Chapter 20 : Win or Lose?

9 0 0
                                    

Gen's POV

"GO CREED! " rinig naming sigaw nina Jessica at Michaela sa backstage kaya nagthumbs up lang ako sakanila.

Hinampas ko naman ang stick ko sa isa't isa ng tatlong beses hudyat na magsisimula na. Hays, namiss kong hawakan ang stick na ito.

Buti nalang ang nakapractice kami sa studio ng tatlong beses kanina. Akala ko pa naman kung anong tutugtugin namin, buti nalang at improvised version ni Francis ng kanta nina Troye Sivan at Lauv ang tutugtugin namin. Tinuruan rin nila ako kanina sa mga parte ko kaya nakuha ko agad ito.

Nagsimula namang kumanta si Jane para sa intro ng walang kahit anong accompaniment. Nang matapos niyang kantahin ang intro ay sumunod naman ako sa pagtugtog.

Gaya ng pinagpractisan namin kanina, hinampas ko ang mga drums dito sa harapan ko ng napakabilis pero nasa tono parin. Sumunod naman sakin ay ang sina Levy at Trake sa pagkakalikot ng mga guitar nila. Nang mapansin kong palapit na sila sa huling nota bago magsimula ang kanta ay hinampas ko narin ang drums ko at nagsimula nang kumanta si Lucas.

Body, tryin'my best to be somebody
Everybody around me is fallin' inlove to our song
AHHIYAY OH AHHIYAY

Naiba talaga nina Francis ang mood ng kanta kaya mas maraming estudyanteng ang nakikisabay sa amin.

Patuloy silang kumakanta ngayon at dahil di pa gaanong mabilis ang beatings ng parte na to, nagawa kong pagmasdan ang pwesto ng mga manunuod.

GO CREED! Yan ang kadalasang nakikita ko na hawak hawak ng ibang estudyante.May nakita rin akong nakatarpauline na mga pangalan namin at ang pangalan ng banda namin . Sikat parin pala 'tong banda namin. Di ko alam pero parang nasiyahan ako ng makita ko ang pangalan ko sa tarp kasama ang mga kabanda ko. Salamat naman at kahit lumipat na ako ng skwelahan ay kinikilala parin nila ako bilang parte ng CREED.

Binalik ko na ang atensiyon ko sa paghampas ng drums at sa bawat hampas na ginawa ko ngayon ay naaalala ko ang mga masayang ala ala ng unang panalo namin noon ng banda.

"For the new Champion, CREED! " para naman kaming nabingi dahil sa narinig namin.

Sino bang mag - aakala na ang banda namin mga grade 8 lamang ang nanalo ngayon?

"Did I heard it wrong? " di makapaniwalang tanong ko.

"We won! We freakin' won guys! " sigaw ni Lucas samin kaya kami natauhan at tumakbo papunta sa harapan para kunin ang trophy na napanalunan namin.

Yun ang dahilan kung bakit pinatuloy namin ang pagbabanda namin. Nagsimula kami sa katuwaan lang at ngayon, nandito na kami kung saan kami dinala ng tadhana. At eto nga ako, going back to my original place, as their drummer .

Ngayon solo part na naman ang magaganap pero kami na lahat ng mga instrumento ang tutugtog at hindi kasali ang vocalists.

Kita ko ang saya sa mga mukha ng mga ka band mates ko habang tinitignan namin ang isa't isa hanggang sa naramdaman nalang namin ang pagkanta nina Jane at Lucas sa chorus na na part ng kanta.

Nagpatuloy ang presentasiyon namin hanggang sa ang buong stage na ang naiilawan.

Sht. Ang sakit sa mata. Napikit ko ang isa kong mata dahil sa sakit ng pagtama ng ilaw . Nang makaadjust na ako ay binuka ko na ito at hinataw na ang aking pagtugtog hanggang sa matapos ang kanta.

Sabay sabay kaming tumayo at nagtungo sa harap tsaka yumuko bilang pasasalamat.

"Thank you for that amazing performance CREED! Let's give them a round of applause!"sabi ng emcee at pinapunta na kami sa gitna.

"Now, may I call on the attention of the other 3 bands to stand here on stage together with the CREED for we will be announcing the winner" at nagsiakyatan naman ang mga iba pang banda rito.

Masaya naman naming niyakap ang bawat isa sa grupo namin.

"Still got the skills, Geneva, Impressive" bati sakin ni Lucas at niyakap ako.

"Thank you leader at ako pa " pagmamayabang ko at narinig naman ito ng ibang members kaya nakatanggap naman ako ng mga batok, oo MGA BATOK at ang iba naman ay di pa nakutento at ginulo pa talaga ang buhok ko.

"Still our last year's champion! The CREED! "

Dahil nga sa pagkukulitan na naganap sa aming grupo ay tanging ang huling sinabi lamang ang narinig naman na siyang nakapag patigil sa amin.

"Ano raw? " tanong ni Trake at dumako ang mga mata niya sakin.

"Huwag mo akong tignan, di ko alam ang sagot" sagot ko naman sakanya.

Tinignan ko naman si Jane na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari.

"Mas lalong wala akong alam" sagot rin niya sakin.

See? Ito ang isa sa mga rason kung bakit bawal kaming pagsamahing anim.

"I think we won " sabi ni Levy.

" Agree, I think so too " sabi naman ni Francis habang tumatango.

"The CREED? Please come here infront for the awarding" sabi nung emcee at dahil di nga kami sigurado na panalo kami ay 'di kami natinag sa pwesto namin.

"Come'on guys, biliiiis" sabi ni Lucas habang hila hila kami mga members niya papunta sa harap.

Nang makarating kami sa harapan ay sinabitan naman kami ng tig - iisang medal at si Lucas naman ang tumanggap sa trophy. Tinignan ko ang nakasulat sa medal ko at tama nga sina Levy, panalo talaga kami.

Nakipagkamayan naman samin ang mga judge at dahil ako ang nasa huli ng linya ay paniguradong ako ang huling makakababa ng stage, ayoko pa namang nahuhuli ng pagbaba sa mga stages -_-

Magihit 3 na na judge ang nakamayan ko at 4 more to go. Ang dami pa nilang komento sa grupo namin. Kesyo ang ganda daw ng tugtog namin at sino ba daw ang nag improvised. At dahil nga di nawawala ang mga manyak sa mundo, may nagtanong rin kung ano raw pangalan ko at dahil ang ganda ko raw tumugtog ng drums baka daw pwede ko silang tugtugan. Nakakasuka.

Tapos ko nang kamayan ang second to the last na judge and thank goodness last one nalang. Agad kong kimayan ang pinakadulong judge na malapit sa stage at bibitawan ko na sana ito ng humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

Pilit kong binabawi ang kamay ko at dahil nairita na ako ay tumingala ako nang makita ako ang mukha ng may - ari ng kamay na 'to. Di ako maliit okay?! Matangkad lang talaga ang kaharap ko ngayon.

"Ano ba Falcon, bitaw" sabi ko sakanya habang binabawi yung kamay ko.

Pero ang babaerong to mukhang walang planong bitawan kamay ko.

"Isa" pagbabanta ko sakanya.

"Dalawa, huwag mong hintaying umabot ng 3 Falcon" sunod na sabi ko nang mapansin kong di siya natinag at ngumisi lang.

Ugh! Pati ba mga alikabok ngayon nakakairita na?

"3" sabi ko at mas nilakasan pa ang paghila sa kamay ko at sa kasamaang palad, malakas talaga tong babaerong to.

"Ang bilis mo yatang magbilang, Gaston. At 3? Parang minamadali mo yata ang pagra - round three natin ah" pilyong sagot naman niya na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan at biglang nag flashback sakin ang sinabi niya noon.

'Aalis ka na nang ganun ganun lang? Akala ko ba gusto mo pa nang round 3?'

Mr.  Cassanova Stole My Heart Where stories live. Discover now