Chapter 4

1K 36 2
                                    

"Don't break my heart." He seriously said.

"What?" Tama ba 'yung dinig ko? Don't break his heart? Or I'm just imagining things?

"W-Wala." Nag-iwas siya ng tingin.

"Uh, okay. Let's go?" He just nodded. Lumabas kami ng compound, sinundan ko lang siya maglakad, huminto kami sa may isang kotse at pumasok dito.

"Seatbelt mo." Inayos ko na 'yung seatbelt ko, nginitian ko lang siya pero nag-iwas lang siya ng tingin. What is his problem? Seriously.

Tahimik lang kami papuntang mall, tapos wala ring radio kaya talagang awkward na awkward ako sa sitwasyon namin ni Xzayvian. Hindi naman kasi kami close kaya nakakahiyang mag-open up ng topic, 'di ba? Nipark niya lang 'yung kotse niya tapos lumabas na kami, kinuha pala muna ni Xzayvian 'yung payong tapos binuksan niya, sumabay siya sa'kin sa paglalakad at pinayungan ako. Napangiti ako, ang bait niya naman.

"Salamat." I whispered. Tumingin ako sa kanya, pansin ko na bahagyang namula 'yung tenga niya.

"W-Welcome." Ang cute niya. At saka feeling ko, hiyang-hiya siya sa akin, ano bang problema sa'kin? Madali naman ako maging kaibigan, ah.

Pagdating namin sa loob, sinara niya na 'yung payong. Sinundan ko lang din siya maglakad, hindi naman kami sabay maglakad, nakadistansya siya ng kaunti sa'kin which is good naman, ayoko rin naman ng masyadong dikit na dikit sa'kin.

"May bibilhin ka ba?" Napahinto ako dahil huminto siya sa paglalakad.

"Wala. Bakit?" Wala nga akong dalang pera, biglaan naman kasi. Wala pa 'yung sweldo ko, bukas pa. Namula na naman siya.

"Ah, ano...wala...basta!" Tapos nauna na naman siyang maglakad, take note, mas bumilis 'yung lakad niya ngayon kumpara kanina. 'Di ko na lang pinansin 'yun at sumunod na lang sa kanya. Ang gulo ng utak niya.

Pumasok kami sa National Book Store.

Wala namang pasok, ah? Bakasyon na nga. Anong gagawin niya rito? Pumunta siya roon sa part ng mga art materials. Kumuha siya ng mga poster paint at mga ilang brush. Magpi-paint siya? Luan naman, 'di pa ba obvious?

"Magaling ka magpaint or magdrawing?" Mahinang tanong ko sa kanya, sana sagutin niya. Cross fingers. Kapag hindi niya sinagot, e 'di okay, baka hindi niya lang narinig.

"Uhm... hindi naman." Pahumble.

"Weh?" Napansin kong nagsisimula na naman ang pamumula niya kaya natawa ako ng mahina, kumunot 'yung noo niya.

"Why are you laughing?" Siguro kung kaklase ko siya, ang itatanong niya ay 'happy?'

"Ang cute mo." Pinisil ko 'yung pisngi niya pero mali yata 'yun dahil mas namula lang siya at iniwas niya ang tingin niya. Ano ba naman iyan, Luan! Nailang tuloy siya sa'kin. "Uh... sorry."

"It's o-okay." Pumunta siya sa may counter at nagbayad, pagkatapos ay umalis na kami sa NBS. Nag-ice cream din kami sa DQ at bumalik na sa kotse niya sa parking lot.

Sinuot ko na ulit 'yung seatbelt ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya 'yung seatbelt niya at no'ng inistart niya 'yung kotse. Kung iisipin, parang nameet ko na siya somewhere. 'Di ko nga lang alam kung saan or nag-o-overthink lang ako at iniisip na nagmeet na kami.

Pagdating namin sa compound, una siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako, pagbukas niya may dala na siyang payong at nakabukas na. Napangiti ako. Bait talaga, ang swerte ng girlfriend nito. Baka mamaya, magselos pa 'yun sa akin, bigla ako ritong sugudin.

"Mabait ba 'yung girlfriend mo?" I asked. He looked at me and smiled a little.

"'Yung magiging girlfriend ko." Wow. So may nililigawan siya?

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now