Chapter 23: A DAY With Him

12 0 0
                                    

Gen's POV

"Bilis na nga, isukat mo 'to" pagpupumilit ni Falcon sakin at ipinakita sakin ang isang peach na dress.

At oo, magkasama parin kami nitong pesteng to. Ewan ko ba kung saan ito pinaglihi at ayaw makinig. Sinabi ko nga sakanya na kaya ko na ang sarili ko pero dikit parin siya ng dikit.

At ngayon pati dito sa mall nandito ako, pinilit lang naman ako netong isang to dahil patay daw siya sa ate niya kapag pinabayaan niya ako.

"Ayoko nga Falcon, at saan ko naman susuotin yan? Sa bahay? " sagot ko naman sakanya.

"Tara na nga, kumain muna tayo" suway niya sakin at hinila ang kamay ko.

Fck! Napatitig naman ako sa kamay naming magkahawak ngayon. Ewan ko lang pero parang naninibago ako na may humahawak sa kamay ko ng ganito.

"You're spacing out again, where do you wanna eat? " agad naman akong natauhan dahil sa tanong niya.

"H-ha? " parang wala sa sariling tanong ko sakanya.

"I said, where do you want to eat? " tanong niya ulit sakin.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Nanay Rosa pala. Tinap ko na ang answer button at kakausapin ko na sana si nanay nang kunin nitong katabi ko ang phone ko -_-

"Hello? Who is this? " mabangis na sagot niya sa tawag.

Kita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya at napatingin sa gawi ko.

Buti nga sayo. Yan kasi pakialamero.

"Ah o- opo, kasama ko po siya " rinig kong sagot niya kay nanay.

Ano kaya ang pinag - uusapan nila?

"Sige po, sasabihin ko po sakanya" huling sabi niya bago niya ibaba ang taway at binigay na sakin ang phone ko.

"Ano raw sabi? " tanong ko sakanya ng tuluyan na siyang makarecover.

"Was that your mom? " tanong niya sakin kaya napatawa ako ng medyo.

"Hindi noh, si nanay Rosa yun" sagot ko sakanya at tinanong siya ulit kung ano ang pinag - usapan nila.

"May ipapabili daw siya sayo, check your phone" sinunod ko naman ang sinabi niya at tinignan ang phone ko for a message.

At may dumating nga na lista ng mga bilihin.

"Mag - isa ka na lang munang kumain. May kailangan pa akong bilhin at hanapin" sagot ko sakanya pero hininaan ko ang last part na sinabi ko.

Kung sana nandito lang ang ate nitong si Falcon na 'expert' sa groceries edi mapapadali sana ang gawain ko.

"Nah, I lost my appetite. Samahan nalang kita" sabi niya at nauna ng naglakad papuntang groceries store na nakapamulsa.

Okaaay? Ano naman kaya ang sumapi dun?

Nang makarating kami sa groceries ay agad naman siyang kumuha ng cart kaya inunahan ko siya sa paglalakad habang siya sunod ng sunod sakin.

Where the heck are the black peppers? Kanina pa kami libot ng libot rito pero di ko parin mahanap ito.

"Ano nga ulit ang hinahanap natin?" tanong ni Falcon.

"Black pepper" balewalang sagot ko habang nakafocus lang sa mga dinadaanan namin na produkto.

"Wait" rinig kong sabi niya at bigla naman siyang tumakbo to who knows where.

Binantayan ko naman ang cart naming walang kalaman laman kahit isa at mga ilang minuto lang ay nakabalik na siya dala dala ang buting plastic container na nadaanan namin kanina.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now