Chapter 9

756 28 2
                                    

Sayang. Hindi natuloy 'yung pagba-bike namin ni Xzayvian dahil umulan kaya nagstay na lang kami sa bahay nila at nanood ng TV. Akala ko pa naman ay matututo na akong magbike, hindi pa rin pala. Pero bukas, sabi niya naman ay tuturuan niya na raw talaga ako kahit na umulan pa raw, papayungan niya raw ako basta matuto lang akong magbike. Napangiti na lang ako.

Ang bait niya talaga, sino ba namang hindi mahuhulog sa lalaking 'to? Napakadaming alam, matatameme ka na lang kapag kasama mo, e. Pero naisip ko lang, posible kaya akong mahulog sa kanya kahit na tingin ko kay hindi pa ako tuluyang nakakamove on kay Alex? Just thinking. Tingin ko kasi... hindi malabong magkagusto ako sa kanya, e.

"Chess tayo?" Napatingin ako sa kanya.

"Sanay ka?" He nodded. "Hindi ako sanay, e." Ngumiti siya at napailing na lang. Seriously, ba't ba siya ganiyan ngumiti? Mabilis akong makakamove on kay Alex nito, e.

"Turuan na lang kita, sayang kasi iyung time, e." My forehead creased.

"Ba't sayang?" Tumayo siya at pumunta sa may cabinet sa gilid, binuksan niya iyun at kinuha iyung gagamitin namin... kung tuturuan niya ako. Pero sabi niya ay tuturuan niya raw ako, kapag tumagal pala siya na turuan ako.

"Two weeks lang naman tayong magkasama, pangatlong araw na ngayon tapos mamaya ay uuwi ka na. E 'di bukas, pang-apat na araw na. Ilang araw na lang? 7 days," he stopped then sighed. "Ba't ba kasi ang bilis ng araw? Tapos parang nananadya pa, tuwing kasama kita 'tsaka mas bumibilis..." Natawa na lang ako sa kanya. Ang cute niya kasi, para siyang bata na inis na inis sa buhay.

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "It's okay. We can extend our 'two weeks relationship' if you want," sumilay ang isang ngiti sa labi niya pero bigla rin iyun nawala.

"'Wag ka ngang paasa. Aalis ka kaya pagkatapos ng two weeks." Ay! Oo nga pala. Susunduin na nga pala ako ng Tita ko para sa China na ipagpatuloy ang aking buhay.

"Sorry na... pero, promise, gagawin natin lahat ng bagay na gusto mo bago matapos ang two weeks." I smiled at him.

"Weh?" Nailing na lang ako. Para talagang bata. He grinned. "Kahit... medyo bastos?" My eyes widened. Pinalo ko siya sa braso, ang lawak ng isip niya. Grabe. "Joke lang naman. Tinry ko lang naman na i-suggest, baka makalusot." Pinanliitan ko lang siya ng mata. He pinched my nose.

"Tama na, masakit." Tinanggal niya agad at tiningnan ako na parang nag-aalala.

"Nasaktan ka?" Kumunot iyung noo ko.

"Ha?"

"Nasaktan ka ba?" Ulit niya. I slowly shook my head. He sighed. "Buti naman. Sorry, hindi ko na uulitin." Ano raw? Hindi ko siya gets, ah.

"Ang alin? Alin ang 'di mo uulitin?"

"Iyong pagpisil ko sa ilong mo," he said then shyly smiled. I laughed.

"Iyon lang pala. Okay lang, 'no."

"Baka masaktan ka ulit." Napa-okay na lang ako. Ang weird talaga minsan ni Xzayvian, may nakain na naman yatang kung ano, kung anu-ano sinasabi, e.

Inayos niya na iyung chess game pieces, white akin tapos black iyung sa kanya. Pinaliwanag niya muna sa akin iyung mga tawag doon sa inayos niya. King, Queen, Rook, Bishop, Knight, at Pawn. Pinaliwanag niya rin sa akin kung paano iyung galaw nung bawat game pieces at sinabi niya rin na bawal makain iyong King, kapag nacheckmate na raw iyon, talo na raw ako pero kapag check lang daw, hindi pa. Sabi niya rin sa akin na 'wag ko raw basta ipakain 'yung Queen ko kasi malaki raw iyung pwedeng itulong sa'kin noon.

Tapos, habang tumitira raw or nag-iisip ng igagalaw 'yung kalaban ay mag-isip na rin daw ako ng igagalaw ko o iyung magiging strategy ko para hindi na raw ako mahirapan kapag ako na iyung titira. Nasayahan naman ako sa pagtuturo niya, para siyang teacher na nagpapaliwanag sa kindergarten kasi sobrang ingat niya sa pananalita at saka sobrang hinahon.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now