Chapter 16: Intramurals?!

9 0 0
                                    

Gen's POV

7 : 19 AM

Maaga akong nagising ngayon kaya ginawa ko na ang morning ritual ko.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at tsaka kinuha na ang bag ko bago makalabas ng kwarto.

"Nay? " tawag ko kay nanay nang makababa na ako ng hagdan.

Hindi niya ako sinagot kaya tinungo ko nalang ang kusina at baka sakaling nandun siya.

"Nasan kaya yun? " tanong ko sa sarili ko nang wala akong makita ni anino niya sa kusina.

Nagtungo ako sa hapagkainan , sa garden, pati narin sa pool area pero wala pa rin akong nakikitang Nanay Rosa.

Sa kwarto kaya niya? Agad naman akong nagtungo sa kwarto niya at hinay hinay na pinihit ang doorknob. Nandito lang pala siya -_- pinahirapan ko pa talaga ang sarili ko sa paghahanap.

But wait - - - she's asleep! Kaya maitatakas ko ang kotse ngayon.

Dahan dahan kong sinara ulit ang pinto nang di siya magising at mabilis pa sa kidlat kong tinungo ang garage at minaneho ang sasakyan papuntang skwelahan.

Pagdating ko sa skwelahan ay nagtaka ako kung bakit halos puno na ang parking lot. I checked my car's watch again and it's just 8: 15 in the morning yet it's really packed with cars. Buti nalang at may nakita pa akong bakante kaya naipark ko tong kotse ko.

"Gen!/ Girl! " biglang salubong nina Jessica at Michaela sakin nang makapasok na ako ng campus.

"What's with your outfits? Dress rehearsal niyo ba ngayon? " tanong ko sakanila nang makita kong naka cheer leading costumes silang dalawa, pati rin ang mga mukha nila may makeups na.

"Girl! Magche - cheer kami mamaya para sa varsity team ng school natin" sagot ni Michaela, " Cheer mo rin kami ha" dagdag pa niya.

"Bakit? May laro pala ng basketball mamaya? " tanong ko ulit.

Enlighten me please? Ano bang meron ngayon at maglalaro ang mga varsity players?

"Oh Em Gee! Don't tell me you forgot about today's event?! " di makapaniwalang sigaw ni Jessica.

Sige isigaw mo pa -_- and do I look like someone who cares about school activities?

"It's Intramurals for pete's sake, Geneva" sabi ni Jessica sakin habang niyuyogyog ako.

"Ahh, intrams "

Kaya pala ang daming sasakyan kanina sa parking lot, kaya rin pala nakasuot ng cheer leading uniform nila etong dalawang 'to- - -

Buffering 100 % Complete

"Intrams?! " tanong ko sakanila nang mag sink in na sa akin ang lahat at tumango naman si Jessica.

Dahil di ako makapaniwala sa sagot niya ay si Michaela naman ang tinignan ko ngayon para hingan ng sagot pero parehong sagot lang kay Jessica ang nakuha ko sakanya.

I haven't even joined any club! Talaga bang babagsak na ako neto sa P. E. subject ko? This can't be happening.

"Tara na nga nang may pwesto pa tayo sa harapan ng stage" sabi ni Michaela samin, " Look oh, students from other schools are coming na. Mamaya baka mapuno na ang field at di na tayo makapwesto sa unahan"dagdag pa niya sabay hila samin ni Jessica.

Habang naglalakad kami papunta sa field ay nasagot naman ang mga katanungan sa aking isipan. Host pala ang school namin for the intramurals kaya 3 other school's are invited dito sa loob ng campus namin. That's also the reason kung bakit halos mapuno yung parking lot kanina at ngayon ang field naman ng school.

"Let's welcome of Assisting Principal for her speech, Miss Denise Kyla Falcon! " at nagsipalakpakan naman ang lahat.

Nanay ba ni Falcon o kapatid niya ang magsasalita? When did you care Avery? Psh. Nevermind.

"Goodmorning Students! " sigaw ng babaeng boses sa stage dahil para magsigawan rin ang lahat ng estudyante dito sa palibot ko.

Tinignan ko kung sino ang babaeng nagsalita. She looks familiar at sure akong di yan ang nanay ni Falcon dahil nasa 20s' pa lamang ang mukha nito.

Wait. . . . . . .

She's the stranger from the Groceries and what? Magkapatid sila ni Falcon? What a small world.

"I won't make my speech long and all I would like say is to keep safe and JUST ENJOY THE DAY! " at muli namang nagpalakpakan ang mga estudyante dahil sa mga salitang binitawan niya.

"That's it students, as what you heard, Just enjoy your day and have fun! " matapos sabihin yan ng principal ay umalis na ang nga estudyante sa field at nagpunta sa iba't ibang direksiyon.

Hinanap ng mga mata ko sina Jess at Michaela at mukhang iniwan na nga nila ako. Mga walang modong kaibigan -_-

"Geneva? " agad naman akong napatingin sa boses na tumatawag sakin.

"Lucas? Naparito ka? " sagot ko sakanya.

Isa siya sa mga kaibigan ko sa nakaraang skwelahan ko. Isa sa mga tunay kong kaibigan, rather.

"Baka nakakalimutan mo na tatlong skwelahan ang nandito at isa na yung skwelahan natin. Namin nalang pala, lumipat ka na kasi dito eh" natatawang sabi niya kaya napatawa naman ako ng medyo, medyo lang naman.

"Sina Levy nasan? " tanong ko naman sakanya.

"Papunta na ako sakanila, nasa cafeteria daw sila. Samahan mo nalang ako papunta dun since ikaw naman talaga ang taga rito" he suggested kaya nag agree naman ako sakanya.

Marami kaming napag - usapan bago kami tuluyang makapasok sa cafeteria at nagtungo sa mesa kung nasan yung mga ka tropa ko noon.

"Gen! / Geneva! "

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now