Special Chapter

3.8K 138 6
                                    

Q:Ba't po bitin?
A:Kasi po plano ko talagang bitinin.Hehe sary.

Q:May kasunod pa po ba?
A:Yes!Nasa ilalim po nito.

Q:Nasan po sina Demi at Kurt?
A:Pakibasa po ng Special Chapter sa Baba

Q:Anong nangyari 5 years ago?
A:Nasa baba po ang sagot.

May tanong pa po ba kayo after mabasa ito?

**********

5 Years Ago
[After the War]

Nagising ako sa isang lugar na madilim.Walang lupa at walang langit.Lahat ng nakikita ko ay puro dilim.Tiningnan ko ang kamay kong nagliliwanag.

Nagtataka ako kung ano ang nangyari sa akin.

Ano ba ang nangyari sa'kin at bakit ako nandito sa madilim na lugar na 'to?.

Sino ba ako?

Ano ba ang pangalan ko?

"Demi!!!" Napalingon ako sa buong paligid.

May narinig akong boses na familiar sakin pero hindi ko maalala kung kaninong boses ba yon.

Wala akong maalala.

"Demi!!Gumising ka!" Nilingon ko ulit ang pinanggalingan ng boses ngunit wala akong nakitang taong nandoon.

Sino ba ang Demi na tinatawag nila?

Wala namang tao dito maliban sakin.

Napahinto nalang ako sa napagtanto.

Baka ako ang Demi na sinisigaw nila.Naghintay pa ako ng ilang minuto nagbabakasakaling may tumawag ulit ng pangalan ko.Ngunit nanlumo nalang ako dahil hindi na 'yun nasundan pa.

Naupo nalang ako at niyakap ang tuhod ko,nakaramdam na rin ako ng takot mula sa dilim.

"Hindi ka na makakaalis dito,Prinsessa" nilingon ko ang isang bahagi ng lugar na 'to.May nakita akong anino ng taong papunta sa kinaroroonan ko kaya napatayo ako.Nakaramdam ako ng pag asang makaalis sa lugar na 'to.

"Tulong!!!,tulungan mo ko" nangangausap kong sabi papunta sa kaniya gamit ang pagtakbo ngunit napahinto ako dahil may dala itong itak.Nakatingin siya sa akin na may nakakatakot na mukha at nakahanda ang itak nito papunta sakin.

"Mamatay ka na,Prinsessa.Mamatay ka na!!" Nagsimula nang magsipatakan ang mga luha ko.

Ayoko!

Ayokong mamatay.

Hinihintay nila..niya ako!.

"Hindi!!!.Lumayo ka sakin!" Sigaw ko at agad na tumakbo papalayo sa taong nais akong patayin.Hindi pa ako mamamatay.

Hinihintay pa nila ako.Hinihintay pa niya ako.

"Papatayin kita!Papatayin kita kagaya ng pagpatay mo sa ama ko!!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa babaeng nais akong patayin.Tumutulo ang mga luha ko dahil sa takot.Bakit niya ako papatayin?.Wala akong ginawang masama sa kanila.

Hindi ko nga maalalang san ako galing!Kung ano ako.

Ang tanging alam ko lang Demi ang pangalan ko galing sa boses na tumawag sakin kanina.

"Hindi ka pwedeng makalabas dito ng buhay!" Pinahiran ko ang mga luhang nasa pisngi ko.Napangiti nalang ako ng may nakita akong liwanag mula sa madilim na lugar na 'to.

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now