Chapter 21: Good Friend

10 0 0
                                    

Gen's POV

Intrams parin pala ngayon at Day 3 na. Whole week ang intrams namin at required ang pagpunta dito sa school atleast three days.

Kaya nga nandito ako ngayon kahit nakakapagod at ang sakit ng kanang wrist ko dahil ng napakaubod ng kulit nila kahapon nadaganan ako nina Levy at nang matumba ako , ito ang naitukod ko. Ang saya diba?

"Genieee ice cream tayo" pag - aayaya sakin ni Jess kaya nagshrug lang ako.

Ano bang magagawa ko? Talagang maoobligar akong sumama dahil pipilitin lang ako ng babaeng tong hanggang sa pumayag ako.

"Tara na, may bagong open na ice cream parlor sa labas ng school" sabi ko sakanya at para namang nagningning ang mga mata niya sa saya.

Naglakad na kami papunta dun at marami rami narin pala ang tao rito, kadalasan ang mga estudyante ng school namin at galing rin sa ibang schools.

"I'll find us a place, strawberry flavor akin okay? " tumango naman ako at umalis na siya para maghanap ng table namin.

" 1Vanilla and 1 Strawberry" sabi ko sa cashier.

" Php 298 maam" at binayaran ko siya.

Di pala nakabigay ng bayad si Jess sakin, di bale libre ko nalang to sakanya. Huwag kayong ano, minsan lang to pag nasa mood ako -_- kuripot kaya ako noh.

Binitbit ko na ang ice cream namin at tsaka nagtungo na kay Jess.

"thaaaankyouuu Gennn" sabi pa niya at nilantakan ang ice cream na bili ko.

"Anyway, may chika ako sayo" excited na sabi niya.

Here we go again.

"I saw him playing basketball yesterday and he was sooo handsome, like the whole time we were cheering them I was looking at him" kinikilig na sabi niya.

"Alam mo Jess, kahit gwapo yan tumatae parin yan, walang kakaiba sakanya" sagot ko.

And oops, mukhang nalakasan ko yata dahil maraming naduduwal at may ibang di tinuloy ang pagsubo ng ice cream nila. Malas nila at malapit sila sa table namin naupo.

"Hihi, sorry po" pagpapaumanhin ni Jess sa kanila at hinila ako papalabas ng parlor.

"Why the heck did we leave? " tanong ko sakanya nang makalabas kami.

"Duh, that was Maureen and her alipores and trust me you don't wanna mess with those brats" sabi niya sakin at tsaka hinila na naman po niya ako papasok ng campus.

Kita ko naman ang mga anino ng anim mula sa distansya. Hahays, mukhang magiging nakakapagod na naman ang araw ko ngayon.

"JANE! " sigaw ni Jess

"JESS! " sigaw rin pabalik ni Jane at para naman silang mga batang nagtatalon nang maglapit na sa isa't isa.

Tinignan naman naming lima silang dalawa na masayang nagku - kwentuhan at naramdaman ko na lang na may tumatapik sa braso ko.

"Huwag kang mag - aalala Geneva, masaya lang talaga si Jane ngayon kaya siya ganyan , baka mamaya maaalala ka na niyan" sabi ni Lucas at tumawa naman yung tatlong ugok sa likuran niya.

"Huwag kang ka ring mag - alala Leader, mahal ka pa ni Jane ngayon baka mamaya papalitan ka na niyan" mapang - asar na sabi ko tsaka tinapik siya ng 2x pa sa tapik niya sakin kanin.

"Yan kasi, huwag uunahan si master Gen " tawang tawa ni Trake at tsaka inakbayan ako.

"Ano na naman ang kailangan mo at yung kamay ko, huwag mong tabigin" tanong ko agad sakanya.

Sigurado akong may kailangan to dahil nagiging clingy eh.

"Hihi, samahan mo ko sa cafeteria. Wala pa akong breakfast" napakamot naman siya sa ulo niya habang sinasagot ako

"Ayoko nga" pagbibiro ko at dahil nga siya ang dakilang tanga naniwala naman.

"Sige na Geeeen, ililibre kita"

"Tara" sabi ko at mas naunang maglakad.

Pake niyo? Biro lang yung kaninang sinabi ko na ayoko, and besides siya na ang nag offer na ililibre ako. Mamalasin kaya ang taong tumatanggi sa grasya.

"Kuripot ka pa rin" habol niya sakin habang inaakbayan ako.

"Ano ba tanggalin mo yang braso mo, pinapatay na ako ng tingin niyang mga fans mo" sabi ko sakanya.

"Nah, alam naman nila na close talaga tayo lahat sa banda" sagot niya at nakapasok na nga kami ng cafeteria.

"Order ka na, maghahanap lang ako ng upuan" sabi ko sakanya at bumitaw na siya sa pagkakaakbay
para mag order.

Ngayon alam niyo na ang role ko bilang isang kaibigan. Ang sumama sa kanilang kumain. Kanina si Jessica na kumain ng ice cream, ngayon naman 'tong si Trake ang sinasamahan ko para kumain ng agahan. What a good friend I am.

"Eto na kamahalan" sabi ni Trake sakin habang nilalapag ang pagkain namin sa lamaesa.

Bacon, eggs, hotdogs, meat at . . .

"Nasan ang rice? " tanong ko sakanya.

"Sabi ko nga ba at hahanapin mo yun" tawang sagot niya sakin at tsaka may kinuha sa bag niya.

"Tanan! " at nilabas niya ang apat na kanin na galing sa Jollibee.

Tinignan ko naman siya, tinitigan rather.

"What? Nakalimutan kasi ni yaya na magluto ng kanin kaninang umaga kaya nagpadeliver nalang kami ng rice. Tapos nung may rice na, wala na palang ulam sa ref" sagot niya at nilagyan ako ng kanin sa plato.

Kung may mas kuripot pa sa akin, eto na yun. Si Trake na mismong kanin galing sa bahay dinala.

"Anyway, kamusta naman kayo ni Tricia? " tanong ko sakanya nang magsimula na kaming kumain.

Napansin ko namang natigilan siya. Is something wrong?

"She's studying abroad now " napatigil naman ako sa pagkain at tingnan siya ng saglit.

"So I broke up with her" sunod na sabi niya kaya mas lalo akong napatigil.

I can't believe na hinayaan niya lang ang jowa niya for 3 years na umalis nalang.

"Alam ko na ang iniisip mo " sabi niya at iniangat ang mukha niya para makausap ako, " I just couldn't afford watching her let the opportunity to her dreams slip out just because of me" dagdag na sagot niya.

"Now tell me Gen, wouldn't you do the same thing if you were in my place? " nakayukong tanong niya.

"You're brave Trake " sabi ko nalang habang tinatapik ko ang balikat niya.

"You see, mahalaga ang pangarap niya pero mas pinili ka niya diba? Kaya nakipaghiwalay ka sakanya para wala nang siyang rason upang di kunin ang scholarship " sabi ko kay Trake at kita ko naman na nakikinig siya kahit nakayuko.

"Di mo ba naisip kung anong nararamdam ni Tricia ngayon? Ano sa tingin mo ang nararamdaman niya while she's persuing her dreams kapalit ng taong mahal niya" dagdag ko.

Ang tanga ko talaga, bakit ko pa kasi tinanong yun kanina. Kaya'y ngayon para na akong tanga dito para lang pagaanin ang loob nitong kasama ko.

"You think I made the right decision?" tanong niya sakin kaya tumango lang ako habang nakatitig siya sakin.

Tinitigan ko naman siya pabalik, aba ano tingin niya sakin? Di lumalaban sa titigan?

"Yes you made the wrong decision" rinig kong sabi ng lalakeng boses sa likod ko.

At sino na naman kaya tong chismosong to?

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now