Chapter 10

772 25 4
                                    

"Got you."

Nagkatinginan pa kami... Tapos sabay na tumawa. Mga baliw talaga kami. Inayos ko iyung tayo ko at ngumiti sa kanya.

"Salamat," he chuckled.

"Always welcome." Ilang segundo pa kaming nagkatinginan hanggang sa ako na ang unang bumitaw at nagpatuloy na lang kami sa pagtuturo niya kung paano magbike. At dahil hirap na hirap ako matuto dahil feeling ko anytime ay sesemplang ako, kinuha na namin iyung bike niya nung bata pa siya, ang galing nga, e. Buo pa. Ang ingat naman sa gamit nito, natalo pa ako.

"'Wag mo munang bibitawan, ah..." I heard him chuckled. Ba't parang nagsitaasan iyong balahibo ko?

"Copy that," pumidal na ako, hawak niya pa rin iyung bike. I closed my eyes.

"Bitaw na."

"You sure?" I just nodded. Ayokong sumagot dahil baka magbago pa ang isip ko. Naramdaman ko na lang na wala na siya sa likod ko, napakagat na lang ako sa labi ko at tuloy-tuloy na pumidal. Kaya ko 'to.

Ilang segundo pa akong pumipidal nang mapansin ko na hindi ako nasesemplang. Wow. Sanay na ako magbike? Tama ba? Sanay na ba ako magbike? Imulat ko na kaya 'yung mata ko? Hanggang ngayon nakapikit pa rin ako, natatakot kasi akong dumilat dahil baka masemplang ako.

"Luan! May bato!" Ha?

"Hala!"

"Uy! Okay ka lang?" I pouted.

"Syempre, hindi." Halos maiyak-iyak ako dahil sa pagkalaglag ko sa bike, ang sakit ng tuhod ko 'tsaka kamay. Tumalsik yata ako sa bike, e, tiningnan ko iyung bike na ginamit ko. Buti ay hindi nasira. Kundi, baka magbayad pa ako nito kay Xzayvian, wala pa naman 'yung suweldo ko sa café.

"Tara sa bahay... Gamutin ko iyong sugat mo," napakagat na lang ako sa labi ko nung hawakan niya 'yung tuhod ko kaya sinagi ko agad iyun para tigilan niya na.

"Masakit,"

"Ah, sorry." I just nodded. "Buhatin kita?" I immediately shook my head.

"Ano ako, bata? Kaya ko na sarili ko." Tinukod ko 'yung braso ko sa balikat niya tapos tumayo ako. "See?" Kaso bigla siyang lumayo kaya napaupo ako. Ang sakit! Iyong puwet ko, si Xzayvian kasi, e. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya nang tumawa.

"Akala ko ba kaya mo na sarili mo?"

"Padantay lang naman!" Singhal ko sa kanya.

"'Di mo naman kasi sinabi... oh, tara na." Lumapit siya sa akin pero tinulak ko lang siya.

"Ayoko na sa'yo. Magara ka," inis na sabi ko sa kanya. Inipon ko na lang iyong buong lakas ko para makatayo kahit ang sakit ng tuhod ko, pagtalsik ko kasi sa bike, iyong kamay 'tsaka tuhod ko ang unang lumanding sa lupa. Ayan tuloy, mangingiyak-ngiyak ako rito.

Iika-ika akong naglakad. Kaya ko 'to, konting lakad lang naman ang bahay dito nila Xzayvian tapos lakad ulit na madami. Char. Malapit lang talaga bahay nila rito sa pinagpa-practice-an naming magbike.

Nararamdaman ko siya sa likod ko na nakasunod. Bahala siya diyan, kasalanan niya naman, e. Bigla ba namang umalis! Kitang nakadantay ako sa kanya.

"Ay!" Naramdaman ko agad iyung kamay niya sa bewang ko. Ano ba namang paa 'to, bigla-bigla na lang natatapilok.

"Mag-iingat kasi," inismiran ko lang siya, inalis ko iyung kamay niya sa bewang ko tapos naglakad na ulit. Hindi na yata siya sumunod sa'kin, lumingon ako, nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya. Naestatwa na yata roon.

Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad ko. Bahala siya roon.

Pagdating sa bahay nila, pinapasok naman agad ako nung guard. Tapos papasok na sana ako nang maisip ko na ba't nga ba ako nandito? E, kaya lang naman kami pumunta rito dahil kukunin iyong bike ni Xzayvian. Kaya lumabas na ulit ako ng gate pero hinarangan niya naman ako.

The Two Weeks Relationship Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang