Chapter 5

1K 41 5
                                    

"Ha?" Narinig ko naman 'yung sinabi niya pero parang nabingi talaga ako.

"Be my girlfriend." Seriously?

"Are you...uh...crazy? I mean, kakakilala pa lang kasi natin 'di ba? Tapos... you want me to be your girl?"

"Just for two weeks." Wow. Just for two weeks. Hmm... bakit two weeks lang? Parang try lang gano'n? Free taste kumbaga?

"Bakit mo kailangan ng girlfriend?" He sighed.

"Hindi naman girlfriend ang kailangan ko, kung hindi ikaw. Ikaw ang kailangan ko."

"Nice. Kinilig ako roon, ah." Bahagya pang namula 'yung tenga niya pero natawa na lang ako.

"Weh?" He's so cute, really.

"Oo nga. Bihasa ka na siguro sa pambobola, 'no?" I said, teasing him.

"Paano mo nalaman?" Nanlaki ang mata ko, bigla siyang tumawa. "Joke lang!" Napangiti na lang ako. Ang swerte naman ng liligawan o magiging girlfriend nito, kitang-kita na sweet at maalaga. Loyal din sana. Kaso wala ng loyal ngayon e, nang-iiwan na lahat.

"Bakit naman ako 'yung kailangan mo?" Nakangiti ko pa ring tanong. I really wonder kung bakit ako ang kailangan niya.

"Kailangan ba may dahilan? Required iyan?" I shrugged.

"I just want to know." He nodded.

"Crush kita." Lumawak 'yung ngiti ko. Nice. Crush ako ni Xzayvian.

Pero parang ang gara naman. Crush lang tapos ikaw na agad 'yung kailangan?

"Weh? 'Di nga?" He smiled.

"Yes. I like you." Pero 'di ko maiwasang kiligin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, ang cute nya kasi, siguro? Para siyang elementary na nagco-confess sa crush niya.

"Kailan pa?"

"Una kitang nakita." He said.

"Dito sa bahay niyo?" He shook his head. Ha? Saan? Nakita ko na ba siya rati? Baka nga, at hindi ko lang matandaan, knowing me, ulyanin na kahit bata pa lang. "Where? Nagkita na ba tayo rati?"

Oh! Baka naman 'yung sa gymnasium?

"Actually, I already saw you somewhere, and... that's the time that I started to like you." Napapangiti talaga ako, e. Sino ba naman kasing hindi? Ang guwapo ng nagco-confess sa'yo. Kung gusto lang din sana kita, papatulan talaga kita!

"Wow. Kaso... 'di kita crush, e." Hindi nawala 'yung ngiti niya pero halatang lumungkot siya, iyung parang nadown. Ang sama ko talaga.

"Lagi naman..." Hala! Nasaktan ko ba siya? Hindi ko naman alam na madali pala siyang masaktan.

"Sorry na. Hindi ko sinasadya..." Nagulat ako nang tumawa siya.

"Joke lang. Pero ang sakit pa rin mabusted, ah."

"Busted? Nanliligaw ka ba?" He creased his forehead.

"Isn't it obvious?" I laughed.

"Nanliligaw ka pala! Bakit kasi be my girlfriend agad iyung tanong mo? Dapat ay can I court you muna." He shrugged again.

"Mabilisang panliligaw tawag doon. Anyway, sinasagot mo na ba ako?" Natatawa talaga ako sa kanya. Hindi siya sanay manligaw, I'm pretty sure of that.

"Teka, ano muna iyung just for two weeks?"

"Kasi, tulad nga ng sabi mo kanina, hindi mo naman ako gusto o crush, so... two weeks lang. Try lang. 'Tsaka, kakabreak mo lang 'di ba? Minsan kasi ay naririnig ko iyung mga hikbi mo sa kwarto namin kaya... baka lang naman... makatulong ako sa'yo, na makamove on ka..." He explained. Unti-unti akong napatango. Pwede nga. May point siya.

The Two Weeks Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon