PROLOGUE

21K 373 48
                                    

PROLOGUE:

Halos makatulog na sa kinauupuan niya si Jaxon ng magring ang cellphone sa bulsa ng doctor's robe niya. Kakatapos lang ng surgery niya sa isang pasyenteng nabaril ng dalawang bala sa tagiliran. Tumagal 'yon ng halos apat na oras kaya naman pagod na pagod siya.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at awtomatikong napangiti siya at para bang nawala ang pagod at antok niya nang makita kung sino ang tumawag. Ang kanyang girlfriend na si Maxine. Sinagot niya ang tawag.

"Hello baby miss me?" aniya sa nakakalokong tono. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan, at napahilot sa sariling sentido. Madaling araw na natapos ang kanyang surgery. Pinaghalong antok, pagod at gutom ang nararamdaman niya, pero baliwala ang mga iyon ngayong kausap niya ang kanyang Maxine. Hindi niya kasi ine-expect na tatawagan siya nito dahil alam niya na busy ito sa concert ng paborito nitong banda. Sasama dapat siya pero may naka-schedule siyang surgery ng araw na 'yon. Gusto niyang tanggihan pero si Maxine na ang nagsabi na mas kailangang unahin ang pasyenteng nangangailangan ng kanyang tulong, kaya wala siyang nagawa.

"Hey, baby. I miss you. Kanina pa kita tinatawagan." The girl on the other line giggled. "Are you busy? Nakakadistorbo ba ako, hmm?" anito sa naglalambing na boses.

Jaxon lips automatically formed a smile. "No baby. You never disturbed me, and sorry for not answering you calls earlier, kakatapos lang ng surgery ko."

"Really? Are you good, Jax? Gaano katagal ang surgery mo?" Nag-aalalang tanong ni Maxine.

"I'm good baby, the surgery lasted for four hours but it's okay, I'll be fine." Pag-aaloniya sa nag-aalalang girlfriend.

"Okay, after ng concert, I'll be there. Wait for me okay? Magpahinga ka nalang."

"Okay, anong oras ba matatapos ang concert? Call me if you're on the way—"

Pinutol kaagad ng girlfriend niya ang sasabihin niya. "Nah-uh, Mr. Jaxon Alfonso Skyler, ako ang pupunta diyan, okay? Magpahinga ka na. by two am, I'll be there."

Napabuntong hininga siya. "Okay, if you insist." Aniya. Natigilan siya sandali. Sinabi ng kasintahan na nasa concert ito ng paborito niyang banda pero hindi naman siya nakarinig ng kahit anong tunog ng musika o ng tao. "Bakit pala ang tahimik ng background mo?"

"Nasa CR ako. I'll hang up now, I'll miss their last performance. Bye baby! I love you! Magpahinga ka na, okay? Hintayin mo ako diyan." Paalam ng girlfriend nito. Halata sa boses nito ang kasiyahan habang kausap siya, at ganun din siya. Kulang nalang ay mapunit ang labi siya sa kakangiti.

"Okay baby. I love you. I'll just take a nap. I'm so tired." Sagot niya.

"Rest baby okay? Ako bahala sa'yo pagkarating ko diyan. I'll give you a mind-blowing massage on your shoulders ang legs. My poor baby..." anito tsaka natawa. Maya maya pa ay nagpa-alam na ito, at naputol na ang pagtatawagan nilang dalawa.

Inilapag niya ang cellphone sa kanyang tabi, pagkatapos ay dumayukdok sa lamesa. Kahit pa nagugutom siya ay hindi na niya inabala ang sariling kumain. Ginusto nalang niyang antayin si Maxine para sabay silang maka-kain. Ipinikit niya ang mga mata at mabilis siyang nilamon ng antok. Kaagad siyang nakatulog.

NAMULAT ang mata ni Jaxon kaagad nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kanyang opisina. Umangat ang ulo niya mula sa pagkakadayukdok, akala niya ay ang nakangiting mukha ni Maxine ang bubungad sa kanya pero nagkamaili siya nang makita niya ang isang nurse sa harap niya na mukhang hinihingal pa.

"D-doc.." Hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa hingal. Kumunot ang noo siya. Pupungas pungas pa siya pero hindi niya alam kungbakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba dahilan para manlamig din ang kanyang kamay.

The Broken Scalpel [Ace Lucifer's Series Two]Where stories live. Discover now