Chapter 7

785 29 1
                                    

"XZAYVIAN!" Halos mahulog ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko iyung boses ni Mom. Shit. Nakakasira talaga ng eardrums. Tumayo agad ako at binuksan iyung pinto ng kwarto ko bago pa ulit siya sumigaw.

"Ano po iyon? May problema po ba?" Nagulat ako nang bigla akong batukan. Babatukan pa sana ulit ako pero umiwas na ako. "Mom naman! Walang batukan, kapag sigawan, sigawan lang," sabi ko habang nakatakip iyung kamay ko sa ulo ko.

"'Wag mo akong mamom-mom diyan, may kasalanan ka na naman!" Sigaw niya sa akin. Sira na talaga ang eardrums ko.

"E 'di Mareng Daisy na lang. Mareng Daisy, ano bang problema natin diyan?" Napalayo na lang agad ako nang akmang hahampasin na naman ako. Sabi ni Mom, 'wag daw siyang mamom-mom tapos ngayon na hindi ko siya tinawag na Mom ay mamamalo naman.

"May babae ka na naman sa labas! At ang sabi pa niya ay anak mo raw 'yung dala niyang bata!" Nanlaki agad iyung mata ko.

"Weh? 'Di nga?" Binato ako ni Mom ng tsinelas niya, pero umiwas naman agad ako. Hoo! Muntik na iyon, ah.

"Anong weh at 'di nga?! Lumabas ka roon at tingnan mo 'yung babae, ipa-DNA mo na rin, napakalandi mo kasing bata ka, kung sinu-sino ang pinapatulan mo, naku! Sumasakit talaga ang ulo ko sa inyo ng Kuya mo," umalis na si Mom sa kwarto ko, nagbihis naman agad ako at lumabas din ng kwarto ko.

Grabe naman si Mom, hindi naman ako malandi, sadyang gwapo lang kaya lapitin ng mga babae, 'tsaka what the hell? Hindi ako basta-basta pumapatol sa babae, 'no. May taste naman ako. Pero gago, may anak na raw ako? Wala naman akong naikama, ha? Baka naman nakalimutan ko lang tapos nakagawa na pala ako ng himala?

Nang makita iyung babae... alam ko na agad na hindi ko anak 'yung dala niya. Sure ako roon, mukha naman kasing 'di ko papatulan 'to, e. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Sino ka?" Tanong ko. Lumapit agad siya sa akin at akmang yayakapin ako pero lumayo agad ako.

"Hindi mo ba talaga ako maalala?" Mukha ba akong nagbibiro? Kaltukan ko 'to.

"Magtatanong ba ako kung naaalala kita? 'Wag bobo," may pagkainis na sabi ko. Kagigising ko pa lang kasi, hindi pa ako nakakakain tapos sasalubungin ako ng mga ganiyang tanungan? Taenang iyan.

"Ako 'to, si Mira."

"Teka... isipin ko..." Umakto ako na nag-iisip tapos tumingin ulit sa kanya. "Ba't ba ako nag-iisip pa? E, 'di nga kita kilala, saan ba kita nakilala, ha? Kung nakilala man kita."

"Sa school, magkaklase tayo rati tapos... Iyon nga, nagkaanak tayo," pinakita niya pa sa akin iyung bata. Gagawin ko diyan? Para namang hindi ko kamukha.

"Sino iyan? Babae mo na naman?" Pinakyuhan ko lang si Xsen. Napakachismoso talaga nito.

"Tara na nga," nilapitan ko iyung babae at kinuha iyung bata. Sinenyasan ko lang siya na sumunod sa akin.

"Saan tayo pupunta?" May pagkalitong sabi nito.

"Ba't ko sasabihin sa'yo? Close ba tayo?" Pumasok na ako sa kotse ko at ganoon din siya. Pagdating namin sa hospital ng pinsan ko, sinabi ko na agad na magpapaDNA kami. Para masure lang kung anak ko 'to. Taena, kinakabahan na rin ako, e.

Sinabi niya lang sa amin na maghintay daw muna ng isang linggo at saka ibibigay iyung result.

"Paano kung anak mo nga iyon?" Tanong sa akin ni Xsen habang umiinom kami ng beer dito sa terrace.

"E 'di goodbye life na, magiging tatay na ako... lintik na 'yan." Napabuntong-hininga na lang ako. Si Xsen naman kasi, magtatanong na lang ay iyung nakakawalang gana pa.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now