Chapter 22: Ms. Falcon

11 0 0
                                    

Gen's POV

"Ano na naman ba 'to Falcon?" reklamo ko ng bigla bigla niya nalang akong hinila palayo sa table namin ni Trake kanina at oo siya yung chismosong lalake nakisawsaw sa usapin namin.

"Bingi ka ba? Bitawan mo nga ako" dagdag kong reklamo habang sinusubukang tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Di siya natinig at ngayon hila hila parin niya ako. Nakalabas na kami ng cafeteria at huminto naman siya ng makarating kami sa field.

"Pwede mo na akong bitawan" pagpapaalala ko sakanya at bigla naman niya akong nilingon. Ewan ko kung anong nasa mata niya dahilan na mapaatras ako ng konti.

"What's with you and that guy earlier? " diin na tanong niya sakin.

"Guy? Si Trake? " tanong ko naman sakanya pabalik.

"I don't know who the hell is that guy and I'm not planning to know his name! I'm asking who he is" cold na sabi pa niya sakin.

Imbis na sumagot ay sinubukan ko nalang ulit ang bawiin ang kamay ko pero hindi talaga niya ito talaga binibitawan.

And damn this guy, ang sakit na ng pagkakahawak niya.

"He's just my bandmate, okay?! Kaya bitaw na't sumasakit ang kamay ko! " di ko mapigilan ang sarili ko dahil sa sakit na talaga.

"No " matigas na sabi niya at mas diniinan pa ang hawak.

"You know what, palagi mo akong sinasabihan na babaero pero ikaw naman tong nakikita kong naparaming lalakeng kasama. Now tell me whose the cassanova now?" mariing tanong niya sakin.

"What's with the question Falcon!? And why do you care?! " di makapaniwalang tanong ko.

"B-because, Damn it! Cause I care about you! " sigaw niya which made me froze.

What. The. Actual. Fuck.

Ilang minuto akong natigilan sa sinabi niya at nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ulit ang sakit sa pulso ko.

"Then let go of me! " sigaw ko sakanya at nabitawan niya naman ito.

Ang good news ay nakawala na ako habang ang bad news naman ay natutumba na ako ngayon at ang kamay ko na may deperensiya ang naitinukod ko sa damuhan.

"UGH!" daing ko ng maramdaman ko pagsakit ng kamay ko.

Putang ina ka talaga Falcon!

"H-hey what's wrong? " natatarantang tanong niya sakin kaya tinignan ko naman siya ng masama.

"Tanungin mo yang sarili mo! Nakakainis ka! " naiiritang sagot ko habang hinahawakan ang pulsuhan ko.

Mabilis naman siyang lumapit sakin at ang kaning galit na ekspresyon kanina ay napalitan ngayon ng pag - alala.

"Let me bring you to the clinic" presinta niya at lumapit sa pwesto ko.

"Huwag na! " pagtanggi ko sakanya pero imbis na umalis siya ay binuhat niya ako ng pang bridal style na siyang ikinamula ko.

"Ano ba Falcon, ipapahamak mo talaga ako no? Ang daming tumitingin! Ibaba mo nga ako" reklamo ka sakanya para ibaba niya na ako dahil kanina ko pa napapansin ang mga masasamang tingin galing sa mga babaeng estuyante na taga dito sa campus at sa tatlong pang skwelahan na may fans niya.

"Then I'll walk faster"

Ugh! Ang tigas talaga ng ulo nitong lalakeng to. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin ng mga babae rito, kanina pa siguro ako pinaglalamayan.

At oo, mas bumilis nga ang lakad niya kaya mabilis kaming nakarating sa clinic.

"Denise? " agad naman akong napatingin sa nurse, I mean kay groceries girl pala na ate ni Falcon.

"You're the girl from the groceries, right?!" di makapaniwalang tugon niya kaya tumango nalang ako.

Sinenyasan niya naman si Falcon para ibaba ako sa kama dito tsaka siya lumapit sakin.

"What happened? " tanong niya sakin habang sinusuri ang kanang wrist ko.

"Wala lang to naitukod ko lang nung matumba ako " sagot ko pa sakanya.

"Nahigpitan ko ang paghawak diyan kanina, I didn't know it was injured" rinig kong sabi ni Falcon kaya nilakihan ko siya ng mata kaya napaiwas siya ng tingin.

Why the hell would he say that?

"And why were you holding her wrist?" sabi nga ba at magtatanong 'tong ate niya.

Imbes na magsalita ay nagkatinginan kami ni Falcon pero mas minabuti ko na ang umiwas nalang ng tingin, baka mapatay ko tong ugok na to.

"ARAAAAY! " sigaw ko nang bigla niyang hawakan ang injured kong kamay.

" Wala lang pala ah" pagsesermon niya sakin habang ako, tinitiis ang sakit.

"Ikaw, kunin mo nga yung bandage. Bilis! " baling niya kay Falcon at mabilis naman siyang sumunod .

Tingnan mo 'tong isang to, nagiging tuta pag nandyan ang ate niya.

"At ikaw naman" nabigla naman ako dahil sa pagtawag niya sakin, "napiit lang naman ang ugat mo dito sa kanang kamay mo, be careful next time. Paano nalang kung di ka agad nadala ni Baby Dustin dito" dagdag naman niya at sakto namang dumating si Falcon nang may naiiritang mukha.

"Baby Dustin, Pfft! " bulong na sabi ko at napatawa ng mahina.

Kita ko namang successful ang pang - iinis ko dahil nasira yung mukha niya.

"Tingnan mo 'to, nagagawa niyo pang mag - inisan" panenermon na naman niya at pinalibutan na ng bandage ang kaliwang kamay ko.

Pinagmasdan ko naman siyang gawing mummy ang kamay ko at nang matapos niya itong gawin ay nagsalita siya. . .

"Hey Dustin, keep your eyes on Geneva, okay? Make sure na hindi lumala ang kamay kundi malilintikan ka talaga sakin. Plus sabihin niyo sakin pag okay na yang kamay mo" sabi pa niya.

"How'd you know my name? I never told you about it" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Sweetie, what's the use of your
I. D.?" para naman akong napahiya dahil sa sagot niya at itong mokong na to sa tabi niya, tawa lang ng tawa.

Naghihiganti siguro tong mokong na to dahil sa pang - aasar ko sakanya kanina.

"Now chop chop and get going, I have a lot of patients pa" sabi niya at tinulak na kami palabas ng clinic.

Agad ko namang siniko ang katabi kong tawa parin ng tawa dahil sa reaksiyon ko kanina at nauna nang maglakad. Bahala ka nga diyan.

"What was that for? " natatawang tanong niya at ngayon nasa tabi ko na siyang naglalakad.

"Ano pang ginagawa mo dito? Alis na! I can handle myself" pananaboy ko sakanya pero ang mokong ngumisi lang.

"Bakit? Ayaw mo na sakin? Di ba ako magaling? " bigla naman akong nagtaka sa huling tanong niya at alam kong pansin niya ito.

"Huwag kang mag - alala, gagalingan ko na pag round 3 na natin" pilyong sabi niya kaya nabigla ako pero di ko pinakita.

"Pervert! " sigaw ko sakanya at nagsimula na namang maglakad palayo sakanya, pero ngayon mas
mabilis na ang lakad ko kaysa sa kanina.

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now