30

1.1K 37 5
                                    



Pilit kong inaalis ang sakit na nararamdam ko ngayon nang dahil sa nangyari kanina. My heart still aches at the thought of Juan, preventing himself to talk about what's with him and Dani before.

Seryoso ba iyong kanila? Naging sila ba? What happened between them? And if may something nga sila, nakamove on na ba sila? Si Juan, nakamove on na nga ba?

Andaming tanong na pumapasok sa isipan ko pero hindi iyon masagot-sagot. I can't ask Juan about them. I can't.. lalo na't ayaw niyang ipaalam sa akin kung ano man meron sa kanila. Hindi ko naman siya pinipilit na ikwento rin niya sa akin. It's up to him pero it hurts me to be honest. I am at my point where I'm really at the edge of getting to know what really happened.

Days had passed, my mind was occupied with just him and Dani. Just them. Hindi ko na alam pero feeling ko sasabog na ata utak ko sa pag o-overthink na there's this one time nga napagalitan na ako ng isang prof because she saw me na nakatulala lang habang tinatawag niya ako for oral recitation.

Aside from that, ilang araw ko na rin iniiwasan si Juan. I mean, not totally. Like nagkikita naman kami pero saglit lang iyon because I would lie that I had some other acads stuffs to do kaya hindi na kami nagkakaroon ng maayos na oras para sa isa't isa.

"Penny for your thoughts?" someone speaks behind me at paglingon ko naman, I saw Ricci. Yup. Ricci Rivero.

Napabitaw ako ng mahina na tawa. "Uy, englishero ka na pala.."

He laughs. "Sira... pwede bang umupo?" tanong niya at napairap ako sabay usog sa bench na inuupuan ko ngayon. "Nagpaalam ka pa, eh uupo ka rin naman regardless of what I'm going to say.."

"Eto talaga, manners lang.." Umupo siya sa tabi ko at muli naman siyang nagsalita. "so, kamusta? ayos ka lang? Kitang-kita ko sa malayo ang lalim ata ng iniisip mo.."

"Nag-away kayo siguro ni Juan kasi hindi ko na kayo madalas nakikita magkasama ah.." he then assumes that made me looked at him at umiling.

"'Di lang nagsama, away agad?"

He shrugs. "Sorry, um, well....just an assumption lang knowing the two of you, walang araw na hindi namin kayo nakikita hindi nagsasama.. tas hindi ka na rin daw nanonood ng games.."

"Sobrang busy lang talaga sa acads." I answered giving him a glance at tinanaw ko balik ang kabubuan ng sunken garden.

"Ikaw? Kamusta kayo? Lapit ng matapos yung elimination round.." I trailed off.

"Okay naman. Nagpe-prepare every single game, training gano'n.." he replied. Ambilis lang ng schedule ngayon for Season 82 because it changed now. Kung noon ay tig da-dalawang game lang sa Wednesday, Saturday and Sunday, ngayon tigtatatlo na kaya mabilis kagad natapos ang round 1. And actually, malapit na nga rin matapos yung round 2.

I nodded and suddenly, bigla akong nakaalala na Ricci and Juan are pretty close naman tas I think... magkaibigan din sila ni Dani, just thought na sa kanya na lang ako magtatanong. Nagbabasakali na baka may alam siya. I just really want to know talaga. Hindi niya naman siguro ako ija-judge.

"Can I ask something?"

"Oh ano 'yun?"

"Um..." bigla akong napaisip if talaga bang itatanong ko sa kanya ang tungkol kay Dani and Juan kasi nahihiya ako. And hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya. But then I think that's Ricci. Feeling ko makapagtitiwalaan naman siya.

"Diba... ano... close kayo ni Dani? Dani.. Ravena..." Pagsasalita ko and naramdaman ko bigla ang kaba sa aking katawan ngayon.

Tumango si Ricci. "Oo, close naman kami. Bakit?"

My Juan | Juan GDLOnde histórias criam vida. Descubra agora