Epilogue

1.4K 41 34
                                    

It's our last day.

Last day na magkasama kami...

Last day na magkukuwentuhan kami...

At last day na para makita ko siya. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita o makakausap. Siguro, through video call, makakapagkita at makakapag-usap pa rin kami, pero hanggang doon na lang iyon... Meron kaming sari-sariling buhay at magiging busy na rin siguro kami kaya bihira na talaga kaming makakapag-usap. Ang lungkot isipin pero wala, e... That's life.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng faded jeans at v-neck shirt na white. Magsisimba kasi ako, Linggo kasi. Tapos mamaya, pagdating ko ay aalis na kami ni Xzayvian, I don't know kung saan kami pupunta pero malayo-layo iyon dito para makapagrelax kami at makapagmuni-muni, then kapag nagnine pm, aalis na ako... uuwi na ako sa amin kasi si Tita ay nandoon na, aalis na kami... at... doon na ako sa China mag-aaral.

Kung pwede lang kasing 'wag na mag-aral, para magkasama na lang kami ni Xzayvian at masaya na. Kaso, hindi pwede. Kailangan kong matupad ang mga pangarap ko.

Lumabas ako ng bahay, napahinga pa ko ng malalim. Mamimiss ko rin itong bahay ko, ilang taon din kaya akong tumira rito. Mula Grade 8 yata? Tapos kay Tita Jel pa pinapadala 'yung pera noon at binibigay naman sa'kin ni Tita. Mamimiss ko rin iyung mga pinsan kong element. Lalo na si Nase, mamimiss kong asarin iyung isang iyon, may pagkapikon kasi iyon, e. Si Yttrium kasi, ang talino, ang hirap barahin tapos si Hyd naman, si Sungit 'yun.

"Luan!" Natigil ako sa paglalakad at lumingon sa bahay nila Xzayvian, tinawag niya ako. My forehead creased.

"Ano?"

"Where are you going?" Naglakad siya palapit sa akin. Tingnan mo 'to, umagang-umaga ay ine-english ako.

"Somewhere," he frowned.

"Ha-ha-ha. Anyway, saan ka nga pupunta?" He repeated his question but Tagalog na ngayon.

"Magsisimba, bakit?"

"Sama ako!" Napataas iyong kilay ko.

"Hindi nga? Baka masunog ka roon." He scoffed.

"Grabe ka talaga sa'kin!" I laughed.

"Joke lang, bilisan mo na." He just nodded, patakbo siyang bumalik sa bahay nila. Naupo ako roon sa may upuan sa labas ng bahay nila.

Paglabas niya, iba na iyung damit niya. Simpleng jeans lang at black printed shirt. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Tara na?" Tumango lang ako at tumayo na.

Sinabi ko sa kanya na maglalakad lang kami, malapit lang naman kasi 'yung church namin dito sa compound. Labas lang ng kanto at kaunting lakad tapos nandoon na. Habang naglalakad kami, parang hindi mapakali si Xzayvian kaya huminto muna ako at tumingin sa kanya. Kinunutan ko siya ng noo.

"What?" His forehead creased.

"Anong what?" Naguguluhan niya ring tanong. Napakagulo talaga ng taong 'to.

"May problema ka ba? Hindi ka mapakali, e," he smiled, kinamot niya 'yung batok niya.

"Uh... ano... kasi–" I cut him off.

"Ano?" May pagkainis na sabi ko.

"Pwede ko bang hawakan iyong kamay mo?" Ah... o–kay?

"S-Sige." Hindi ko pa naaangat iyung kamay ko ay kinuha niya na agad.

"Thanks." Masaya niyang sabi at hinila na agad ako, he's weird. 'Tsaka, kailangan pa ba talagang ipagpaalam 'yung paghawak sa kamay ko? Si Alex kasi rati, bigla-bigla na lang hinahawakan, nung una, nakakailang pero nasanay na lang din ako.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now