Chapter 6

991 31 14
                                    

Wala namang bago sa mga nakaraang araw. Kami na ni Xzayvian, pero alam mo iyon? Para kasing kulang. 'Di ko siya mahal. Tina-try ko naman, actually, hindi pa namin sinisimulan ang aming "two weeks relationship", well, gusto ko muna sigurong makasama siya ng ilang araw para kahit papaano ay magkagusto man lang ako sa kanya o crush, at least, hindi masyadong awkward 'yung magiging relasyon namin.

At saka, napag-isip-isip ko nang siguro okay lang na maging kami muna ni Xzayvian dahil aalis na rin naman ako sa 30. I'm sure na okay na ako noon. Nakamove on na. Tanggap na tapos na talaga kami ni Alex.

So iyon nga, makikisabay na lang ako sa trip ni Xzayvian, if ever na kaya ko naman. Kaso, naiisip ko rin minsan na parang ang sama ko... kasi... parang lalabas na gagamitin ko lang si Xzayvian para makamove on, though, hindi naman talaga pero kasi... iba pa rin ang labas sa ibang tao noon. 'Tsaka, kahit naman anong mangyari ay hindi pa rin kami pwede ni Xzayvian dahil aalis na nga ako sa 30 at sasama sa Tita ko papuntang China.

Ang gara naman kung sasabihin ko na LDR na lang kami. Parang ang hirap naman yata no'n. At hindi rin naman ako sure kung made-develop nga ako kay Xzayvian. But I think, lahat naman ng babae ay may chance na magkagusto sa kanya kasi guwapo naman siya, mabait, para namang mamahalin niya ng tunay 'yung magiging girlfriend niya. Hindi nga lang ako iyon.

"Thinking things again?" I smiled a little then shook my head.

"Just thinking you." I almost laugh when I saw his face, namumula na naman.

"'Wag kang ganyan, Luan Keihl." Ayan na naman siya, tinatawag niya na naman ako sa buo kong pangalan.

"Bakit, kinikilig ka?"

"Yes." Oh, my gosh. Bakit ba sobrang straight to the point niya? Pwede naman niyang ideny but still... Oh, my.

"Ewan ko sa'yo."

"It is the start, right?" He asked, his forehead creased. I nodded. It is the start of our relationship. "Do you like me?"

Seriously, ba't ba siya nagtatanong ng ganiyang mga tanong? Nakakailang kaya. Para sa akin.

"No." I quickly replied.

"Hindi mo ako magugustuhan?"

"I think, there's a chance." His forehead creased again.

"What chance? Na maging tayo pa rin sa huli pagkatapos ng two weeks?" I chuckled.

"Loko. Chance na magustuhan kita." Humiga siya sa may sofa at ngumiti.

"Talaga?" I nodded. He looked so happy, ako rin naman magiging ganoon ang expression kapag nalaman ko na may chance na magustuhan ako ng crush ko. "Pero walang chance na maging tayo pa rin pagkatapos ng two weeks?" Nagkibit-balikat ako.

"Actually... I'm thinking of that. Pero tingin ko, hindi." Nawala iyung ngiti niya, parang tumamlay iyung mga mata niya. "Uy, don't be sad. Baka lang naman."

"Pero tingin mo hindi. So, ayaw mo?" I immediately shook my head.

"Hindi, ah. Gusto nga kita kasama, e. Alam mo iyon, masaya ka kasi kasama." Parang si Alex lang dati.

I bitterly smiled in my head. I should stop thinking him. Dapat alisin ko na siya sa buhay ko, hindi ko na siya dapat iniisip pa. Masama siya sa kasulugan. Okay, self? Tandaan mo iyan.

"Ano iyan, pampalubag loob?" Umiling ulit ako, ano ba naman 'tong si Xzayvian, lagi niyang kino-kontra 'yung sinasabi ko.

"Xzayvian, 'wag ka nga mag-isip ng kung anu-anong bagay. Isipin mo na lang kung paano kita magugustuhan." Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumapit sa akin.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now