Chapter 8: Where to Stay?

12 0 0
                                    

Gen's POV

6 : 21 PM

Kanina pa akong nakatunganga dito sa labas ng gate, nagdadalawang isip kung papasok ba ako sa bahay.

Baka nadyan na naman ang magaling kong ama sa loob.

Kinuha ko ang phone ko at tsaka tinawagan si Ed.

"Oh Gen? Napatawag ka? " sagot niya sa kabilang linya.

"Hey. Ed I need your place tonight, okay lang ba? " tanong ko.

"Aguy! Problema na naman ba? " tanong niya.

"Long story, don't worry I'll serve your costumers " sagot ko naman.

"May magagawa pa ba ako? Punta ka lang dun at tawagan mo ako pag may kailangan ka ha? Di kita maaasikaso sa personal kasi nasa Cebu ako ngayon"

"Thanks Ed, your the best" ako

"Aysus! Nambola ka pa , sige na baboosh" at binaba na niya ang tawag.

Buti nalang at pumayag siya, atleast I won't get cold to death tonight.

***
9 : 43 PM

"One Martini Blue" nagising naman ako sa diwa nang may nag order dito sa counter.

Kumuha ako nang baso at tsaka sinerve na ang order niya.

Alas nuebe na pala, di ko namalayan ang oras.

"Pare anong sayo? Tequila nalang? Miss dalawang tequila mix nga and - - - wait diba kaklase kita?" tinaasan ko naman ng kilay tong lalakeng nasa harapan ko kasama ang isa pang lalake.

"2 tequila mix coming right up" sagot ko at tsaka umalis na sa pwesto para gawin yung order nila.

KRING KRING KRING

Nabaling naman ang atensyon ko sa cellphone kong biglang nag ring.

Ed Calling ....

"Hey " sagot ko sa tawag.

"Ano? Okay ka pa diyan?" pangangamusta niya sakin

"Okay pa naman, dami mo palang suki na di ko kilala" sagot ko

"Ofcourse malakas yata to sa costumers" wika pa niya, "sigurado ka bang okay ka lang diyan? 24/7 pa naman yang bar ko baka di ka makatulog sa ingay"

"I can manage Ed, salamat sa paalala" sabi ko at binaba na ang tawag.

Matapos naming mag-usap ay hinatid ko na ang order nung mga kaklase ko raw.

"Ako nga pala si Kyle, magkaklase tayo"

"and I'm Ethan and we're pretty sure na magkaklase tayo" dagdag pa nung isa nang maibigay ko sakanila ang kanilang order.

"Di ko kayo kilala kaya pwede bang umalis na kayo, nakakaistorbo kayo" sabi ko naman at tsaka inasikaso ang ibang costumers dito sa counter.

Siguro tama nga si Ed, mukhang di ako makakatulog nito dahil sa ingay ng mga costumers at ng tugtog.

"Miss Gen, pahinga ka na" sabi ni Lhea.

Hays, buti naman at dumating na tong part timer ni Ed.

Agad ko namang niligpit ang gamit ko at nag paalam na.

Lumisan na ako ng bar dahil sa sobrang ingay at dami ng tao mukhang di ako makakatulog dun nga mapayapa. Habang naglalakad ay iniisip ko kung san ako titira ngayong gabi.

Kay Jessica kaya? Psh. Di naman kami close nun. Kakakilala nga lang nga namin tapos makikituloy agad ako.

Maghotel nalang kaya ako? Huwag nalang -_- sayang pera. Oo , kuripot ako at wala ka na dun.

PEEEEEEP!

Sht! Ayaw gumalaw ng mga paa ko!

Pero, okay na siguro to no? Para may matuluyan ako ngayong gabi, yun nga lang sa ospital naman.

Pinikit ko na ang mga mata ko at hinintay ang pangyayaring . . . . .

"Aray" daing ko.

Naramdaman ko nalang ang hapdi ng siko ko at ang mabigat na bagay na nakapatong sakin.

"Are you stupid?!?!" napadilat naman ako nang mapagtanto kong buhay pa ako at nasa harapan ko 'tong lalakeng to na sumisigaw nga pero ubod naman ng lamig ang boses.

"Plano mo talagang magpakamatay?!" tumayo naman ako habang pinapagpagan ang damit ko.

"Ano ba?! Sagabal ka talaga sa plano ko" naiiritang tugon ko.

San na ako magpapalipas ng gabi ngayon ?!

"Ayos ka rin no?! Noon tumalon ka sa veranda ko at ngayon magpapasagasa ka?!" sigaw niya,
" Umuwi ka na nga, baka kung ano ano pang pumasok dyan sa utak mo" sabi pa niya at pumasok na ulit sa sasakyan niya.

Nakakainis yung lalakeng yun!

Naglakad na ako papuntang ewan, di ko naman alam kung nasan ako.

Pinaglalaruan ata ako ng kapalaran.

Lakad . . .

Liko . . .

Lakad. . .

Liko. . .

"Where do you think you're going ? That's a dead end "

"Ewan ko! Alam mo naman palang dead end bakit di mo ko sinabihan?! " nakakainis na talaga tong lalakeng to.

"Malay ko bang di mo alam ang daan dito" nakashrug na sabi niya.

"Hop in, Ihahatid na kita. Konsensiya ko pa pag napano ka" sabi pa niya at babalik na sana siya ng sasakyan nang mapansin niya na di ako kumikilos.

"Papasok ka o kakaladkarin kita?" muling baling niya sakin.

Di ko siya pinansin pero naglakad na ako papuntang frontseat ng sasakyan niya.

Huwag na tayong chosy -_- minsan lang may mag offer satin ng ganito.

"San ka nakatira? " tanong niya.

Para paraan ah. Ang sabihin mo gusto mong malaman kung san ako nakatira , joke yun kaya tumawa kayo -_-

"Drop mo nalang ako Villa Jesusa park" tugon ko.

"Tell me your exact address " seryosong sabi niya habang nagmamaneho.

"Wala" sagot ko.

May binulong na naman tong lalakeng to pero di ko narinig.

"Hoy san mo ko dadalhin?" tanong ko sakanya nang mapansin kong hindi ito ang daan papuntang village namin.

"You're going home with me Gaston"

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now