Chapter 27:Mission Again?

5.9K 212 3
                                    


Demi Pov

"Mag iingat kayo doon kambal"sabi ni mommy sabay pahid ng luha niya .

Langya ang epic ng mukha ni mommy kapag umiiyak hehe.. tatlong araw lang kasi ang ibinigay sa amin ni HM para manatili dito sa palasyo saka babalik na ulit kami...

"Ang drama mo mom"sabi ko sabay yakap sa kanya kaya napayakap din siya sa akin...

"Honey payakap naman ako sa prinsessa natin"napatawa naman ako sa inasta ni Daddy saka niyakap din siya...

Yumakap din si Van kina Mommy at Daddy saka nagbeso naman ang anim...

"Eh kaming apo walang paalam?"napatin gin ako sa dalawa na nakabusangot saka nagdadabog haha..

"Apoy nakakalimutan na tayo nina Lolo at Lola"sabi naman ni Wateria sabay nguso..

Napapatawa ako sa kalokohan ng dalawang to..

"Syempre makakalimutan ba namin mga apo namin"sabi ni Mommy sabay yakap kina Flaire at Wateria ganon din ang ginàwa ni Daddy..

"Pano alis na kami Tita,tito"sabi naman ni Kurt Galonggong....

Napatingin naman sa kaniya sina Mommy at Daddy at ngumiti ng nakakaloko..

"O siya sige,basta pagbalik ninyo dito may apo na ako na kadugo ko na"sabi ni Mommy sabay kindat kay Kurt..

Napaiwas naman ako ng tingin ng tingnan ako ni Mommy

"Ehem,tita may mga anak na sila oh,dalawa pag dumami yan,nako mas lalo kayong tatanda kakabantay niyan"sabi ni Zads kaya bigla siyang binatukan ni Jade..

"May bata oh,ang bunganga mo"hahaha kambal nga talaga....

"O siya't maglakbay na kayo para maaga kayong makakarating ng Akademya"sabi ni Daddy...

Nagpaalam kami sa kanila saka sumakay na ulit ng karwahe...

At gaya ng pagpunta naming pwesto ganun pag uwi namin...

Nag anyong fairy na naman ulit si Wateria at si Flaire naman ay napapagitnaan namin..

Yawwwwwwnnnn

Naiisip ko nalang...

Bakit ba palagi akong naaantok??

"Momzkie naaantok ka po ba?"napatingin ako kay Flaire nang magsalita siya pero nginitian ko lang siya..

"No baby"sabi ko at pinisil ang mataba niyang pisngi...

Napatingin ako kay Kurt Galonggong nang maramdamang nakatitig pala siya sa akin...

"What?"irita kong sabi pero sa kaloob looban ko naiilang na.talaga ako ....

"Seryoso ako sa sinabi ko sayo kahapon"sabi niya sa akin..kaya umiwas ako ng tingin sa kanya...

Ibig sabihin seryoso siya sa ibig niyang manligaw???

"A-Ahm"sabi ko nalang.....

Nabigla nalang ako ng bigla niyang hawakan yong kamay kong nakaalalay kay Flaire na ngayon ay tulog na...si Wateria naman ay tulog na rin...

"I'm willing to wait"sabi niya at hinalikan yung likod ng palad ko saka binitawan na...

Nag iba na siya ng tingin...

T-Totoo?

Seriously??

Walang halong joke??

Kyaaahhh manliligaw siya sa akin?tapos sasagutin ko?tapos magpapakasal kami? tapos magkakaanak?tapos magkakaapo? tapos?tapos??

Kyaaahhh ano bang iniisip ko?

Advance lang mag isip?

Napatingin ulit ako sa kanya...

Nakatingin lang siya sa labas ng karwahe...

Kaya bigla akong napangiti....

Tatanggapin ko ba ang panliligaw niya?

Paano nalang kaya kung saktan niya ako?

Ipaglalaban niya ba ako?

Mamahalin ba niya ako hanggang dulo ng buhay namin??

"Yes,i will"napatingin ako sa kanya ng gulat na gulat...

P-Paano niya--------

"We royalties.can read a mind babe"sabi niya habang nakangisi...

Nanlaki bigla ang mata ko ..

I-Ibig sabihin alam niya kanina pa ang iniisip ko?

Tiningnan ko siya nang nakangisi siya. .

How dare he to read my mind?

"Ang ingay mo mag isip kasi"sabi niya sabay halik sa tungki ng ilong ko ..

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya,feeling ko namumula ako sa ginawa niya...

Nakaramdam pa ako ng maliit na bultahe ng kuryente mula sa labi niya...

"Im willing to wait babe"sabi niya sabay kindat sa akin...na siyang lalong ikinapula ko....

What have you done to me Kurt Tyron Firefly???

Ba't mo ako pinapakilig??

"Because I love you"napaawang ang bibig ko sa sinabi niya...

But...h-how??

Isang buwan pa lang o higit kaming magkakilala

How do he love me???

"We love each other before you enter this world"sabi pa niya....

What does he mean?

Hindi ko siya maintindihan......

"Don't force yourself to remember what I say,don't mind it,now sleep babe"sabi niya.

Hindi ko alam pero napatango nalang ako sa sinabi niya...

Mahal namin ang isa't isa bago pa ako nakapasok sa mundong to?

Ba't wala akong maalala?

'Don't force yourself to remember I say,dont mind it"sabi na naman ulit niya sa isip ko.....

Bago ko pa maipikit ang dalawa kong mga mata ay isinandal na naman niya yung ulo ko sa balikat niya...

"Sleepwell babe"sabi niya sabay halik naman sa buhok ko...

Then everything went black...

------

Kurt Pov

Napangiti nalang ako sa babaeng nakasandal sa balikat ko...

Ang cute niya talagang matulog...

Tinitigan ko na naman siya...

Hindi kasi kasawa sawang tingnan ang mukha niya...

Sana.....

Sana walang sisira sa magandang samahan natin .

Sana....

Sana walang hahadlang sa pagmamahal ko sayo...

Sana....

Sana mahalin mo ulit ako kagaya ng pagmamahal mo sakin non...

Sana...

Sana bumalik na ang alaala ng Mahal kong si Reni...

At sana.....

Sana walang kadiliman na hahadlang sa aming dalawa....

Alam ko...

Alam ko ang lahat tungkol sa pagkatao niya...

Na ako at ang Ermitanyo lang ang nakakaalam....

Handa akong tulungan siya....

Handa akong protektahan siya

At higit sa lahat..

Handa akong ibuwis ang buhay ko para sa babaeng pinakamamahal ko.

Ilang oras din kami naglakbay nang makarating kami sa Academy...

Medyo madilim na kaya walang katao tao sa hallway...

Karga karga ko ngayon ang dalawa habang si Demi naman ay nanglalantay na nakasunod sa akin...

Antok na antok na siguro siya...

Ang iba kasi naming kasamahan ay nauna nang maglakad papuntang doerm at ako nalang mag isa ang naghatid kina Demi...

Responbilidad ko daw bilang ama ng mga bata sabi nila...haha mga loko loko talagang mga kaibigan..

Nag usap narin kami ni Van at saka nagkaayos subalit hindi naman kami nagpapansinan ni Louise..

Ayaw niya ako para kay Demi...dahil wala siyang alam...

Nakarating na ako sa pintuan ng dorm nina Demi ng may naaninag akong bulto ng tao sa isang madilim na lugar sa dulo ng hallway...

Nagliliyab ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin...

Kaya tiningnan ko naman si Demi,nakapikit siya..binaling ko ulit ang tingin ko sa taong yun pero wala na siya ..

'Malapit na namin siyang mabawi'

Ang huling narinig ko...

Lalaki.......

Lalaki ang taong yun...what does he mean?

Sinong babawiin nila??

"Ano ba tatayo lang ba tayo dito papasok na?"inis na sabi ni Demi kaya agad kong pinihit ang door knob at pinaunang pinapasok si Demi saka ako sumunod sa kaniya...

Wala nang tao sa sala..ibig sabihin tulog na sina Claire at Jhenella..

Umakyat na kami ng kwarto ni Demi saka ko ibinaba ang dalawang bata sa kama....

At tiningnan si Demi na antok na antok na..kaya nilapitan ko siya..

"You can sleep now"sabi ko sa kanya...kaya tumango naman siya at nahiga sa tabi ng dalawang bata...

Maluwag naman tong kama niya..siguro mga good for five?

Mapili kasi tong babae na to kaya wala namang magawa si HM dahil sa tigas ng ulo..

Magagawa niya ang gusto niyang gawin sa isang salita lang...

Kaya iingatan namin siya dahil,higit pa sa bilyong bilyong tao sa Magical World ang buhay niya...

Kapag mawawala na naman ulit siya...

Mawawasak ng paunti-unti ang mundong to...dahil sa kanya nakasasalay ang buhay ng lahat ng tao na nakatira sa Magical World...

Nakita ko siyang napapikit na kaya naisipan ko nang tumayo at lalabas na sana ng higitin niya ang damit ko...

"Don't leave,sleep with us"sabi niya habang nakapikit ang mga mata...

Kaya napangiti nalang ako sa kanya at bumalik sa kama..

"Ok,i won't leave"sabi ko...kinuha na niya yung kamay niya kaya kumuha na ako ng unan at tumabi kay Flaire...

Bale napapagitnaan namin ang dalawang bata...

Ako-Flaire-Wateria-Demi

Napapangiti ako sa naiisip ko..sana ganito nalang kami hanggang dulo..

Nilapitan ko muna siya saka hinalikan sa noo ganun din ang dalawang bata...

Hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko

-------

Louise Pov

"Good morning Students,This is Headmistress and I calling all Royalties to proceed my Office thank you,ow by the way I forgot you too. Ms.Ashford"

Napatingin kaming lahat sa speaker ng magsalita si HM....

Nandito kasi kami ngayon sa hallway naglalakad ng nag announce ng tawa si HM kasama namin ngayon si Demi at ang dalawang Fairies naman ay naiwan sa dorm...

Napakuyom nalang ako ng kamao ng maalala ko yung sinabi ni Sirene...

Na hindi daw bumalik ng dorm kagabi si Kurt at don pa natulog sa kwarto ni Demi...

Ba't ba ayaw niyang tantanan si Demi???

May mahal na siya diba?paano nalang kaya pag dumating si Reni at mahal na siya ni Demi?.?

Masasaktan lng si Demi kung ganon..

"Let's go to HM office"sabi niya sabay hawak ng kamay ni Demi sabay tingin sa akin ng nakangiti..

Na nagpapahiwatig na panalo siya...

Hindi ako papayag na mapunta lang sayo si Demi,nagmahal ka ng kasalukuyan habang ang puso mo ay nasa nakaraan parin...

Pasulyap sulyap lang ako sa kanila hanggang sa nakarating kami ng HM office..

"Have a sit Royalties"sabi sa amin ni HM nang makapasok kami...

Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa isang mukhang mensahe??

"Royalties,Queen Amara send this message to need our help,ang bayan ng Himig ay nasa panganib"sabi ni HM..napakunot naman ang noo ni Demi sa sinabi ni HM

"Ano po ang Bayan ng Himig?"tanong ni Demi kay Hm

"Ang bayan ng Himig ay siyang tinitirhan ng mga may mahika nang mang aawit ....Nabubuhay ang kanilang paligid gamit ang kanilang himig kapag mawala kanilang mahika na himig,mawawasak ang kanilang bayan na at lulubog ito saka mawawala sa mapa"sabi ni HM kaya na'ahh'naman siya

"Paanong nasa panganib ang kanilang bayan?"tanong naman ni Kurt kay HM

"Lahat ng tao doon ay hindi na humihimig dahil sa kanilang boses,nilason ang kanilang inumin kaya di sila makakapagsalita at ayon sa sulat na naitakas ng reyna sinasakop sila ng Darkians"sabi nito...

Darkians na naman....sa ilang araw na naganap sa pqgkamatay ng kumupkop kay Demi ay ngayon na naman nagparamdam ang mga Darkians....

"Darkians"napatingin kaming lahat kay Demi ng biglang nandilim ang paningin niya kaya bigla nalang dumilim ang paligid.

"Hey kambal calm down"sabi ni Van pero di siya nakinig...

Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Kurt..

"Just calm yousrelf,don't worry makakaganti ka rin sa kanila"pagkatapos niyang sabihin yun ay nawala ang madilim na paligid.

Napahinga naman ng maluwag ang iba...

Siya ba ang tagapagpakalma mo Demi??

Hindi mo na ba kailangan ang kaibigan mong si Louise?

Napayuko nalang ako...

Ha!ha!ha!

Wag ka nang umasa pa Louise hindi ka niyan papansinin..

"Hey yelo ayos ka lang?"napatingin ako sa katabi ko kaya tumango lang ako.

"Yeah"malamig kong sabi saka tiningnan ulit si Demi habang hinahagod ni Kurt ang likuran niya upang kumalma...

"Kailan mag sisimula ang misyon?"tanong ko kay HM...napatingin naman siya sa akin at ngumiti..

"Tommorow morning"sabi ni HM

"K,i will go"sabi ko saka umalis na...

Dumiretso naman ako sa rooftop at lumanghap ng sariwang hangin..

Kailan mo ba ako mapapansin Demi?

Nasaan na ang Tria na nakilala ko sa mundo ng mga tao????

Babalik pa kaya????

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now