya 'to eh, walang duda.

Tinignan ko naman ang reaksiyon ni Falcon sa sinabi ni Davis pero tanging nakakamatay lang na tingin ang ibinigay niya rito.

"Chill man" sabi ni Davis sabay taas ng mga kamay nito at bumaling sakin, "Sige GenGen, una na ako. I'll see you later" pamamaalam niya sakin.

"I'll make sure to hide away from you" sabi ko sakanya at tuluyan na nga siyang nag punta sa mga kateam mates niya.

Ngayon nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko pa ba tong isang to dahil sa matalim na titig na binibigay nito.

"Alis na ako" pamamaalam ko sakanya at aalis na sana ako ng hablutin niya ang phone ko na hawak hawak ko kanina lang.

May tinaype siya dun at maya maya lang ay nag ring din yung phone niya kaya tinapon niya ang phone ko pabalik sakin.

"Let's talk later" sabi niya sakin at inunahan niya ako sa pag - alis tsaka nagtungo sa mga team mates niya.

Nagshrug nalang ako at naglakad na papunta kina Michaela.

"Oh nandyan na pala si Gen " at dahil sa sinabi ni Michaela ay napalingon sila sakin.

"Anong ginawa nung mokong nayun sayo?" tanong ni Francis.

"Sinaktan ka ba? " tanong naman ni Trake.

"Gusto mo bugbugin namin? " tanong naman ni Levy.

Natawa naman ako sa mga reaksiyon nila at sinabihan na sila na huwag nang mag - alala dahil kaibigan ko yung kausap ko kanina. Psh. Kaibigan my ass.

"Tara na, let's eat. Treat ko " pag - aalok ni Jessica and guess what? Naghiyawan naman sila, libre yan eh. Sino ba ang aayaw?


"Tara na, gutom narin ako" sabi ko sakanila at nagtungo na nga kami sa cafeteria.

Almost 12: 35 pm narin, kaya medyo marami ang tao dito sa cafeteria. Nakakita kami ng dalawang vacant table kaya binuhat naman nila Lucas ang mga ito para idikit.

Kami naman mga babae ang nagkuha sa mga upuan papunta sa table namin. Maraming pinabili si Jessica kaya nung makaupo na kami, sakto namang dumating ang mga pagkain.

"Damn! Ang sarap ng lasagna dito" sabi ni Francis habang nilalantakan yung lasagna sa harapan niya.

"I know right! It taste so amazing" pag sasang - ayon rin ni Jane sakanya.

"Nga pala leader, nasabi mo na ba kay Gen ang tungkol sa gaganapin ngayong gabi? " tanong ni Levy kay Lucas.

Kung nagtataka kayo bakit leader tawag niya kay Lucas, nakasanayan na yan dahil si Lucas talaga ang bumuo ng grupong to.

"Anong tungkol ngayong gabi? " pagtatanong ko sakanila at tsaka tumingin nalang kay Lucas para hingan siya ng sagot.

"Actually, may Battle of Bands ngayong gabi dito sa school niyo. 4 bands ang kasali ang those bands are representatives from each school. Kami ang napili ng A. U. (Auxien University) na isali" mahabang sagot sakin ni Lucas.

"At? Anong naman ang kinalaman ko diyan? " nagtatakang tanong ko.

"Well, Gen ang totoo niyan, we still haven't found your replacement in the band" ngayon si Jane naman ang sumagot sakin.

Oo, may banda kami noon. Meron parin naman ngayon pero sila nalang, wala na ako dahil nga lumipat ako ng skwelahan. Plus number 1 rule ng Auxien na bawal magkamember ng galing sa ibang school.

"At naisip namin na alukin ka na kunin ulit ang pwesto mo sa banda" wika ni Trake at kita ko naman ang pagbabasakali sa mga mukha nila.

"But that's againts the rules, baka madisqualified lang kayo dahil sakin" sagot ko sakanila.

"There's no rules this time, Gen. Tanging rule na ginawa ng school niyo ay ang pagkakaroon ng patas na battle at ang pagtugtog ng walang background music and if ever mang idagdag nila yan sa rules, we're willing to take the risk. And besides, we're not here to win, we're here to have fun" pagpapaliwanag sakin ni Levy kaya tumango nalang ako.

"So is it a yes or a no? " tanong sa akin ni Lucas.

"Well. . .
.
.
.
.
.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now