Chapter 8

842 26 1
                                    

Five pa lang ng umaga ay gising na ako. Feeling ko nga, para na akong adik, e. Nakatatlong tasa ng kape na rin yata ako. Hindi rin ako mapakali sa isang puwesto, lakad ako nang lakad. Si Xzayvian kasi, e! Ipapakilala raw ako sa parents niya ngayon tapos ganito 'yung itsura ko? Hindi nga ako makatulog kasi anong sasabihin ko sa parents niya? Mukha pa namang mayaman sila Xzayvian kasi may kotse siya, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sa apartment lang sila nakatira ni Xsen. Pero kahit na, mayaman pa rin sila at kinakabahan pa rin ako.

Nang magseven am na, nagluto muna ako ng pancit canton tapos naglaga ng itlog para kainin. Binuksan ko rin iyung TV at nilagay sa Unang Hirit. Wala pa bang cartoons? Detective Conan? Ang tagal naman. Pagtapos kong kumain, naglinis muna ako ng bahay, halos mapangiwi ako nang makita ko iyung labahin. Hindi pa nga pala ako nakakapaglaba! Ano ba iyan. Natambakan na naman ako.

Naligo na rin ako at nagbihis lang ng pajama at white t-shirt. Para kasing init na init ako, hindi ako mapakali sa katawan at kinatatayuan ko. Pagbalik ko sa sala, simula na iyung Detective Conan, sa wakas. Nakatitig lang ako sa TV ko at tinitingnan bawat suspect, may pangalan pang nakalagay, 'di ko naman mabasa dahil ibang language. Sino iyung pumatay? Parang ang galing lang ng suspect kung sino man siya kasi walang nakakita o nakahalata. Lahat sila nasa iisang lugar lang nang mangyari iyung kahina-hinalang putok ng baril.

"Luan?"

"Ay, baril!" Napatingin agad ako sa pinto, nandoon si Xzayvian at nakangiti pa sa akin ng alanganin. Ginulat niya naman ako.

"You okay?" I nodded. "Sorry, ah? Binuksan ko na iyung pinto, bukas naman kasi 'tsaka kumatok naman ako kaso walang nagbubukas..." Sabi niya at kinamot 'yung batok niya. Napakamahiyain talaga nito. I smiled.

"Okay lang. Kumain ka na?" He shook his head.

"Hindi pa, pero kakain na rin ako, gusto ko lang sana na tanungin ka kung kumain ka na para sumabay ka na sa amin ni Xsen," tumayo ako at binigyan siya ng upuan.

"Kumain na ako, kayo na lang ni Xsen ang magsabay." Tinanggihan niya lang iyong upuan kasi aalis din naman daw siya agad kaya ginilid ko na ulit.

"Ah, sige..." Tipid siyang ngumiti at akmang isasara na iyung pintuan nang tinawag ko ulit siya. "Ano 'yun?" Naiisip ko lang, ba't ba tuwing kaharap ako ni Xzayvian para siyang makahiya na unti-unting tumitiklop.

"Iyong sa ano... about doon sa chat mo sa akin kagabi, tuloy pa rin ba?" I smiled awkwardly, ayan, nagaya na rin tuloy ako sa pagkamahiyain ni Xzayvian.

"A, e... ikaw, I mean, ikaw bahala... okay lang ba?" Para akong naalarma bigla, okay nga lang ba? Okay lang ba na ipakilala niya ako sa parents niya? Well, kung iisisipin, ang saya lang noon kasi aasahan mong loyal at mahal na mahal ka talaga ng boyfriend mo kasi gusto ka niyang ipakilala sa parents mo pero... two weeks lang naman 'to, 'di ba? Paano kapag nagbreak na kami tapos hanapin ako ng Mama niya, anong sasabihin niya? Baka isipin ng Mama niya na laro-laro lang 'to sa amin.

"Ikaw ba? Gusto mo ba talaga akong ipakilala sa parents mo?" Kasi baka naman hindi niya talaga gusto or napipilitan lang siya kasi masyado siyang mabait.

He took a deep breath and smiled at me. A genuine one. "To tell you the truth, yes. I want you to meet my parents and my parents to meet you."

"Bakit? Bakit gusto mo?" It took a minute before he answered my question. He looked directly at my eyes.

"Kasi mahal kita," and that made me speechless.

Hindi ko alam ang tamang mararamdaman ngayon, nakasakay ako sa kotse ni Xzayvian papuntang bahay nila. Hindi na ako kinakabahan, siguro... dahil na rin sa sinabi niya sa akin kanina, na mahal niya ako. Siguro, dahil doon, napanatag na rin ako na kaya gusto niya akong ipakilala ay hindi dahil nakokonsensya siya kundi dahil mahal niya ako.

The Two Weeks Relationship Onde histórias criam vida. Descubra agora