Chapter 13

721 26 2
                                    

This is our 10th day.

Ang bilis ng araw... Apat na araw na lang at aalis na ako, paalam Pilipinas. Mamimiss ko ang kainitan dito at lahat-lahat ng bagay dito... at syempre si Xzayvian. Wala, nahulog talaga ako sa kanya. Kasalanan niya 'to, e! Ang bait niya kasi masyado sa akin, ayan tuloy, hulog na hulog na ako tapos hindi pa ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita.

Paasa siya! At ako naman si umaasa... hay. Sabi ko nga kasi dapat ay hindi muna ako agad pumasok sa relasyon hangga't hindi pa ako masyadong okay kay Alex. Pero ngayon naman ay wala na talaga... I thought, ilang taon ang kakailanganin ko para makapagmove on sa kanya pero hindi rin pala. Nandiyan kasi si Xzayvian... He helped me. Pero kung wala siguro siya, baka hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako tuwing makikita o maiisip ko si Alex.

Sobra kasi ako pagna-in love! Katulad ngayon... Ano ba naman kasing puso ito? Mabilis pa naman mafall ito lalo na sa mga mababait na tao kaya hulog na hulog ako kay Xzayvian, e! Ganoon din kay Alex, ang bait niya kasi sa akin...tapos nag-assume ako na gusto ko siya, I confessed at him... He confessed, too. And that's it, kami na. Niligawan niya pa pala ako ng 2 months 'tsaka ko siya sinagot.

Kay Xzayvian? Hindi na kailangan 'yun. Two weeks na nga lang iyung relasyon namin tapos liligawan niya pa ako, sayang lang sa oras iyon at sure naman ako na mahal niya talaga ako, ang bilis ko kasing mapaniwala sa mga sabi-sabi, e. Sabi nga ni Xzayvian, may tiwala siya sa akin, dapat sa kanya muna ako nakikinig at hindi sa iba.

"Masyado ka kasing mabait!" Pinalo ko si Carlo.

"Lagi na lang iyan 'yong sinasabi mo sa'kin! E, ano bang masama kung mabait ako? 'Tsaka... hindi naman talaga ako mabait, ah..." he made a face.

"Anong hindi? Sabihin mo nga tangina?" I pouted.

"Napakasama talaga niyang bibig mo, susumbong kita kay Carla, e..." Pinanliitan niya ako ng mata at tinuro-turo.

"Iyan! Sobrang bait mo, hindi naman masamang magmura kasi... basta minsan-minsan lang." He grinned. Ay, ganoon pala iyon?

"Napakagandang paniniwala naman niyan, Carlo." I sarcastically said. He rolled his eyes.

"Eww. I'm not Carlo, I'm Carla." Tinawanan ko siya.

"Isusumbong talaga kita kay Carla! Magbago ka na kasi... Malay mo, bukas magka-anak na kayo." Bigla siyang umarte na nandidiri.

"Yuck. Kilabutan ka nga sa sinasabi mong bakla ka, hindi ko gusto 'yung babaeng iyon. Siya lang 'yung may gusto sa akin." Magsasalita sana ako pero napakagat na lang ako sa labi ko nang makita ko si Carla sa counter na tumitingin-tingin. O-order yata.

"May costumer," I said.

"Ah, wait lang. Ako na magtatanong ng order niya," hindi niya kasi nakita kung sino 'yung costumer dahil nakatalikod siya sa counter tapos ako iyong nakaharap. Good luck, Carlo.

Bandang 5pm, nagpaalam na ako kay Carlo na mag-a-out na ako. Uuwi na ako, ang sakit ng ulo ko tapos parang nahihilo pa ako. Ewan. Mula nang magbandang four, nakaramdam na ako ng sakit ng ulo tapos hilo pero uminom na naman ako ng gamot kaso hindi naman nawala.

"Isakay na kita ng tricycle," suggest niya. Tumango lang ako. Pinara niya ako ng tricycle at isinakay, siya na rin ang nagsabi ng address ko at nagbayad. Nagkautang pa tuloy ako sa kanya, pinicturan niya pa iyung plate number nung tricycle. Talaga 'tong si Carlo, ang daming alam, para namang kikidnapin ako nang tricycle, e, wala nga akong pera na kadala-dala. Fifty pesos lang itong nasa wallet ko.

Pagdating ko sa compound namin, bumaba na agad ako. Para ngang bagong gising akong naglalakad, 'yung tipong inaantok pa. Ang sakit talaga ng ulo ko. Ang init kasi, nadaanan ko pa iyung bahay nila Xzayvian, nakita ko siyang nakatayo roon sa may pintuan at nakatingin sa akin. Tumigil ako saglit at tiningnan siya pero bigla siyang pumasok sa kanila at sinarado iyong pinto.

The Two Weeks Relationship Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum