Epilogue

3.9K 125 12
                                    


Lahat ng tao ay naghahanda,masaya ang lahat at makikita ang tuwa sa kanilang mukha.Maraming mga kababaihan ang nagkukwentuhan kung ano klaseng damit ang kanilang susuotin sa darating na pagdiriwang ng palasyo.

"Hindi na ako makapaghintay sa pagdiriwang"

"Imbitado lahat ng tao sa pagdiriwang?"

"Nagagalak akong maimbita sa Palasyo"

"Sana ako ang mapili ang Prinsipe"

"Mga mamahaling damit at kagamitan ang aking susuotin mamaya para magustuhan ako at mapili ng Prinsipe"

Ilan lang yan sa nga naririnig na usap usapan sa buong mundo ng Magic World.

May pagdiriwang kasing magaganap sa sa sentro ng Anim na kaharian,kung saan ipapakilala ang bagong tagapagmana ng trono at pagpili sa pagiging asawa nito.

"It's been 5 years" bulong ng isang Prinsipe habang nakatingin sa labas ng bintana.Makikita ang kalungkutan sa mukha nito habang inaalala ang nakaraan.

"I miss my twin" isang butil ng luha ang lumabas sa kaniyang mga mata na agarang naman nitong pinahiran.

Marami ang nagbago pagkatapos ng 5 taon,pagkatapos ng Digmaan.Ang mga estudyanteng nakasaksi ng digmaan at buhay ay pinarangalan ng Akademya habang ang mga Royalties naman ay nagbago.

Ang Zade noon na dating masayahin ay naging isang babaero at palaging kaharap ang away.Ang Thunder noob na pasaway ay naging tahimik at naging pilosopo.Ang Louise noon na makikitaan ng konting ngiti sa labi ay palaging pikon at lumayo sa kaibigan.Si Kurt na hindi palasalita ay hindi na nakita pagkatapos ng digmaan.Pinaniwalaan nila itong patay na ngunit dahil walang pruwebang ipinapakita ay patuloy paring pinapahanap ng kaniyang mga magulang.Si Sirene na isang mabait ay naging isang war freak at maldita na.

Lahat sila ay nagbago dahil sa naranasan sa digmaan.Hindi nakayanan ng kanilang konsensiya at pagsisi sa sarili kaya naging rebelde ang mga ito.

"Hindi ka pa ba magbibihis anak?" Napalingon ang Prinsipe sa kaniyang ina at nginitian,tumabi sa kaniya ang reyna ang tiningnan din ang madilim na kapaligiran.

"Mamaya na ho" ani nito,hinawakan ng Reyna ang kaniyang braso kaya napalingon siya dito.Gulat siya ng makitang umiiyak ang kaniyang ina habang kaharap siya.

"Sana piliin mo ang nararapat para sayo,hindi ka namin pipigilan anak" ani ni Reyna na ikinangiti nito.Nilingon niya ulit ang madilim na kapaligiran."I will mom"

"Basta tandaan mo,nandito lang kami para sayo at alam kong binabantayan ka rin niya mula sa kalangitan" niyakap nito ang kaniyang ina at agad na nagpasalamat.Ilang saglit pa at lumabas ang Reyna na may ngiti sa labi.Ngayon niya lang ito ulit nakitang ngumiti sa loob ng limang taon.

Nang malaman kasi ng Reyna na patay na ang Prinsessa ay nawalan ito ng malay at palaging nakakulong sa kwarto at umiiyak.Sising sisi siya sa nangyari noong araw na 'yun.Siya dapat ang namatay at hindi ang kambal nito.

"I wish you're here,my twin"

----

"Please let's welcome,Queens and Kings together with Royalties"

Lahat ay nagpalakpakan nung lumabas ang mga hari at reyna ng anim na palasyo.Kasama nila ang kani kanilang mga anak na walang pakialam sa mundo.Lahat ay nagtataka sa pagbabago ng mga Royalties ngunit wala silang sinasabi dahil sa takot na sila ang mapagdiskitsahan ng mga ito at mapasok sa gulo.

Cloud Academy: Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon