Chapter 2

1.3K 35 1
                                    

"Sorry, ah." He said while driving. I looked at him.

"Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan sa akin." Mahinahon kong sabi.

"Tinawag kasi kitang bingi kanina, and I know that it's not good. Medyo bad mood lang talaga ako kanina."  I nodded.

"Okay lang." He looked at me and smiled. Pero bumalik din agad 'yung tingin niya sa daan.

"Ang bait mo." Nagkibit-balikat lang ako. Lahat naman, sinasabi sa akin iyan. Sanay na ako. "Anong pangalan mo?"

"Luan." I replied. He nodded.

"Nice to meet you, Luan. I am Xsen."

"Nice to meet you, too, Xsen."

Pagdating namin sa tapat ng school, bumaba na agad ako, hindi na ako nagpahatid sa loob. Nakakahiya naman kasi. Nakalimutan ko rin pala itanong kung bakit alam niya ang University na pinapasukan ko.

Naglakad ako sa hallway papuntang faculty, ito lang naman kasi talaga ang pinunta ko rito. Hindi ako magtatagal. Ipapasa ko lang talaga 'tong project ko, ayoko rin naman kasing makita o makasalubong si Alex dito. Hindi naman kasi ganoon kadali kalimutan lahat ng pinagsamahan namin, hindi ko nga rin alam kung bakit ang dali kong sinuko ang relasyon namin, magwa-one year na rin dapat kami ngayong April 8. Kaso wala e. Siguro kaya ko rin sinuko dahil... wala na naman talaga. Nakakapagod na rin kasi siguro.

'Yung nakikita mo siyang may kasamang iba tapos sasabihin niya na kaibigan niya lang. Hindi naman ako ganoon kaewan para hindi mahalatang ayaw niya na sa akin. Napangiti na lang ako. Sabi na nga ba... wala talagang lalaking matino. Lahat ay iiwan ka.

Lahat kasi ay nagsasawa at napapagod.

Siguro mas okay na rin 'to, hindi ko na lang muna iintindihin 'yung mga love life love life na iyan, magfo-focus muna ako sa pag-aaral. College na rin naman ako sa pasukan, kailangan ko ng magseryoso.

Pagdating ko sa faculty, binigay ko kaagad kay Ma'am 'yung project ko. Aalis na sana ako kaso may pinapabigay pa si Ma'am sa guidance. Kaya ako pa iyung nautusan. Ayoko talagang pumupunta sa faculty dahil lagi akong nauutusan.

Tinitingnan ko lang 'yung mga building na nadadaanan ko. Hindi na ako papasok dito sa pasukan... ayoko na rin kasi rito. Bukod sa mga memories namin ni Alex, kukunin na kasi ako ng Tita ko. Roon na ako sa China mag-aaral ng college. Mamimiss ko 'tong school na 'to.

Pagdating ko sa guidance, pumasok ako roon at naggood morning. Binigay ko 'yung pinapabigay ni Ma'am na envelope. Pagkatapos ay umalis na rin agad ako, masungit iyung guidance councilor namin e, nakakatakot kaya hindi na ako nagtagal.

Uuwi na sana ako nang madaanan ko iyung gymnasium ng University. Dito kami unang nagkakilala ni Alex. Nanonood ako ng game sa basketball at umupo siya sa tabi ko. Classmate kami pero hindi naman kasi kami close.

Lumapit ako roon at sumilip sa loob, walang tao. Pumasok ako at mag-isang napangiti.

"Hi." Inangat ko ang tingin ko. Nakita ko ang isang lalaki na nakacap pa. "Puwedeng umupo?" Tinuro niya 'yung tabi ko. I just nodded. Sa pagkakaalam ko ay kaklase ko siya pero hindi ko matandaan iyung pangalan niya. "Mahilig ka manood ng basketball?"

I shook my head. "Hindi."

"Bakit ka nanonood ngayon?"

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now