Chapter 3

1.2K 37 3
                                    

Hindi ko maiwasan ang mailang habang kumakain, para kasing nakatitig sa akin 'yung kapatid ni Xsen, hindi ko alam kung guni-guni ko lang at masyado akong assuming o nakatitig talaga siya sa akin. Bigla akong nauhaw kaya nilapag ko 'yung kutsara at tinidor. Nakita ko naman iyung mga baso roon sa tabi nung kapatid ni Xsen.

"Puwede pong paabot?"

"Ha? Uh, ano... okay." Kumuha siya ng baso. "Lalagyan ko na rin ba ng tubig?" Tumango na lang ako. Inabot niya sa akin 'yung tubig, kinuha ko na agad at ininom.

Pagkatapos naming kumain at para ngang gusto ko ulit kumain e, hindi ako masyadong nabusog, hindi nga kasi ako makakain ng maayos! Tinulungan ko si Xsen na mag-ayos ng pinagkainan namin. Pero pinigilan niya na naman ako, bisita niya raw kasi ako. Sus, e ilang hakbang lang iyung bahay ko rito. Pinaupo niya ako sa may sofa sa sala ng bahay nila. Binuksan niya rin 'yung TV.

Umupo naman sa tapat na upuan ko iyung kapatid niya. Nakatingin lang sa akin ito at nakakunot iyung noo. I smiled. May problema ba sa akin si Kuya? Nawala iyung kunot ng noo niya nang mapansin na nakatingin din ako sa kanya.

"Hi?"

"Hello." Iniwas niya na ang tingin niya at nanood na lang ng TV. Ang sungit naman niya. Parang ang cool pa naman niyang kaibigan. Mukha naman kasi siyang disente, maayos iyung gupit ng buhok, walang kahit anong peklat o pasa, walang tattoo. Hindi siya mukhang tagatulak o tagahithit.

"Magkakilala na kayo?" Napatingin ako kay Xsen. Umupo siya sa tabi ko. I shook my head. I already said hi but he just said hello and ignore me. "Xzayvian, she's Luan. Luan, he's Xzayvian." I nodded.

"Uhm... hi, Xzayvian." Tumingin sa akin iyung lalaki at ngumiti. Killer smile. Pamatay sa mga puso ng babae, halatang may pagkaplayboy 'to.

"Hi, Luan Keihl." Hala. Alam niya iyung second name ko? Luan lang naman ang sinabi ni Xsen ah.

"Paano mo nalaman?" Xsen chuckled.

"Dakilang–"

"Magaling akong manghula." Nakangiting sabi ni Xzayvian at tumayo. "Aalis ako."

"Saan ka pupunta?" Tumayo rin si Xsen. Lumabas si Xzayvian ng pintuan.

"Sa pupuntahan." Then he walked away.

What a great answer?

"May bagong lipat daw sa compound niyo?" Nagkibit-balikat ako.

"Oh?"

"Guwapo ba?" Sinabit niya agad iyung braso niya sa braso ko. Bahagyang kumunot ang noo ko, I looked at him.

"Guwapo? Bakit alam mo na lalaki?" Humiwalay siya sa akin at hinampas ako sa braso. Hinaplos ko naman iyung braso ko, magkakapasa talaga ako sa bakla na 'to, e.

"Ako pa! Basta lalaki, magaling yata ako!" At pinagmamalaki niya pa. Napailing na lang ako. "So, guwapo nga? Ilakad mo naman ako! Ililibre kita! Gusto mo ilakad ulit kita kay Alex, kaso magjowa na nga pala kayo!" Napakagat ako sa labi ko nung marinig ko iyung pangalan niya.

"Kahit 'wag na lang." He giggled.

"Ilalakad mo nga ako sa kapitbahay mo?"

"Hindi. 'Tsaka, hindi ko naman kasi sila close. Kakalipat pa lang nila nung isang araw." Mahinahon kong paliwanag. He pouted.

"Madali ka lang naman makipagclose, e. Ang bait-bait mo kaya! Makakaclose mo agad iyan. Tapos, ilalakad kita kay Alex, then boom! May jowa na ako, may jowa ka rin." Dapat talaga ay hindi muna ako pumasok sa trabaho e, kukulitin lang ako ng bakla na 'to, pinagpipilitan pa si Alex sa akin, kitang nagmo-move on ako. Pero sabagay, hindi niya naman alam iyong status namin ngayon ni Alex.

The Two Weeks Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon