Chapter 47:Run,Jade,Run

2.8K 115 3
                                    


Van Pov

"Guys,ready?" Napatango silang lahat saka isinukbit na ang mga bagahe.Pupunta kami ngayon sa Dark Kingdom para iligtas sina Jade at Kurt.Napag isipan kasi naming mag kakaibigan na kailangang makuha namin sa lalong madaling panahon ang dalawa.Alam kong pinapahirapan na sila ngayon doon.Konting gamit lang ang dala namin,at lahat ng 'yon ay gagamitin namin sa paglalakad.Sa aming lahat si Zade ang may malaking dala ng bagahe.At ang laman non ay puro pagkain.Ganyan kapatay gutom ang gunggong na 'yon.

Si Sirene,di pa nagigising.Si Demi naman ay natutulog pa sa Dorm niya.

Carl,Thunder,Zade at ako lang ang nagplano ng lahat ng ito.Di na namin sinama si Louise dahil alam din namin na hindi sasama 'yon.Walang ni isa ang nakakaalam na pupunta kami doon.Wala din kaming pinagsabihan dahil kapag nalaman ni Headmistress ang planong to ay pipigilan kami.

Alam din namin na delikado ang gagawin namin pero para kay Demi at sa mga kaibigan naming binihag ay,gagawin namin ito.Ayaw naming mapunta lang sa kalaban na basta basta si Demi.Hinding hindi kami papayag.

Sumilip muna ako sa tarangkahan kung may gwardya ba o wala.Saka nagmuni muni kung may paparating bang mga gwardya.

"Clear" sabi ko na nagmuni muni parin.Planadong planado ang gagawin namin to nagsitakbuhan na kami palabas ng tarangkahan saka nagsitanguan na.

"Start the plan"

Tinahak at tahimik na kaming naglalakbay sa gitna ng kagubatan.Nagmamanman sa paligid.Bawat isa sa amin ay maingat.

-------

"Gutom na'ko" binatukan naman ni Thunder si Zade dahil sa pagreklamo nito.Hindi pa nga kami nakakalahati ng lakad gutom na siya?Aba!."Wala pang kalahati ang nilakad natin/ulol!!" ngumuso nalang ito at napakamot ng batok.Ganyan si Zade,pagkain lang palagi ang inaatupag.Tsk!!!

Napailing ako sa kakaisip bata nitong si Zade.Ang tanda tanda na pero napakabatang mag isip.Daig pa ang sanggol .😒Hindi din naman siya mamamatay sa gutom diba?Wala pa ngang dalawang oras ang paglalakad namin.

"Magpatuloy tayo" sabi ni Carl.Seryoso ito habang naglalakad.Alam kong nag aalala na rin to sa kalagayan ng kambal ni Zade.Aba!Sino ba naman ang di makakahalata sa unggoy na to?Di daw gusto pero alalang alala.

Yan ang torpe!

Tsk.Denial ang lalaking to!May gusto lang din naman kay Jade.Naglakad kami ng naglakad hanggang sa nakaramdam na kami ng gutom.

"Gutom na talaga ako" sabi na naman ni Zade habang nakahawak sa tiyan niya habang nakanguso.Nauna siyang umupo sa malapit na ugat sa kanya at nagdadabog.Ganyan ka isip bata ang tarantadong yan!.Wala na rin kaming magawa kundi ang maupo nalang sa ugat ng isang malaking kahoy.Nakakapagod.

"Kumain na muna tayo"

"Yes,makakakain na ako" sabi nito saka nag umpisang kunin ang dalang pagkain na dala niya.Nagkatininginan muna kami ng kasamahan ko saka napailing nalang.

"Ulol" sabay na sabi naman ng dalawa kung kasamahan.Umupo narin sila at katulad ni Zade ay kumain na rin.Napatingin ulit ako sa kasamahan kong abala sa pagkain.Napaisip ako!Anong mangyayari sa papalapit na digmaan kapag nasa kamay nila si Demi?,mananalo parin ba kami sa kanila?Paano kung matalo kami?Paano kung sa kanila sasanib si Demi kahit nasa panig namin siya?Paano na kami?

Napabuntung hininga nalang ako sa naiisip.May tiwala ako sa kambal ko at alam kung di niya kami bibiguin.
Napasulyap ako sa tatahakin  naming daan.

Cloud Academy: Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon