Chapter 48:Your my light,when I'm in Dark

3.1K 128 0
                                    

Demi Pov

Pailing iling nalang ako habang tinitingnan ang apat na taong nakaupo sa bawat ugat ng mga malalaking puno.Ang titigas ng mga kokote nila.Sinabihang wag munang gumawa ng hakbang pero di nakinig.Haissttt pero sinabihan ko ba talaga silang wag gumawa ng hakbang?loka demi!

Umupo ako sa isang sanga ng kahoy habang pinagmamasdan silang kumakain.Tiningnan ko si Zade na mukhang gutom na gutom.Bawat subo kasi sa bibig niya ay marami.Di pa nauubos ang laman ng bibig susubo ulit.Ganon kagutom ang walanghiyang yan.

Blurp!

Muntik na kong mapahalakhak sa dighay ni Zade.Wengya ang lakas kasi ng pagkakadighay ng abnormal na yun.Pati sina Van,Carl at Thunder ay napatawa ng malakas.Pero di sila pinansin ni Zade.Napahiga ito sa kinauupuan saka hinawakan ang busog na busog na tiyan."Busog na ko hayyyyy".Napahagalpak ng tawa yung tatlo.

"Ang bansot nun,dre'!hahahaha"

"Ang bakla pakinggan nun Zade!hahaha"

Napanguso nalang sa kanila si Zade.Wala naman kasi siyang magagawa sa mga kaibigan kundi ang ngumuso.Di naman kasi siya manalo nalo sa dalawa.

"Pinagtutulungan niyo naman si Zade!kayong dalawa tumahimik nga kayo at magpahinga,maglalakad na ulit tayo maya-maya"

Di na muling nagsalita ang dalawa na ikinangisi sa kanila ni Zade.Nagpahinga lang sila ng ilang minuto saka sila nagsimulang kumilos at naglakad na naman.

Nagsimula na naman silang maglakad.Maingat din akong sumunod sa kanila.At nang nakakita ako ng tyempo ay mabilis akong tumalon sa ilang puno at tumalon paharap sa kanila.

Nagulat sila nang makita ako kaya napangisi ako sa kanila.

"Sa tingin niyo ba makukuha niyo sila?Nagpadalos dalos na naman kayo"Naglakad ako papunta sa kinatatayuan nila habang nakangisi parin.Nakita ko kasi silang nagmamanman sa harap ng akademya .Nasa kwarto ako nun habang pinagmamasdan ang kabuuan ng magic world.Napakunot noo ako nang malaman kung anong pinaplano ng mga ugok na to!

" This is not the right time.Bumalik na kayo sa akademya bago pa malaman ng Headmisstress at ng Council  ang pinanggawa niyo"Tiningnan ko sila isa-isa.Nagsipag iwas sila ng tingin sa akin at makikita mong nagtitimpi sila.Napakuyom ng kamao si Carl at pinagkunuutan ako ng noo ni Zade.

Sumandal ako sa puno at pinagkrus ang braso ko habang tinitingnan sila.Inaasahan kong susunod sila sa sinabi ko pero nagkamali ako.Nakatayo lang sila sa harap ko.

"May oras para sa pagkuha sa kanila,Royalties."Tinalikuran ko na sila ag nagsimulang maglakad papalayo sa kanila.Napapikit ako at iniisip kong ano ba ang ginagawa kina Kurt at Jade.Napakuyom ako ng kamao.Sisiguraduhin niyo lang na wala kayong gagawin sa kanila.

" Wala ka bang pakialam sa kanila?"Napako ako sa kinatayuan ko ng magsalita si Carl.Wala kayong alam.Yan ang nais kong sabihin sa kanila subalit hindi ako nagsalita."Wala ka bang balak na bawiin sila?".Napabuntong hininga ako saka siya nilingon.Blanko ang mukha ko ng ipakita sa kanila.Ayaw kong makita nila akong emotional sa harap nila.

"Do you trust me?" Tanong ko sa kanila na ikinabigla niya.Nanlalaki ang mga mata nito at nagbaba ng tingin.Tiningnan ko din ang tatlo at nagsipag iwas din ng tingin."Do you?"muli kong tanong kay Carl at Zade.Agad na pinahiran ni Carl ang namumuong luha sa mata niya at si Zade at napatingin sa taas.Saka muling tumingin sa akin.

"Yes,we trust you!but....." Bago pa man niya dugtungan ang sinabi niya ay tumalikod na ako sa kanila."Then,trust me"huling salita na binitawan ko at iniwan ko na sila.

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now