Chapter 51:Masamang Pakiramdam

3.3K 120 10
                                    

RANKS
#414 in Light
#216 in Fairies
#24 in Stone
#119 in Elemental
#445 in Powerful

Yieeee magdiwang!!!!😊😊



----------

Van POV

Nanonood lang kami sa mga pinag uusapan ng kambal ko at ng mga taksil.Hindi ko alam kung napapraning lang ba talaga ako o nababahala.Kanina ko pa kasi nararamdaman na may hindi magandang mangyari.

Tiningnan ko sa kabila sina Headmistress na nakatanaw lang din kina Demi.Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya lumingon din siya sa akin.Biglang nangunot ang kanyang mga noo ng makitang may mali akong nararamdaman.

'What's the problem Van?'usal ni Headmistress using a telepathy.

'May nararamdaman akong may hindi magandang mangyayari,HM'

"Ano naman iyon?"

'Maaari bang bumalik kayo ng mga council sa Akademya?Dalhin niyo na rin ang ibang mga estudyante'

'Bakit?'

'May hindi magandang mangyayari sa Akademya ngayong gabi,natitiyak kong may trahedyang may magaganap doon'

Hindi na muli siyang nagtanong subalit tumango naman.Nakita ko namang kumunot ang noo ng mga council at ng ibang mga estudyante pero sa huli ay sumunod din sila.

'Mauna na kami Prinsipe'

'Kami na ang bahala dito,HM'

'Mag iingat kayo'

'Mag iingat din kayo pabalik'

Yan na ang huling pag uusap namin ni HM at maingat na umalis.Napakunot noo namang tiningnan sila ng mga kasamahan ko.

"What's going on?" Bulong ni Carl sa amin.Ganon din ang mga reaksyon ng iba naming kasamahan.Ginamit ko ang telepathy at kinuwento ko sa kanila ang naramdaman kong panganib.Bigla nalang sila nabahala at tiningnan si Demi na nakikipag usap parin sa kalaban.

"Anong mangyayari kaya mamaya?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Thunder nang may nakita akong Darkian na nagmamasid kay Demi.Hanggang sa may narinig akong pagsabog.

Napalingon ako sa aking kambal na nakatayo parin at sina Leona na may hawak na espada.Sa kabilang kamay nito may itim na usok na lumalabas.Kagaya niya ay ganon din ang mga kasamahan niya.

Kahit nababahala kami ay di kami lumalabas hangga't hindi pa kami binibigyan ng sign ng kapatid ko.

May mga barrier na pomoprotekta sa kanya laban kina Leona.Agad naman nilang sinugod si Demi pero hindi nila ito malapitan.Tinatawanan lang sila ng kapatid ko.And then minutes pass my mga darkian na lumabas.Siguro mga limampo ito.

"Yan lang ba ang kaya mo?Ang umasa sa kapangyarihan mo?" Rinig kong usal ni Lucas habang sinusugod parin si Demi kasama ng mga Darkian.Dahil nga sa napakapikon nitong kambal ko agad niyang inalis ang barrier na pumapalibot sa kanya at hinarap ang mga kalaban.

Lalabas na sana si Louise kaya naman mabilis kong hinawakan ang braso niya kaya naman napalingon siya sa akin.Umiling ako sa kanya na ikinabuntonghininga niya.Hindi pa humihingi ng tulong ang kapatid ko kaya kapag nakialam kami sa kanya kami ang pupuntiryahin niya.

Ilang beses ko nang nasaksihan kung paano lumaban si Demi pero tuwing nakikita ko siyang nakikipaglaban ay naamaze parin ako.Ang limampong darkian na kasama nina Leona kanina ay agad nang naubos at ngayon sina Leona,Lucas,Mikaela ang kaniyang kinakalaban.

Cloud Academy: Lost PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora