Chapter 7: Lesbian?

11 0 0
                                    

Gen's POV

It's been days nang mangyari yung pangyayari na yun and trust me, pilit ko talagang iniiwasang magkatagpo ang mga landas namin nang lalakeng yun.

"Gen! " nabigla naman ako dito sa kaklase kong babae.

"Ano? " iritadong sagot ko.

"T-tawag ka ni Sir" bulong niya kaya napatingin ako sa pisara.

"What's the commotion all about there at the back? " tanong ng prof kaya tinuro ko yung babaeng tumawag sakin.

Pinatayo naman siya ni Sir at pinagalitan. Buti nga sakanya -_- kitang nananahimik tayo dito, bigla bigla niya nalang akong iniistorbo.

KRING KRING KRING

"Finally!" sigaw ko pero syempre sa isipan ko lang.

Mabilis ko namang niligpit ang mga gamit ko at lumabas na nang classroom.

Boogsh!

Takte naman oh.

"Sorry po, di ko sinasadya" paumanhin niya at tsaka niya pinulot ang mga gamit ko.

Gusto ko siyang sigawan at dahil mabait ako ngayon. Oo, ngayon lang. Pinalampas ko nalang siya at tinanguan na lamang bago lumisan papuntang canteen.

" 1 Burger po, at large coke " pag-order ko.

Kinuha ko na ang card ko para magbayad nang may nagsalita sa gilid ko.

"Make that two please" at naunahan niya akong magbayad.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? " tanong ko sakanya.

"Treating you? I didn't get the chance na pakainin ka nang breakfast kasi umalis kana pagkatapos nung nangyari sa - - Ouch! " agad ko naman siyang siniko sa tagiliran para manahimik.

Biruin niyo?! Nagawa pa niyang sabihin yun sa public baka marinig nung tao kasunod namin sa linya.

"2 burger at 2 large coke" buti nalang dumating yung order ko.

Agad kong kinuha yung akin at mabilis na nilisan ang canteen.

Siguro pulang pula na ako sa kahihiyan dahil naaalala ko na naman yung araw na nagising ako sa kwarto niya.

Did I just lose my virginity to that guy?

Napailing na lamang ako sa mga iniisip ko at umupo sa damuhan. Nandito pala ako sa harap ng field kung saan walang istorbo.

"Hi I'm Jessica " napadilat naman ako nang makaramdam akong may umupo sa tabi ko.

"Gen" sagot ko naman.

I'm not rude, ayoko lang talagang iniistorbo ang meditating time ko.

"About earlier sorry pala" earlier?

"Ako pala yung nakabangga sayo. Remember? Sa labas ng room natin" pang - eexplain pa niya kaya tumango nalang ako.

Kaklase ko pala to? -_- Mukhang di na tatahimik ang mga darating na araw ko.

"This is so exciting! Let's be friends okay? " masayang sabi niya tsaka niya kinuha ang kamay ko at nilapit sa kamay niya para makipagshake hands.

Weirdo.

* * *

"BYE GEEEEEN! " sigaw ni Jessica.

Oo, kasama ko na naman siya hanggang ngayon dismissal at mukhang wala talaga siyang planong sumakay sa sasakyan nila.

"Bye" sabi ko para makapasok na siya sa loob ng kotse.

Nakakahiya kasi, kanina pa siya kaway ng kaway kaya pinagtitinginan kami ng mga tao.

Buti nalang at sumakay na siya. Sumaludo naman sakin ang driver niya kaya tinanguan ko nalang ito.

"See you tomorrow!" pahabol ni Jess kaya kinawayan ko nalang siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila.

Binaba ko na ang kamay ko mula sa pagkakaway at nagsimula nang maglakad palabas ng campus nang marinig ko ang bulungan ng mga taong nadadaanan ko.

"Jowa ba niya si Jessica? "

" Is she a lesbian? "

What the fuck?

Mr.  Cassanova Stole My Heart जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें