Chapter 14: Memories

9 0 0
                                    

Gen's POV

"Gusto niyo bang sumama sakin? I'm going shopping!" excited na sabi ni Michaela samin.

Napangiwi naman ako dahil dun kaya napatawa nalang silang dalawa sabay bash sakin ng pabiro.

"No thank you" sagot ko sakanila.

"I'd love to Michaela ,but I have a dinner with my family. Next time nalang, sama na talaga kami ni Gen" sagot rin ni Jessica kaya napatingin ako sakanya.

Aangal pa sana ako nang magsalita na si Michael.

"Anyway, sa susunod nalang and make sure na makakasama talaga kayo. Bye Girls " pamaalam ni Micheala samin bago siya tuluyang makasakay sa sasakyan niya.

Buti nalang blue yung sasakyan niya, napakalalakeng tignan. Mukhang hindi pa nahawa ang sasakyan niya sa kabaklaan nito.

Umandar na ang sasakyan ni Michaela at sinundan ko naman ito ng tingin habang papalabas ito ng campus hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.

"Gen, I'll get going na. See you tomorrow, okayy?" pamamaalam na rin sakin ni Jess habang binibeso ako.

"See you tomorrow" sabi ko rin at sakto namang pumarada sa harapan namin ang sundo niya kaya sumakay na siya rito.

Kumaway naman siya sakin for the last time kaya kinawayan ko nalang siya pabalik.

Now back on being alone.

Di ko pala dala ang sasakyan ngayon kaya mas mabuting pang simulan ko na ang paglalakad.

Napatingin ako sa langit at ang dilim. Mukhang uulan ngayon.

Tumawid ako nang kalsada at ngayon ay katapat ko na ang park na minsan na ring pinagmulan ng magagandang ala ala ko.

"Mom! Catch me!" sigaw ko kay mommy na ngayon ay inaayos ng blanket kung saan nakalatag ang mga pagkain para sa picnic namin nila Daddy.

"Baby Avery! Parating na si mommy!" sigaw din ni mommy at tsaka tumayo para habulin ako.

Si daddy na naiwan sa picnic area namin ay tumayo narin at nakisali sa pakikigpaghabulan samin ni mommy.

"Hun! Takbo na at paparating na ako!" sigaw ni daddy kay mommy na ngayon ay karga karga ako.

Tumakbo naman si mommy at ako naman ay tawa lang ng tawa habang binubuhat niya. Mabilis na tumakbo si mom pero not fast enough para maka layo kay dad.

"Huli kayo!" at tuluyan na nga kaming nadakip ni daddy.

"Daddy stop na Hahahaha" I begged dahil sa paulit ulit na pagkiliti niya sakin.

Sumali naman si mommy sa pangingiliti sakin which made it more fun.

Nang mapagod kami ay bumalik na kami sa blanket at napahiga.

"I love you mommy! I love you daddy!" nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan namin ang asul na langit.

"We love you too baby Avery" sabay na sambit nila bago namin tuluyang kainin ang mga pagkain na nakahanda na.

End of Flashback

Too bad, it's just a memory now. Isang memorya na dapat ko nang ibaon sa limot.

Kinuha ko ang phone ko at tsaka timawagan si Nanay Rosa.

"Naku tong batang to, bakit ngayon ka lang tumawag? San ka ba nagpupunta at hindi ka umuuwi ng bahay?" bungad agad sakin ni nanay.

She's nagging like a granny -_- oh i forgot, she is a granny.

"May project lang po akong ginawa nay, nandyan pa rin ba si Franco?" tanong ko sakanya.

"Naku, mukhang alam ko na ang rason. Wala na ang daddy mo, may business trip raw na naman siya kaya umuwi ka na ditong bata ka" pasigaw namang sinabi ni nanay ang huling sinabi niya bago niya ako binabaan.

That grumpy old woman. Pero kahit na palagi akong pinapagalitan ni nanay, nirerespeto ko siya more than anyone else in the world. Dahil tanging si nanay lang ang tanging tao na hindi ako iniwanan kahit na tinalikuran na ako ng lahat.

So much drama right? Welcome to my life.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa swing at tsaka nagsimula ng maglakad.

"Mommy! Daddy! Higher please!"

Napatingin naman ako sa harapan ko nang marinig ko ang batang boses na kinakarga ng kanyang nanay at tatay ang magkabilang kamay niya.

They look so happy. Parang kami lang noon.

"Here we go, mas higher pa daw daddy!"

Rinig kong sabi ng babae tsaka nila binuhat ng mas mataas pa ang bata.

That voice. It really sounded so familiar.

Dahil narin siguro sa tagal ng panahon na nawala si mommy kaya di ko na maalala ang boses niya.

But there's this something inside me that keeps on telling me that she is my mom.

"Mom?" tawag ko sa babaeng nasa malapit ko lang habang nakatalikod sakin.

May malaking parte sakin ang nagbabasakaling siya na nga yun at may parte rin sakin ang ayaw siyang makita pero iba ang mas nananaig sakin ngayon. Ito any ang pangungulila sa aking sariling ina.

Parang nag slow mo ang lahat ng nasa paligid nang tumigil siya at unti unting tumingin sakin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sorry, I thought you were my mom" sabi ko at kasabay naman nito ay ang pagpatak ng ulan.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now