Chapter 10: Meeting the Trio

11 1 0
                                    

Gen's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata pero mas pinili ko nalang huwag imulat ang mga ito. Isa narin 'tong alarm clock na kanina pang tunog ng tunog, nakaka bwiset talaga.

Sino bang naglagay nito ? Baka gusto nilang di na maabutan ang umaga?

Pikit mata ko nalang kinapa ang alarm clock na nakapatong lang malapit sa kama ko at nang maabot ko na to ay nilaglag ko ito sa lapag.

Crashhhhh

Teka? Di naman ganito ang tunog nang sahig ko ah kapag may inihuhulog ako.

"What the hell happened here?" biglang pasok ni . . . .
.
.
.
.
.
Falcon?

Bigla namang nagising ang diwa ko bago mapaupo sa kama habang sinusuri ang damit ko na ngayon ay iba na at tinakpan ko agad ang aking katawan gamit ang kumot. Deja vu.

Blangkong napatingin naman siya sakin dahil sa ginawa ko at dun ko lang napagtanto ang mga nangyari kagabi . . . . . . .

You're coming home with me, Gaston.

Right, he just saved me last night at pinatuloy pa nga niya ako rito sa bahay niya. If it weren't for him baka sa kalsada na ako natutulog ngayon.

"Stop overreacting at bumaba ka na kung ayaw mong mamatay sa gutom" tugon niya, "and don't worry si manang ang nagbihis sayo" at tuluyan na nga siyang lumabas.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa katawan pagkatapos niyang sabihin ang huling sinabi niya.

Tumayo na ako at bumaba na sa napakaaaaahabang hagdan nila.

Naabutan ko naman siyang kumakain sa lamesa kaya umupo na rin ako katapat niya.

"Ikaw lang ba isa rito?" tanong ko sakanya nang mapansin kong napakatahimik ng bahay nila.

"Yep, bakit may gusto ka bang gawin tayo? Tutal tayo lang naman ngayon, why not take advantage of it? " kita ko naman ang pagngisi niya.

"Pervert" bulong ko at sumubo ng isang piraso ng cookies na nakita ko lang sa gilid ng mesa.

Rinig ko namang tumawa ito bago mag ring and doorbell ng bahay nila.

"I'll get that first bago tayo magsimula" pilyong sabi niya at tumayo na para buksan ang pinto.

Boring ng pagkain nila -_-

Nagtungo naman ako wa ref nila dala ang kutsara ko. Agad hinanap ng mga mata ko ang kanina ko pang hinahanap at Bingo! There you are!

"Just one scoop and that's it" sabi ko sa sarili ko at ibinaon ko na ang kutsara rito.

Matapos ko itong kunin ay nilagay ko agad ito sa bibig at dali dali ko namang isinauli ang container sa ref.

"What do you think are you doing?"

"Miss bartender?"

"Classmate?"

Rinig kong sabay sabay na sambit ng tatlong magkakaibang boses galing sa magkakaibang lalake kaya napalingon ako sa gawi nila.

Okaayyy? Anong ginagawa ng dalawang lalake rito na nakilala ko sa bar kagabi?

"You know each other?" sabay ring tanong nila sa isa't isa.

Kung di ko lang sila kilala baka masabi ko na triplets silang tatlo -_-

"Yep, we know her. Classmate kaya natin siya at nakilala rin namin siya kagabi" sagot nung Ethan yata?

"Siya yung tinutukoy kong P.E. partner ko at siya rin ang rason kung bakit di ako makasunod sunod sainyo sa bar ni Tito Ed" sagot naman ni Falcon.

Kilala nila si Ed?

"You know Ed?" ngayong ako naman ang napatanong sakanilang tatlo.

"You mean Tito Ed?" tanong nung Kyle kaya tumango nalang ako.

Diba obvious? Ugh. What a stupid question.

"Tito ko siya at siya ang may - ari nung bar na pinagta - trabahuan mo kagabi" dagdag pa niya.

Pinagta trabahuan? Nang go - good time ba tong gunggong na to?

"Di ako nagtatrabaho sakanya -_-" sagot ko.

"Then what are you doing there last night?" tanong naman ni Falcon.

"Let's just say that we had a deal at wala akong planong sabihin yun sa inyo" sagot ko pa at kinain na ulit yung kutsara kung saan may nakadikit pang ice cream.

"We'll just ask him then" saad nung Ethan kaya nag shrug lang ako. As if sasabihin ni Ed sakanila.

Dream on.

"Give me that" at naramdaman ko nalang na wala na ang kutsarang may ice cream sa bibig ko.

"You call that breakfast Gaston? Ito nga ang kainin mo" Sino pa ba? Edi si Falcon lang naman.

Tumayo na ako bitbit yung isang box na naglalaman ng masarap na cookies na natikman ko kanina lang at nagtungo sa pintuan nila.

"Salamat pala ulit sa tulong mo Falcon, I'm annoyingly grateful for it " saad ko at kita ko naman ang pagngiti niya bago ako tuluyang makalabas ng bahay niya.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now