12

1.9K 62 15
                                    


Pagkatapos namin kumain, napagpasyahan namin na pumunta na sa training ni Juan.

Alyssa and Aiko gathered their things like yung camera, tripod and mic habang ako naman ay yung bowl na may lamang questions na sabi nila ay galing daw sa Twitter.

"Tangina mo talaga Eva, ang corni mo!" Kanina pang paulit-ulit sinasabi ni Alyssa while we're on our way to the Basketball training gym.

Kanina pa rin din kasi niya pinapanood yung video where I said, 'Gago, kay Juan lang ako', it was caught on video pala on Aiko's phone. Nagi-instagram daw siya tapos nasali ako sa video.

And hanggang ngayon, they keep teasing me about it. Binawi ko naman yon kagad after I said it. Sabi ko joke lang pero wala na e. Ayaw na nila akong tantanan sa kakakantyaw.

"Sabi niya joke lang daw... sus, wag kami Alana. Jokes are half meant too!" They say and I only rolled my eyes at them.

Hay nako, Sige na nga. Totoo na yung sinabi ko. Hindi na yon joke. Kasi, kay Juan lang talaga ako. Ayoko naman kay Joe, I mean. not romantically. And okay let's say na, si Joe man ang pinakahot at pinakagwapo para sa kanila, I don't care.

Kasi sa tingin ko naman, si Juan yun. Siya yung pinakagwapo at pinakahot para sa akin. Siya lang talaga yung taong gusto ko. They're opinions don't matter to me. So, if they say na you can't please everybody then that means Joe can't please me too.

We arrived at the basketball training gym at hinarangan kami ng security guard na nakabantay sa entrance.

"Sino po sila Ma'am?" Tanong ni Kuya.

"Taga Media Center po kami Kuya. May interview po kami ngayon kay Juan Gomez de Liaño" I said at ibinigay sa kanya yung permit namin.

"Ah, sige po Maam. Pasok kayo. Break na rin nila" Ngiti ni Kuya.

"Kuya, sino pong nagbreak?" Biglang tanong ni Aiko sa gilid ko and I look at her like anong-tinatanong-mo-look.

"Ibigsabihin ko po Ma'am ay breaktime na po nila ngayon" Tawa ni Kuya sabay kamot sa ulo.

"Ay- sabi niyo po kasi break na sila, akala ko po may kabit po si Juan.." Said Aiko and my eyes widened

"...eto po kasi girlfriend niya e" Tinuro naman ako and sinamaan ko siya ng tingin sabay hawi sa daliri niyang nakaturo sakin.

"Ay, ikaw po pala girlfriend ni Juan, Maam? Ang ganda niyo naman po. Bagay na bagay po kayo ni Juan. Pareho magaganda at pogi" Ngising sambit ni Kuya at nagtawanan sila Aiko at Alyssa.

Habang ako naman ay nagulat kaya umiling kagad ako. "Hindi po Kuya. Huwag po kayong maniwala sa sinasabi ng kasama ko"

"Talaga Ma'am? Nung pagkita ko kasi sa inyo habang papalapit kayo, akala ko may boypren po kayong dadalawin sa training"

I was going to say something but nauna na si Aiko. "Huwag po kayong mag-alala kyah, soon to be na rin. Kaya, simula ngayon, pamilyarin niyo na po yung mukha na 'to, para masanay na po kayo"

Sabi ni Aiko habang yung mukha ko naman yung pinagti-tripan niya.

"Walang kaso po sakin yan, kasi maganda naman si Maam. Hindi madaling malimutan.."

My Juan | Juan GDLWhere stories live. Discover now