Chapter 53:War

2.4K 124 2
                                    


Third Person Pov

Habang naglalaban ang dalawang panig.Lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga diyos at diyosa ay nanonood ng kanilang labanan.Hindi maipinta ang mga mukha ng iba at nag aalala na baka matalo ng kasamaan ang kabutihan dahil na rin sa pinakitang lakas ng hari ng kasamaan.

"Fiona,nag aalala ako sa magiging resulta ng labanan" ani ng diyosa ng mga yelo na si Iceana.Sumang ayon rin ang ibang mga diyos at diyosa sa sinabi ng diyosa ng yelo.

"Magtiwala lang tayo sa kanya" napatahimik ang lahat sa sagot nito.Titig na titig ito sa pinapanood na labanan.

"Maipapanalo nito ang labanang ito,magtiwala tayo"


*****

Habang abala ang lahat na mag aaral sa Akademya,may isang taong nakangisi habang nakatingin sa isang dalagitang abala sa pagpatay ng kalaban.Hindi nito maitatangging magaling ito sa labanan dahil na rin sa abilidad nitong mangkukulam.

"Tingnan natin kung sino susundin pa ang susundin niya.Hindi ba?" Dinilaan nito ang hawak na kutsilyo habang hawak ng kabilang kamay nito ang isang ginang na hinang hina na.

"W-wag mo na s-siyang i-idamay,t-tapos na ang k-kaniyang t-tungkulin bilang u-utusan mo"saad nito habang nakahawak sa braso ng babae sa kaniyang leeg.Ngumisi ang babae habang hindi inaalis ang mata sa dalagang abala parin sa paglaban.

"Subukan nga" ngisi nito.Sisigaw na sana ang bihag ng takpan nito ang labi ng kamay nito at agad na sinikmurahan.Tumulo ang kaniyang luha at napatingin sa dalagang ,tinitingnan din ng babae habang nanlilisik ang mata.

'Anak ko'

*****

Nakarating ang iba pang mga royalties sa kanilang kaharian.Gulat na gulat sila sa nakikita.Wasak na wasak ang kahariang sumalubong sa kanila.Napapalibutan din ito ng mga naglalakihang mga halimaw.Ang kanilang mga kawal ay nakahandusay na sa sahig at mga wala ng buhay.

"This can't be" sari-saring bulong ng bawat isa.Natalo na kami.Usal nila sa kanilang isipan.Pinaghinaanna ang bawat isa ng loob.

'Ba't ganon na lang kadaling matalo kami?'

Yan ang iniisip ng lahat.Wala na silang nagawang aksiyon subalit talo na sila.Hindi nila naabutan ang kanilang kaharian at ipaglaban.

Napaluhod ang Prinsipeng si Kurt ng maabutan ang kanilang kaharian.Hindi niya akalaing nahuli siya sa aksiyon.Hindi niya inaasahang sa pagdating nito sa kanilang kaharian ay wala ng natira sa kaniya.Huli na siya upang ipagtanggol ang kanilang kaharian.Tanging nakikita niya ay ang mga pamilyang nag-iiyakan at niyayakap ang nga mahal sa buhay na nasawi upang protektahan ang pamilya.

Parang Pinagbagsakan din siya ng naglalakihan na daang daang mga bato ng makita kung paano patayin ng isang kawal ng kadiliman ang mag-ina.Sa harap pa nito mismo.Nakaramdam siya ng poot at galit.Pakiramdam niya ay nasusunog ang kaniyang katawan kapag hindi niya ipinalabas ang damdaming nasa kaloob looban nito.

"Buhay pa pala ang Prinsipe ng mga apoy?." Nakangising sambit ng binatang si Lucas.Galit siyang tiningan ng prinsipe.Tiningnan nito ang binata na may ipinapahiwatig.

"Flades" isang nagliliyab na phoenix ang sumulpot sa tabi ng Prinsipe ng tawagin nito ang kaniyang tagapagbantay.Nanlilisik ang nagbabaga nitong mata sa binatang kaharap nito na parang handa na itong umatake kung uutusan ng kaniyang amo.

Mabilis na tumalon ang binata at umabante sa Prinsipeng nakaluhod.Tumayo ito at inilabas ang punyal na may pulang bato.Kasabay nun ang paghaba ng punyal at paglabas ñg naglalagablab na apoy.

Gulat man ay di pinakita ng binata ang ekspreyon ng makita ang hawak ng Prinsipe.Hindi ito makapaniwalang nasa kamay na ng bawat Royalties ang mga mahahalagang bato.Ipinalabas na rin nito ang maasahang tagapagbantay nito.Di maipagkailang ang bawat guardian ay may itinatagong mga lakas.

Nagsimula na silang magtapatan ng bawat lakas.Galit at poot ang naging emosyon ng Prinsipe,hindi ito makapaniwalang ang kaniyang kaharian ay napabagsak lang ng di inaasahan.Wala itong ibang iniisip kundi ang matalo ang kalabang binata.

Ilang minuto ang lumipas at wala paring gustong magpatalo.Puro dugo at sugat na sila.Nakaisip ang binata ng paraan para matapos na agad ang laban para makapunta na ito ng ibang kaharian para mapagbagsak.

Nagpalabas siya ng napakadelikadong kapangyarihan sa kaniyang kamay.Di man alam ng prinsipe ang binabalak ay alam nitong napakapanganib kaya naghanda ito.Biglang lumiwanag ang pulang bato sa kaniyang espada kasabay nun ang pagbitaw ng binatang kalaban ang malaking enerhiya.Ipinikit nito ang mga mata at hinintay ang paparating nitong kamatayan.

'Ito na ba ang magiging katapusan ko?
And daya naman ng kapalaran ko,hindi ko pa nga nakikita ang mahal ko ay ipagkakait na kaagad nito ang maykapal.Kulang pa ang kasiyahang para sa amin.Hindi pa ito ang kapalaran ko subalit sino ba naman ako para pilitin ang dapat na hindi pinipilit?Kahit laba sa kalooban ko tatanggapin ko ang nararapat para sa akin.Paalam mahal'usal nito sa kaniyang isipan.Ilang minuto ang nakalipas ng kumunot ang noo nito.Wala itong naramdamang sakit.Kaya naman ay napamulat ito ng kaniyang mga mata at gulat ang unang ekspresyon na lumabas sa mukha niya.Gulat siyang nakatingin sa harapan niya.

Isang napakalaking nagbabagang Phoenix ang humarang sa itinapong kapangyarihan ng binata.

"Flades" usal nito ng makita ang Guardian nito.Umungol ito ng sobrang lakas na ikinabitak ng ibang kalupaan malapit sa kanila.Sinabayan ito ng ibang mga nilalang na di mawari kung ano.

"P-paano?" Nanghihinang turan ng binata at tuluyan ng bumagsak sa sahig.Nagsimulang lumipad ang malakig Phoenix at pinagbubuga ng mga nagbabagang apoy ang mga alagad ng kadiliman.Pagkatapos ay bumalik ang Phoenix sa prinsipe at sumampa sa likuran nito ang amo.

"Let's end this war buddy"





*****

A/n:So yun nga!Sorry kung bitin hihi!

Don't forget to click the VOTE
👇👇👇Down there!


Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now