Chapter 19: Battle of Bands

9 0 0
                                    

Dustin's POV

NAKAKABANAS talaga yung mukha ng Davis nayun. Akala niya kung sino siyang magaling eh talo naman pala sa basketball. May pa 'see you later' pa siyang pinagsasabi kay Falcon. Hah! As if namang magpapakita si Falcon sakanya. Psh. Idagdag mo pa yung Gaston na yun and 'GenGen' what the fuck?! Ang baduy ng tawag ng lalakeng yun sakanya.

"Bro tara na! Magcelebrate muna tayo sa ating pagkapanalo" pag - aayaya sakin ni Ethan.

Nandito pala kami ngayon sa lockers room namin ng kateam mates ko. Katatapos ko lang maligo kaya ngayon nagbibihis na ako ng tshirt at ipinatong ko na rito ang varsity jacket ko. Trade mark na namin ang gawin to after every game namin.

"At dahil panalo tayo, IT'S MY TREAT!" biglang sigaw ni coach kaya naghiyawan naman kaming lahat.

"WOAH! Bago yan coach ah!" pang - aasar ko kay coach at tumawa lang siya.

"Team Captain, kung ako sayo tatakbo na ako papuntang cafeteria. Matakaw pa naman ang mga nasasakupan mo baka wala nang matira sayo niyan" sabi ni coach sabay tapik sa balikat ko.

Dun ko lang napansin na wala na pala dito ang mga kasamahan ko dahil nag - uunahan sa mga pagkaing nakahanda na raw para samin dun sa cafeteria.

Tsk. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sakanila . Habang naglalakad ako sa hallway ang dami kong napansing mga babaeng patagong kumukuha sa litrato ko may iba ring ladlaran kung makakuha nito. Rinig ko rin ang tilian ng iba kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko at pumasok sa cafeteria.

Bumungad naman sakin ang isang grupo ng mga lalake at dalawang babae lang yata ang naggu-group hug.
Siguro mga taga ibang school to, ngayon ko lang kasi nakita ang mga pagmumukha nila.

Mga bakla siguro tong mga lalakeng to. Like they're hugging each other na sobrang saya. They could've just express it in a bro fist or a quick hug.

Habang papalapit ako sa table namin, bigla naman silang nagsilayuan galing sa pagkakayakap. And there I saw the person whom I didn't expect to see, Gaston.

Right! Naaalala ko na, yung mga lalakeng yan pala ang kasama niya kanina sa gym, nadagdagan nga lang ng isa pa. Why is she even hanging out with those people from our rival school? Kaano ano ba niya ang mga yan?

Matiim ko silang pinagmasdan, siya lang pala. Why is she even hanging out to those guys?! Eto na naman, umiinit na naman 'tong ulo ko.

"Uy nandito na si Captain! " sigaw ni June, isa siya sa mga kasama ko sa team.

Lumapit naman sakin si Kyle at hinila niya ako papunta sa mesa kung nasaan sila. Tuluyan na akong nakarating sa table namin dahilan para di ko na makita ang kinaroroonan nina Gaston dahil nakatalikod ang pwesto ko sa pwesto nila.

"Mike, palit tayo ng pwesto" sabi ko sa katabi ni Ethan na varsity player rin.

"Oh bakit mo gustong makipagpalit eh mas marami ngang pagkain diyan sa harapan mo? " tanong ni Ethan sakin.

"Gusto kasi kitang makatabi, namiss kita " sagot ko naman sabay kindat sakanya.

Napatawa naman ako dahil sa reaksiyon ng mokong na ito at tumayo na para makipagpalitan ng pwesto kay Mike.

Nice. Now the view's better.

Sinimulan ko nang lantakan ang pizza na nasa harapan ko ngayon sabay kuha gatorade at ininom ito.

"Let's celebrate later, may bagong bukas na club malapit lang dito" sabi ni Chris samin.

"Sorry bro, di muna ako makakasama. Kasali kasi girlfriend ko sa Battle of bands mamayang gabi kaya kailangan kong manuod" sagot ni Jeffrey.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now