Chapter 2: Know her

11.6K 400 2
                                    

[FULLY EDITED]

Third Person Point of View

Sa ilalim ng gabi. Sa isang abandonadong gusali makikita ang apat na taong pinaliligiran ng higit sa tatlumpo't katao. May mga hawak itong iba't ibang uri ng armas na nakakamatay. Bawat isa sa mga ito ay nakatingin ng may galit at inggit sa mga mata.

Ngunit sa mga mata ng taong pinalibutan nang napakaraming katao ay walang imik. Naghihintay lang sa unang kikilos na kalaban. Mga matang walang habas ng takot at nginig at ang nakakamangha pa man 'don ay ang mga ngiti nilang hindi maalis-alis sa labi.

"Ito lang ba ngayong gabi?" Parinig nito at agad na inayos ang kutsilyo sa pagkakahawak. "Ang boring naman kung ganon," dugtong pa nito.

"Makasabi akala mo naman magaling umasta ng kalaban," Pagkokontra naman ng kapatid nitong si Jade habang nagmamanman ng paligid. Hindi na rin umimik ang isa dahil hindi din naman nito matatalo sa bangayan ang kapatid.

Nang narinig iyon ng kabilang panig ay agad itong nainis at agad na sinimulan ang away ng dalawang panig. Apat laban sa napakaraming kaaway.

"Get ready, fools." suway naman ni Louise sa dalawa habang patingin-tingin sa katabing si Demi. Wala itong imik at seryoso lang ang makikitang expression sa mukha. Napailing ito. "It's starting." Dugtong nito at pinalabas ang dalawang baril at handa nang pindotin ang gatilyo.

Inilabas na rin ni Demi ang paboritong dagger at ibinato sa papalapit na kaaway. Tumama ito sa leeg ng kaaway na agad din nitong ikinamatay. Hindi na rin nag abala pang pansinin ng mga kasamahan nito ang ginawa ni Demi sapagkat nagsimula na rin silang kumitil ng buhay ng kanilang kaaway.

Isang oras ang nakalipas ng huling marinig ang mga tinig ng baril at hiyaw ng mga tao bago mawalan ng buhay. Maliban sa apat na taong nakatayo ay wala nang sino mang natira. Habol-habol ng bawat isa ang bawat hininga at hindi alintana ang bawat sugat na natamo.

"Salamat naman at tapos na!" Habol hiningang ani ni Jade at agad na napasalampak sa sahig kasunod si Zade na hindi na rin makapagsalita dahil sa malaking sugat na natamo mula sa kaaway. Si Louise na pinagmamasdan si Demi na naglalakad papunta sa pinuno ng kaaway na isa nang malamig na bangkay. Hinukay ni Demi ang bawat gamit ng bangkay hanggang sa may nakuha itong isang bagay na nais nitong kunin.

Pagkatapos nitong kunin ay siya ding pagtayo nito at hinarap ang tatlong ngayon ay nakatingin na sa kaniya.

"Let's go to the underground to register our new rank." malamig nitong naiya at naunang lumabas ng abandonadong gusali. Nagtinginan ang tatlo at hindi nagdalawang isip na sundan ang babae at agad na nagtungo sa underground.

"Congratulations to the Four Star Group, you're rank well be risen into Top 49." anunsiyo ng isang tinig na nagmumula sa isang maliit na speaker.

"Sa wakas nakapasok na rin sa Top 50!" Masayang ani Jade habang pinagmamasdan ang bagong rankong nasa palad nito.

"Masaya ka na niyan jan?" Pagbibiro naman ng kapatid habang itinatago ang nais na lumabas na ngiti sa labi.

"'Wag ka na ngang magmaang-maangan jan, Zade. Masaya ka rin naman sa kaloob-looban mo e!" kontra naman naman ni Jade dito.

"Pinagsasabi mo? Hindi no!" pagtatanggol naman nito sa sarili.

"Anong hindi, tingnan mo nga 'yang mukha mo ng sabihin mong hindi ka nasisiyahan?"

"Just stop the two of you!" pagpapagitna na ni Demi. Tumahimik naman ang dalawa dahil dito. "Ngayon na nasa Top 50 na tayo, what is your next plan, Demi?" pagsisingit din ni Louise sa kasama.

"I don't have any plan yet." ani naman ni Demi.

***

Zade's Point of View

Nandito kami ngayon sa bahay kasama si kambal at Louise. Nakaupo sa sofa dahil may may pinag-uusapan kami.

"Paano natin siya mahahanap?" tanong ni kambal habang nakakunot pa ang noo, ang kaniyang kamay ay nasa ilalim ng kaniyang labi habang nag-iisip. Hayst! Ang cu--este ang pangit ni kambal kapag nakakunot ang noo.

"I dont know," sagot naman ni Louise habang humihigop ng kape niya. Naks! kay aga-aga e!

Pagkatapos nilang magsalita tiningnan nila ako ng sabay kaya napa 'what'-look na lang ako.

Napabuntong-hininga sila sabay iling. Oh! problema nila sa gwapo kong mukha? Naiingit ba ang dalawang to?.

'Childish.'

'Gunggung talaga.'

Nabasa ko 'yong mga isip ng dalawa kaya inirapan ko sila. Tsk! Hindi kaya ako childish at higit sa lahat hindi ako gunggong, sa gwapong mukha kong 'to?

Magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot sa harap namin si HM habang seryosong nakatingin sa amin.

"Bumalik na kayo sa Academy," O to the M to the G. Sh!t OMG! Hindi ako bakla ha. Yes! Makakabalik na rin sa wakas! Tiningnan ko 'yong dalawa, parang pinasakluban ng langit at lupa problema nila?

"Oh? bat di kayo masaya na babalik na tayo nang Academy?" nakangiting sabi ko sa kanila. Namiss ko na si my labs ko. Ngunit 'di nila ako pinansin at tumingin kay HM.

"Pero HM 'di pa tapos ang mission namin dito," sabi naman ni kambal. Hala ayaw niyang bumalik sa Academy? Hindi ba niya namiss mga kaibigan namin do'n?

"Forget the mission, kailangan niyo nang bumalik sa Academy, bukas na bukas din." aniya HM sabay laho. O my god makakabalik na rin kami sa wakas.

"Pano na 'to? Pano si Demi?" Napahinto ako sa kakadeydream ng maalala si Queen. Oo nga pala no?Paano namin sasabihin sa kanya? Ang hirap naman, kung pwede lang sana naming dalhin si Queen sa mundo namin. Yeah! narinig niyo naman diba? Mundo namin. Hindi kami tao kundi mga immortal kami na may mga powers. Napunta lang kami dito sa mundo ng mga tao dahil sa mission.

"Siguro magpapaalam na lang tayo mamaya sa kanya," sabi ni kambal tyaka umakyat na nang kwarto niya, ako naman pumunta na rin ng kwarto ko para magbihis. Pero hindi talaga ako makakapaghintay na makita ko si my labs ko.

Nagpalit na ako ng uniform ng Ashford University tyaka bumaba na pero teka lang kukuha pa ako ng candy ko sa cabinet.

-----

Don't forget by clicking VOTE
DOWN THERE!
👇👇👇

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now