Prologue & Chapter 1

28K 536 28
                                    


Date Started: October 13, 2018
Date Published: September 9, 2019
Date End: August 18, 2020

Copyrights

Hellow there! So 'yon nga naisipan kong i-edit ang mga mali-mali nito dahil first story ko po talaga ‘to! So kung may mabasa man kayong maling grammar! Kasalanan ko na yon. Hindi po to bihasa sa
English kaya trying hard lang po talaga. So 'yon nga please read and feel the emotion behind this story! 'Yon lang talaga sasabihin ko.

[FULLY EDITED]

*******

P.R.O.L.O.G.U.E

Isang babae na walang modo.

Masungit pero mabait,

Cold pero topakin.

Maangas pero busilak ang puso.

Matalino at palaban.

Maganda at maputi.

Oo, lahat ay nasa kanya na.

Naniniwala siya sa love story subalit hindi sa fairytale.
Sabi pa niya 'istoryang pambata', 'walang magic na nag eexist' lang daw ito pero,
Paano kung isang araw paggising mo ay wala ka na sa iyong mundo.

Naniniwala ka ba na na nag-eexist ang magic?

Sa kanyang pagpasok sa Akademya marami siyang matutuklasan at makukuryusan sa kanyang pagkatao.

Paano kung ikaw pala ang matagal na nilang hinahanap/hinihintay?

Tatanggapin mo ba ang obligasyon mo o tatanggihan?

***
CHAPTER 1
Meet Her


"How many times that I told you Demi, that..." I cut mom babling, naiirita na ako dahil araw-araw na lang niya akong pinagsasabihan.

"And how many times that I told you Mom that I can't." inis na sagot ko bago tumayo sa couch. Umalis na lang ako do'n at baka ano pa ang masabi ko kay Mommy.

Araw-araw na lang niya akong pinagsasabihan para lang umalis lang ako sa kalokohang ginagawa ko ‘raw’ but I can't leave it just like that. Umakyat ako sa aking kwarto tyaka na nagbihis dahil may klase pa ako. REIGHN DEMITRIA ASHFORD is my name and 17 years of age.

Bago ako lumabas sa aking silid ay tiningnan ko muna sa salamin ang buo kong katawan. Kaharap ko ngayon ang babaeng may malaporselanang kutis, mahabang buhok na kagaya ng dilim ng gabi ang kulay, masingkit at mahabang pilik mata, matangos na ilong, at mala-rosas na labi. Ibig sabihin ay ako.

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now