Chapter 14

850 28 2
                                    

Nagising na lang ako dahil parang biglang kumalam iyong tiyan ko. Oh, my gosh. Nagugutom na ako! Anong oras na ba? Teka... may kama na pala ako? Last time I checked, foam lang naman ang mayroon ako at hindi ako bumibili ng kama. The heck! Wala nga akong pambili noon, e. Pero... bakit sa kama ako nakahiga ngayon?

Nilibot ko 'yung paningin ko... napalunok ako. Hindi namin bahay ito, ah... Kila Xzayvian ito!

Bakit ako nandito?

Baka naman nananaginip lang ako... tama, tama. Nananaginip lang siguro ako.

Nakarinig ako ng tikhim kaya napataas agad ang tingin ko. Napalunok ulit ako. Paano ba kasi ako napunta rito? Nandito si Xzayvian. Nasaan si Xsen? Kailangan ko siya ngayon para 'di maging awkward. My gosh!

"Okay ka na?" I bit my lower lip and slowly nodded. "Lumabas ka na at kumain, I cooked." Weh? Baka naman sunog iyan? Pero syempre hindi na ako nagtanong at tumayo na lang 'tsaka sumunod sa kanya.

Ayoko namang... hay. Ang hirap talaga, in love ako sa kanya tapos, siya... Hindi pa ako sure kung in love pa rin ba siya sa akin. Ang hirap kasing mag-assume ng mga bagay, 'yung akala mo kayo na, pero hindi pa rin pala. Napakamot na lang ako sa ulo ko at nanatiling nakatayo roon sa harap ng lamesa nila. He stared at me.

Bakit ba kasi siya ganiyan?

"Upo na." I just nodded. Umupo na ako at tiningnan siya kung paano siya naglagay ng soup sa mangkok at inabot sa akin, inabutan niya rin ako ng tubig. "Kumain ka na then..." May nilapag siyang gamot sa lamesa. "Inumin mo ito para gumaling ka na."

Oh, what the... Alam niya na na may sakit ako? Kaya ba ako nandito?

"Ah... Thanks."

"Kakain kasi para hindi na lang biglang natutumba." What? Natumba ako bigla? Hala! Ba't wala akong maalala? Hayaan mo na nga. E 'di natumba ako.

"Ah, okay." I mumbled.

"Pagkatapos mong kumain, matulog ka na, at bukas... Mag-uusap tayo." Napatango na lang ako. Mag-uusap kami? Ito na ba iyung break up na magaganap? Parang nawalan tuloy ako ng gana kumain kahit na sobrang gutom ako.

Iniisip ko pa lang na magbe-break kami ni Xzayvian, nawawalan na ako ng gana, pero hayaan mo na nga. Ganoon talaga ang buhay, magulo. 'Tsaka, aalis na rin naman ako rito sa Sunday. Iyon 'yung last day namin ni Xzayvian... dapat... kaso nga, mukhang tatapusin niya na bukas iyong kung ano mang meron kami. Napangiti na lang ako ng mapait, medyo naging engot kasi ako, e. Dapat ay hindi muna ako naniniwala sa mga naririnig ko. Dapat si Xzayvian muna iyung pinakinggan ko.

Tumayo na ako pagkatapos kong kumain, feeling ko nga, nabusog lang ako sa tubig, nawalan kasi talaga ako ng gana na kumain.

"Uuwi na ako," paalam ko sa kanya, nasa sala siya at nanonood ng One Punch Man. Nanonood pa siya niyan? Ang laki-laki niya na, e.

"Bakit?" Ha? Bawal ba akong umuwi?

"Matutulog na po tulad ng sabi mo kanina." Hindi kong maiwasan gumamit ng po kasi parang nakakatakot iyung awra niya ngayon, ganoon kasi ako, nagiging magalang kapag may nagagalit or nagbabadyang magalit.

"Dito ka na matulog." E?

"Ah... ano... hindi na. Baka maistorbo pa kita, kaya ko na naman iyong sarili ko." I said with a half smile. Bigla siyang tumayo kaya medyo napaatras ako. Bakit ba ako natatakot sa kanya?

Ang weird niya ngayon! O lagi naman siyang weird?

"Kung kaya mo iyong sarili mo, sana hindi ka na natumba kanina at sana hindi mo sobrang init kanina, walang mag-aalaga sa'yo sa inyo at gigising sa'yo para painumin ka ng gamot, kaya rito ka na matulog, Luan Keihl." Napalunok ako. Ngayon na lang niya ulit ako tinawag sa buo kong pangalan. At nakakatakot iyon.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now